Chapter 4: Hidden Feelings

144 2 0
                                    

Chapter 4: Hidden Feelings

Ryan's POV

Matapos ang aminan na yun, medyo sumakit yung nararamdaman ako. Eh sa nag assume talaga ako eh. Hay ewan ko ba. Pero di kalaunan natanggap ko rin naman na kahit kailan hindi talaga magkakaroon ng kahit katiting na feelings sakin si Rhaniel. Wala naman akong hard feelings sakanilang dalawa pero hindi parin maaalis sa puso ko na crush ko si Rhaniel. Wala pa naman siyang Gf eh, tsaka may ibang boyfriend si Hannah at mahal na mahal niya yun. So lucky parin ako. Mehehe!

"Oh girl tulala ka nanaman jan." pambungad sakin ni Sharmaine. Medyo ka-close ko na yung ilang mga classmates ko. Eh 6 months na kaming magkakasama eh.

"Wala to girl, nagdedydream lang ako ng mga gwapong lalash na naka brief lang."

"Naku! Nagdo-drool ka nanaman girl! Ikaw ha! Umagang umaga kung anong kamanyakan yang nasa isip mo."

"To naman, parang hindi pinag nanasahan ang boyfriend. Hahaha!"

At nakita ko namang nagblush ang gaga. To naman di na mabiro. Haha Palibhasa eh matured na yung Bf nun. At alam niyo ba 13 years ang AG GAP nila! Buti nga hindi makasohan ng Child Abuse yun eh. Pero sabi naman ni Sharmaine wala naman daw siyang ginagawa sakanya tsaka hindi naman sila madalas nagkikita. Naku, love nga naman kahit sino pinag mamatch! At ang swerte ko kasi sa isang napakagwapong nilalang ako natamaan. Oh diba? Pero hindi naman niya alam eh tsaka ayaw ko ngang ipaalam sakanya. Baka lumayo pa siya sakin eh. Tsk!

"Uy h-hindi ah! Ikaw talaga. Lumabas na nga tayo. Maglilinis pa tayo sa mga assigned parts natin!"

Ayun nga at sumama na lamang ako kay Sharmaine at nadatnan naman naminyung mga classmates namin na naglilinis rin.

After naming maglinis at mag flag ceremony ay pumaook na kami sa classroom namin at nagstart naman na magdiscuss si ma'am. Hay bakit ba kasi Math ang unang subject namin sa umaga eh. Huhu! Inuumaga ako, nababangag nga ako sa paghahanap sa 'X' eh. Wala nga ako nun kaya paano ko hahanapin? Tapos may tanong pang 'Y' hay naku! MATH talaga! MENTAL ABUSE TO HUMANS!

Natapos ang araw ng wala namang gaanong special na nangyari. Oo except dun sa nangyari kanina na nakapagpakilig sakin ng todo todo. Ayts! Hihihi!

Flashback

Busy ako sa paglelecture ng may manundot sa pwetan ko.

Tumingin ako sa likuran ko at bumungad sakin ang isang napakagwapong nilalang.. Si Rhaniel.. sino pa nga ba  diba? May pinakita siya sakin na sulat...

Alam niyo ba kung ano yun?

Secret! Diko sasabihin. Mwahahaha.

Pero sige na nga since kaibigan ko naman kayo diba tsaka mas maganda naman ago kesa sainyo.

'Lecture mo mamaya please? Ililibre kita. =)'

Oh diba? With matching smiley pa. Naman! Kaya ayun, ginandahan ko yung lecture ko para naman maimpress siya sakin. Hihi! Lumalandi nanaman ako. My gosh! Pero ipupush ko talaga to!

Kaya ayun, after kong mglecture binigay ko sakanya yung notebook ko. Sana maimpress siya sakin. EH sa ang ganda naman talaga ng sulat kamay ko eh. Sabi ng sarili ko. Hahaha!

________________________________________________________________________________________________

(A/N: Ang liit, sorry. Sabaw! Ehehehe. FASTFORWARD talaga to kasi sa third year maraming mangyaayri. Promise! First year palang sila kaya ayun.)

________________________________________________________________________________

FORBIDDEN LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon