Chapter 8: Opening 3rd Year

115 1 0
                                    

Chapter 8: Opening 3rd Year

Ngayon, 3rd year na ko. Hayss nakakamiss talaga siya. Hindi ko na siya makikita pa sa personal. Wala eh, nasa ibang bansa na siya.

Minsan nga napaparanoid na ko kakaisip baka nakahanap na siya ng hilaw na Canadian dun. Jusko! Pero dahil may trust ako sakanya ay minsan hindi ko naiisip yun. Astig no? Wala pa kaming relasyon pero kung makapagclaim ako parang boyfriend ko na diba? Hahaha!

At yun nga, ganun parin ang nangyari... introduce yourself chu chu na portion. Wala muna kaming ginagawa kasi 1st day of school. Naglilinis lang ang peg namin...

Here comes Dominador, classmate ko rin siya at take note, gay bestfriend of Pepe my loves. Ewan ko ba dun, baka self proclimed bestfriend.. Hahaha! Hindi naman sa naiinsecure ako sakanya dahil alam kong MUCH BETTER ako sakanya. Oo, beauty tsaka brain no! XD

Palagi niyang sinasabi yung katagang 'LOADER' sakin.

Sabi ko naman sa sarili ko, 'bakit alam niya?'

Minsan nga tinanong ko si Pepe my Loves, pero wala siyang masabi. Dumating yung time na pinagkaisahan nila ako, sobrang galit ko noon ay Dominador. Hindi ko magawang magalit kay Pepe my loves kasi diba mahal ko siya. Kaya ayun, kay Dom ko nabuntun lahat ng galit ko.

Pagkaisahan ba naman ako? Tsk! Sa pinaka ayaw ko sa lahat ay yung pinagkakaisahan ako. Ansakit kaya nun. Hayst! ANG BAIT BAIT MO SAKANILA PERO PAG NAKATALIKOD KA NA, WALA NA! SINISIRAAN AT PINAGTATAWANAN KA NA NILA. TT_TT

Dumating yung mga araw, at naging maayos naman ang takbo nito sakin. Marami akong activities na sinasalihan. Masaya ako kasi aktibo akong nakikipag socialize. Marami narin akong naging kaibigan. Pero wala ni isa ang naging ka-i-bigan ko. Stick to one po kasi ako! Kay Pepe lang tong healthy heart ko. Hehehe.

Minsan nagska-skype kami kay Rhaniel ng Mga kaklase ko. Alibi ko lang yun para makita siya. Hehe eh gumana naman. Kaya ayun. :D

Sa ganung paraan, pasimpleng sumasaya ang puso ko. Masilayan ko lang yung mukha niya ang saya ko na. Jusmee, iba talaga pag inlove ka noh? Hinahamak mo lahat? Pero ang kaibahan lang namin, ako lang yung umiibig. ONE SIDED LOVE kumbaga. Alam ko naman yun eh at hindi ako humihingi sakanya ng kapalit. Na mahalin rin niya ako in return. Ang gusto ko lang, maging tapat siya sakin at hinding hindi niya ako lolokohin.

__________________________________________________________________________________

(A/N: I know bitin every chapters. Wala kasing laman utak ko ngayon eh. I dunno why. Huhuhu!)

FORBIDDEN LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon