Chapter 7: Farewell?
Hanggang ngayon shock na shock parin ako sa mga nangyari. Bakasyon na ngayon at heto ako nag iisip kong paano ko mapapasaya si Pepe my loves sa mga huling araw niya dito sa Pilipinas. Kaso, nasa Manila siya eh.
Kaya ang ginawa ko, palagi ko siyang tinetext. Kahit na nakukulitan na yata siya sakin. Ewan ko ba, basta masaya ako kapag katext siya. Inspired na inspired ako sa pag-aaral dahil sakanya. Kaso sa kasamaang palad noong recognition day, na-out rank ako. Naging top 9. Sisihin niyo ang MATH (Mental Abuse To Humans) na yan! Eh sa tatlo lang naman kasi ang Math namin nun tsaka ang bobo bobo ko pa sa mga tatlong yun. Wala! Out rank ako! Masakit na malupet yun!
Salamat nalang at nanjan yung mga kaklase ko na nagbigay ng payo sakin na dapat pagbutihin ko next school year. Sana magdilang anghel sila. ^_____^ At salamat narin kay Rhaniel My Loves, inspiration ko eh. BAWAL ANG UMANGAL! Hahaha!
So ayun nga, sinasabi ko narin sakanya na mamimis namin siya ng buong klase, kahit na ako lang talaga ang makakamiss sakanya ng sobra.
Dumating yung araw ng pag-alis niya. Alam mo yung feeling na yung asawa mo or jowa mo na aalis pupuntang ibang bansa para magtrabaho? Ganun yung nafi-feel ko! Ang sakit sakit nun. Grabe! Huhuhu. Sana makita ko siya personal bago siya umalis. Kaso hindi eh. </////3 Haixt!
Beofre yung alis niya ay tinext ko muna siya ng pagkahaba haba... Yung tipong iiyak siya dun sa message ko... pero diko nga lang alam kong naiyak talaga siya. Hehehe.. Ganun din ginawa ng ibang mga kaklse ko.. Pero dapat mas mahaba yung sakin. ^___________^
Umalis siya noong 1st week of May. At doon ngasimula ang pagkahumaling ko sa paggamit ng Internet. Palagian nalang ako sa Comp. Shop para makita ko yung mga pics. niya dun sa Canada. Palagi ko narin siyang kachat. Nakakatawa nga na nakakainis minsan eh pag kachat ko siya. Paano kasi, may routine kami eh.. Like ganito:
Me: Gudeve...musta?
Siya: k lang..?
Me: Gawa...?
Siya: wala...
Me: kasama mo..?
Siya: wala
Me: aii... ganun?
Siya: wen!
Me: ..osige..
Ganun ganun lang. Kung hindi pa sana ako mag oopen ng topic ay hindi na tatagal ang conversation namin. Pero dahil mahal ko siya ayun nagtiya tiyaga ako dun sa comp. shop kahit abutin pa ako ng limang oras makachat ko lang siya bago siya matulog. ^_^
__________________________________________________________________________________

BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE (Completed)
Novela JuvenilUso na naman ngayon ang same sex relationship diba? Moderno na naman tayo ngayon. Tsaka isa tayong democratic country at nakasaad sa konstitusyon natin ang mga salitang tinatawag na "KARAPATANG PANTAO".