Chapter 9: Revelationsssss
Dumaan ang mga buwan at lahat kami excited ng mag 4th year. Ako rin isa na ako dun, pero at the same time malungkot ako kasi alam ko na hindi namin siya kasabay na gra graduate. Iba naman kasi yung curriculum namin dun sakanila.
Natapos ang JS Prom namin, syempre kahit babaita ako, hindi parin ako nagpatalo ng suot sa mga boys na. Nag contact lens pa ako para lutang ang beauty ko. Marami din akong nakasayaw na mga babae. Mas matibay pa ata loob ko kesa dun sa mga tunay na lalaki eh. Akalain mo, halos umabot sa 30 yung naisayaw ko sa gabing iypn. It was one of the most happiest moment of my life. Talagang enjoy talaga ang JS. Sana mayroon pa nun next school year. ^_________^ Iba kasi yung feeling. Pero mas masaya sana kung andun siya. Hihi!
The same goes by, ngayon 3rd year ako, ganun parin ang routine ko. Pumasok sa school-mag aral-makichika sa mga kaklase-Uwi sa bahay- Kain-Nood T.V-Internet- Tulog.. *Repeat again tomorrrow*
Mayroon na kaming internet sa bahay kaya palagi na akong online. Ansaya nga eh, palagi kong naabutan si Pepe my Loves. Gumawa pa nga ako ng Group chat para mas enjoy yung pagchachat namin. Isinali ko yung mga kaklse ko/kaibigan ko. Sina Sharmaine, Hannah, Fiona, Chevylle, Mark Alfred, Jamaica, Celine, Christne, Mark Ian, Maxel at syempre ang pinaka importante ay si Pepe My Loves. Kahit saan saan napupunta yung topic namin. Mapa about S*X pa yun, Hahaha! Yan madalas topic namin eh. Tapos yung mga nangyayari samin sa school, tas yung mga crushes namin. Nakakatuwa nga eh kasi minsan nagpipikonan. Mayroon pa ngang minsan, pinagtutulungan namin si Fiona or minsan si Chevylle. Nakakatuwa yung mga reaction nila. >:D
Isang araw, naki OL (Online sakin si Hannah, yung crush kuno ni Pepe my loves nung 1st year kami ewan ko lang kung pati ngayon kung siya parin. =_=)
"Ryan, pa OL naman oh!" sabi ni Hannah.
Nasa classroom kami. Dinala ko kasi rito yung router ko. At ang mga walanghiya kong classmate ayun, nagsilabasan ng mga gadgets at naki connect. Jusme. Pero okay narin yun para tahimik kaming lahat. Iba kasi ang section namin, MAINGAY po kami, As in M-A-I-N-G-A-Y. Pero pag oras ng klase ayun, daig pa namin yung mga naka stapler ang bibig sa sobrang tahimik namin. Wala eh, GANUN talaga kami! :D
"Mamaya na. Kachat ko pa si Pepe eh." sagot ko naman.
"Damot. please???" sabay pout. Ay lokong babaitang to. Kung hindi ko lang talaga siya kaibigan nabigwasan ko na to. Hay naku.
"Osige na nga, basta bawal kang magkalikot ng mga files ko ha?:"sabi ko sakanya.
"Oo na. Oo na."
At yun nga wala rin naman akong nagawa kasi ang kulit niya. Siya kasi yung tipo ng babaeng kapag may gusto, dapat makuha niya. Hay naku.
Pabayaan na nga lang.
Isa pa nga palang kung bakit ayaw kong magpahiram sakanya, hmmm?! Ang tindi makabagsak ng mga daliri niya sa keyboard eh. Pansin na pansin ko yun tuwing nagtatype siya kaya as much as possible, hindi ko pinapagamit sakanya ang aking baby laptop. Eh pangalawa ko na tong baby eh. Bakit? Yung una kasi, dahil sa katangahan ko ayun, nasagasahan. Hehe. Pero Move On na ako dun, mayroon na namang kapalit eh. v^_____________^v
Nagbreak sa umaga tapos nagklase kami...boring.. lalo na nung hapon..
Pagka uwi ko sa bahay deretso agad akong nag OL. Alam niyo na, dapat updated ako sa Facebook World no. Hindi yung papetik petiks lang ako. Anong silbi ng may sariling internet connection aber? Nuksss.
Alam hindi pa naka OL si Pepe my Loves sa mga ganitong oras kaya ayun, nag explore explore muna aketch.. Nang tignan ko na yung timeline ko, nagtaka ako bakit si Hannah yung nakikita ko?
Isip isip...
Isip isip...
Ah..
Ay oo nga pala, hiniram niya kanina.. Nakalimutan niya sigurong mag log out rito. Hay yung babaeng yung talaga.
Pero something caught my attention.
Nagchachat sila ni Pepe?
Walang malisya yun kasi Former classmates sila diba?
Hindi ko na sana titignan yung conversation nila pero alam niyo naman, ang matatalino laging curious. Muwahahaha. >:D
Scroll scroll...
Scroll
Scroll...
Shet!
Yung puso ko..
Durog nanaman...
<//////////////////////3
Ang gara, yung conversation namin minsan one word lang gamit niya pero pag si Hannah, wow, pinakamaliit na yung isang sentence? WtHELL!
Feeling ko, nasaktan nanaman ang puso ko, sa pang APAT na pagkakataon.
Bakit ganito? Lagi nalang akong nasasaktan.
Wala na ba akong karapatang lumigaya?
Hindi ko namalayan, unti unti na palang pumapatak yung luha ko pababa sa pisngi ko...
'Hay naku Ryan, bakit ka naiiyak? Eh hindi naman naging kayo..'
Sabi ko sa sarili ko.
Pero kahit na, bakit parang ang bias?
Or talagang ASSUMING lang ako?
Pero ang alam ko lang, heto ako ngayon, nasasaktan NANAMAN. <//////////////3
______________________________________________________________________________
(A/N: Naiiyak ako nung tinype ko to. Hehe. What if ganyan din ako? Ansakit no? Tsk!)
_________________________________________________________________________________
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE (Completed)
Ficção AdolescenteUso na naman ngayon ang same sex relationship diba? Moderno na naman tayo ngayon. Tsaka isa tayong democratic country at nakasaad sa konstitusyon natin ang mga salitang tinatawag na "KARAPATANG PANTAO".