Chapter 12: Realization
"Sometimes you have to stop your heart from loving someone not because you don't love him/her anymore. Its because you're so much tired of being hurt over and over again but hell, still, he/she doesn't care at all."
Matapos ang pangyayaring iyon, napagdesisyunan kong komprontahin si Rhaniel. Oo, kinompronta ko siya. Pinagsalitaan ko siya ng mga masasakit na bagay. Pinaalala ko sakanya lahat lahat ng mga ginawa ko sakanya.
"Sge, Good Bye and May the GOOD Lord bless you always and your family. Ingat!"
Yan yung huling mensahe ko sakanya. At alam niyo ba kung ano yung nireply niya?
"K"
Isang malutong na "K" lang naman ang reply niya. Great! Just great diba?
Doon ko lamang narealize, wow! Ang tanga ko. Nagmahal pala ako ng taong GAGO! Taong hindi maruning maka appreciate ng mga bagay na ginawa mo sakanya. Sana mas maaga akong natauhan. Sana una palang, hindi ko na pinagpatuloy pa tong nararamdaman ko. Pero huli na.. At ang mahalaga, may natutunan ako sakanya...
Marami...
Marami akong natutunan..
Pagkatapos nun, ay ini-Unfriend ko na siya sa Facebook, pinutol ko na lahat ng ugnayan naming dalawa.
Ang tanga ko kasi, haha! Nag expect pa kasi ako ng mas maraming reply niya. FEELINGERA talaga ako. Hahahahaha! Sana one sentence din lang naman yung message niya sakin pero 1 letter lang naman yung na ireply niya.
Inalis ko na lahat ng koneksyon ko sakanya. Ini-unfriend ko na siya sa Facebook, pati sa Skype.
Gusto ko na siyang makalimutan...
Gusto kong magbagong buhay...
Gusto kong patunayan sakanila na hindi sila malaking kawalan..
Oo, inaamin ko nabawasan ako ng kaibigan, big deal yun, pero ang masakit, sila ang dahilan kong bakit ko to nararamdaman..
Sana hinayaan nalang nila akong maging feelingera para kay Rhaniel dahil hanggang doon lang naman talaga ako eh. Hindi na ako lalampas. Pero yung ginawa nila akong uto-uto dahil sa walanghiyang pagpapanggap na yan.. Hey! That's Below the belt! TT_TT
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE (Completed)
Teen FictionUso na naman ngayon ang same sex relationship diba? Moderno na naman tayo ngayon. Tsaka isa tayong democratic country at nakasaad sa konstitusyon natin ang mga salitang tinatawag na "KARAPATANG PANTAO".