Chapter 6: I'm REALLY Broken </////3 Shocks!

152 1 0
                                    

Chapter 6: I'm REALLY Broken </////3 Shocks!

 Sabado ngayon at napag isipan naming magkakaklase particularly sina Mikee, Christine, Fiona, Hannah, at yung anim na boys na kaklase ko na pumunta sa Peryaan. Ansaya saya ng feeling, kasi kasama ko yung mga kaibigan ko  at nagtatawanan kami and at the same time, pinagtatawanan namin yung mga taong nakakatawa ang pagmumukha. Eh hindi naman sa mga bad kami, talaga namang nakakatuwa eh. At hindi naming mapigilan ang paghagalpak ng tawa namin. Nakakahiya na nga eh kasi pinagtitinginan na kami pero we don't care! Its a frre country and we can do what we want!

"Uy, alam niyo ba guys, may nakakita raw kay Pepe sa Landmark. May kasamang babae." sabi ni Christine. Isa pa to eh, grabe lang ang pagkachismosa. Pero kahit na, love ko yan!

Pero si Pepe my loves? My kadate dun sa Landmark? Weh? Eh nandito naman si Hannah ah! Baka si Celine?

Alam mo yun, yung nabalitaan mo nalang na maging bf/gf na pala yung dalawang kaklase mo. Okay pa sana kung iba yun kaso si Celine naging Bf niya si Pepe. Masakit yun para sakin. Tapos palagi ko pa silang nakikitang nagmomomment dun sa room. Nakakainis minsan si Celine eh ang sarap sabunutan. Sana ako yun eh. Huhuhu! Pero hindi naman sila nagtagal ng 2 months.. Eh wala pa yatang 1 month eh. Kaya nung nalaman kong nagbreak na sila ay halos tumalon ang aking heartlalu! Alam niyo yun? Hindi naman siguro masamang maging kaligayahan ang balitaang wala na sila diba? Kyaaaaaaaaaaah! At take note, sinle na ulit siya at ready to mingle na naman. Sana mapansin na niya ako, alam na naman niya siguro eh, kasi lagi kaming tinutukso sa room. Pero siya, wala. Poker face lang. Ako naman, ayun kinikilig. Hehe! Mainggit ka nalang okay? Ganda ko kasi. Hahaha!

So back to real, paanong may makakadate siya? Sino kayang hampaslupa yun?

At dahil curious ako, ay niyaya ko sila sa Landmark.

Bago pa kami pumunta roon ay grabeng panunudyo na ang naabot ko sa mga balahurang kaklase ko.

"Uyyy selos na yan!." -Mikee

"Oo nga, magpa sex change kana kasi para mafall si Pepe sayo." pagbibiro ni Christine.

"Ayiee. Naku, umamin ka na kasi ng personal sakanya para naman malaman na niyakung sino ang nilalaman ng iyong heartlalu girl!" sabi naman ni Hannah. Kahit crush ni Pepe my loves to ay never niya tong pinatulan. Mayroon naman kasi siyang Nathan eh. Isang 4th year student. Kaya ayun.

Imbes na sagutin ko yung mga walang kwentang panunudyo nila sakin ay inirapan ko na lamang sila at naglakad na. Pero....

O__________________________________________________________________O

Loading........

Processing............

Buffering.......................

Nangingilid na ang mga luha ko, pero pinipigilan kong pumatak ito.

Ang sakit... Feeling ko, napagtaksilan nanaman ako...

Kahit hindi kami bakit ganito yung nararamdaman ko.

Nadudurog na naman ulit. Pangalawa na to ah! Una, nung first year ako, nung umamin siya sa harap naming magkakalse na si hannah ang crush niya. At pangalawa to, nakikita ko siyang may kasamang babae sa landmark. Kapwa sila masaya at nagtatawanan.

Bakit ganito? Bakit ka pa kasi nag assume Ryan ha? Bakit pa kasi?

Imposible naman kasing mainlove siya sayo. Eh kapareho mo yan ng kasarian eh.

Nang hindi ko na kinaya ang eksenang nasaksihan ko ay napagdesisyonan ko ng mapgpaalam sa mga kaklase ko na uuwi na ako at idinahilan ko nalang na masakit ang ulo ko kahit ang totoo naman talaga ay hindi ang ulo ko ang masakit kundi ang puso ko. ITONG TANGANG PUSO KO! ITONG MAHILIG UMASANG PUSO KO! ITONG MALANDING PUSO KO NA TO! Naiinis ako, bakit ba kasi hindi nalang ako naging babae eh! KAINIS! >.<

FORBIDDEN LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon