Ryan's POV
Second day na namin sa School at I'm so glad na maraming nakapansin sa aing beauty aketch! Yep, andami ko ng mga kaibigan. Girlalo man yun o mga papables. Marami na din akong naging friendship na mga other year levels. Oh diba? Friendly ang lola niyo. Hihi!
Ayan pumasok na si Teacher/Adviser namin.
Agad agad namin siyang binati..
"Good Morning Ma'am!"
Aba, good mood si Ma'am. Ay ewan huwag ko na ngang pansinin...
"Good Morning Too, I'll assign your permanent sitting arrangements that will take until 4th grading okay?"
"Yes ma'am." sagot naming lahat.
Lord, sana makatabi ko si Rhaniel. Kahit hindi na po ako tumingin sa ibang papable po. Ibalato na niyo po siya sakin. Parang awa niyo na po Lord.
Na CRUSH AT FIRST SIGHT kasi ako kay Rhaniel. Ewan ko ba. Napakagwapo niya kahit serious face yan tsaka palaging naka poker face. Hihihi!
"Marcelino Ryan, palit kayo ni Sharmaine Diego ng upo." sabi ni Ma'am.
Agad naman akong tumayo at nakipagpalit kay Sharmaine.
O_________________________________________________O
Oh My Golly GOD! Am I dreaming? Shetness! Katabi ko lang naman ang isang mala Adonis na mukha. Isa yata to sa mga anak ni Zeus eh. Naku, kagwapo eh. Anubayan. Hihi!
Opo, katabi ko po si Rhaniel. Lord, sana po hindi na siya ipalipat ni Ma'am. Please po. Ititigil ko na po ang panonood ko po ng mga porn tsaka sa mga magazines ng mga boys na naka brief lang po huwag niyo lang po siyang hayaang ilipat ni Ma'am. Plesssss!
Ayan, at nagtuloy tuloy naman si Ma'am sa pagprepare ng aming kuno sitting arrangements.
Ay ako'y dininig naman ng Poong Maykapal...
Yes! Makakatabi ko siya hanggang matapos ang school year nato! Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!
"Hoy bakit ka nagbla blush."
Tanong sakin ni Blessy. Isa kong classmate. Maliit pero maputi at maganda.

BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE (Completed)
Teen FictionUso na naman ngayon ang same sex relationship diba? Moderno na naman tayo ngayon. Tsaka isa tayong democratic country at nakasaad sa konstitusyon natin ang mga salitang tinatawag na "KARAPATANG PANTAO".