Chapter 14: Friends...Who Never Left...
"Don't worry about the future, you still have friends who will accompany you and join you."
Kung mayroon lang contest na Mr. and Miss PRETENDER, siguro ako na yung makakakuha ng KORONA..dahil alam niyo kahit na nasasaktan na ako, at durog na durog na itong puso ko nagagawa ko paring tumawa at pakisamahan ang mga taong nakakasugat ng damdamin ko. Ganoon ako katibay! Nagagawa ko paring ngumiti sa mga kaibigan ko kahit alam kong napakasakit na...
Gusto ko mang sabihin ito sa mga kaibigan ko pero alam ko hindi nila ako maiintindihan.. Hindi nila maiintindihan tong nararamdaman ko..
Minsan nga naiisip kong magpakamatay na lamang..
Gabi gabi akong umiiyak...
Lagi akong tuliro...
Wala sa isip..
Lutang...
Nagdadasal ako na sana isang araw paggising ko, wala na akong problema at nabura na lang ang mga masasamang akala sa aking memorya.
Sina madisgrasya na lang ako at magka amnesia...
Selective Amnesia... yung silang dalawa ... tuluyan ko na silang makalimutan...
Pero sa huli narelaize ko, oo nga nanjan ang mga kaibigan ko...
MGA TUNAY KONG KAIBIGAN...
Ang ilan sa aking III-SSC family...
Si Jeremy Ritz Agpalo, na akala ng iba ay may lihim na pagtingin ako sakanya, pero wala. Itinuturing ko siyang bestfriend sa kabila ng pang uuyam ko sakanya. Sa kabila ng panloloko minsan sa kanya. Kahit na minsan naiinis na siya sa akin pero sympre, alam ko, mahal ako nun bilang isang kaibigan..
Ang aking IV-SSC family na sina Kuya Aaron, Kuya Vincent, Kuya George, Mama Peaches, ate Levon, at kuya Gervy. Pinapasalamatan ko sila dahil tinanggap nila ako base sa kong ano ang talagang nakikita nila sa akin..
Salamat kasi kahit minsan, niloloko ko kayo ay hindi parin kayo tumatalikod at hahakbang papalayo sa akin..
Salamat sa pagiging isang TUNAY na KAIBIGAN...
__________________________________________________________________________________

BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE (Completed)
Novela JuvenilUso na naman ngayon ang same sex relationship diba? Moderno na naman tayo ngayon. Tsaka isa tayong democratic country at nakasaad sa konstitusyon natin ang mga salitang tinatawag na "KARAPATANG PANTAO".