Chapter 3: Crush daw niya. TT_TT

193 3 2
                                    

Chapter 3: Crush daw niya. TT_TT

(A/N: Sa story na to ay gagamit ako ng irregular timeline. Hehe Fastforward to. Hindi to nangyayari day by day kasi tong story na to ay aabot hanggang sa 3rd year na sila. ^_^ Enjoy reading! ^_^)

2nd Grading na namin. At alam niyo ba? Sobrang nagsunog ako ng kilay. Hindi yung literal na sinusunog ko yung kilay ko ha? Nagreview kasi ako. Eh dream ko kasi noong Elementary ako na pag naging high school na ako dapat maka abot ako sa Top 10. Aba, mahirap yun noh! Magagaling mga kalaban mo tsaka diba star section to, kaya naman marami talagang magagaling... At take note, ako, bilang isang napakagandang Diyosa na si Josephina Rhianna Marcelino, nakapasok lang naman ako sa Top 10. Hihi! Rank 8 ako. Ang saya saya ko kaya. Kahit na hindi ako umabot hanggang rank 5. Okay na sakin yun, umabot namam ako sa quota ko. Diba? Pero ang sad lang kasi hindi nakapasok si Rhainiel my loves sa  Top 10. Sa araw-araw na inilaan ng Diyos para mabuhay ang isang magandang katulad ko ay marami na akong nalaman sakanya. Gaya ng kung saan siya nakatira, favorite color niya, favorite food, at take note ulit, kabisado ko na ang mga damit niya. Muwahahaha! Ganun ako ka obsess sakanya at pati pabango niya alam ko rin. Yun na rin ang ginagamit ko eh. Hehe Wala lang, mabango naman kasi tsaka para magkasing bango kami ni Rhaniel my Prince Charming. ^___________^

Ganun parin naman ang set up namin, Hehehe.. Cheatmate kami at the same time seatmate. Pero hindi naman kami palaging nagshe share ng answer. Sa MATH lang. Hehe, hate na hate kong subject yun eh. Buti nalang mabait ang teacher namin kahit minsan may pagka Amazona grabe kong makapag pahiya ng estudyante, pero love naman namin siya. ..

*KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINGGGGGG!

"Yes break na! Gutom naku eh. Nagwawala nanaman mga Anaconda sa tummy ko. Huhu" sabi ni Jamaica.  Isa sa mga classmates ko. May saltik ata yan  eh, akala ko nga nung una baliw, panu ba naman kasi, puro libro ang hawak tapos hindi nagsasalita, palaging nakatingin sa labas habang nagtuturo mga Ma'am namin, minsan pa nga natutulog yan eh kahit may klase pa.  Pero nung medyo nagtagal na, nakiki pag interact na siya sa amin. Mabait yan tsaka maganda, pero mas maganda parin ako no!XD

"Ikaw Ryan hindi ka ba magbre break?" tanong ni Hannah sakin. Kilala niyo nanaman siya diba.

"Magbre break ako. Sama ako." sabi ko.

At yun nga sumama ako sa mga kaklase ko, sina Hannah, Sharmaine, Celine, Mikee, Fiona.

Sina Celine at Fiona pala, mga classmates ko sila noong Elemnetary ako. Kaya hindi naman kami nagkakahiyaan.

Nakabili na kami at pumunta na kami sa classroom namin. Mas maganda kasi dito magmeryenda eh. Tahimik. Kami lang yung maingay. Hehe Eh pag sa labas, halo halo na eh. Kaya ayun.

Nakita ko naman si Rhaniel na kasama yung mga new found kuno friends niya. Mga kakalse rin namin sila.. Sina Ian, Jan Paul, Mark Alfred, Jaypee, Zaldy, Ej at Jayshel. At alam niyo ba, may mga pangalan yang grupo nila...

SILENT FAMILY...

Hahaha! Ang Jeje ng pangalan nila.. Silent daw, pero actually opposite yun nang kung ano sila.. Mga maiingay.. Haha! Silent lang sila pag nagtuturo na si Ma'am. Paano ba naman kasi, wala silang maisagot kapag nagtatanong si ma'am kaya stay silent nalang sila. :D Pero si Jan Paul yung pinakamagaling sakanila, pamatay siya. Oo, pamatay yung amoy niya grabe! Nakakasulasok. Nakakamatay! Grabe kasi. Ang lakas ng B.O. Hahahaha!

(A/N: Pasintabi po sa mga kumakain jan. hehehe )

Hindi naman sa kinukutya ko siya pero hindi man lang ba niya maamoy yung sarili niya? Buti nga napag titiisan siya ng mga FRIENDS niya daw. Hahaha! At pati narin yung girlfriend niya na si Maxel. Kaklase rin namin. Ewan ko ba, ALL IN ONE na ata rito sa amin. Lahat ng klase ng tao na hinahanap mo andito na.

FORBIDDEN LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon