Chapter 10: Pagpapanggap...

115 1 0
                                    

Chapter 10: Pagpapanggap...

 

Matapos yung aksidenteng pagkadiskubre ko nun sa Facebook ni Hannah ay nagpatay malisya na lamang ako.

Oo masakit, grabe, ang sakit sakit. Pero sino ba naman ako para umangal at masaktan diba? Wala nga kaming relasyon eh. Isa lamang akong hamak na FORMER CLASSMATE niya. Oo FORMER CLASSMATE lang, pero kahit ganun pa man, hinding hindi parin titigil ang puso ko. Mamahalin ko parin siya, eh sa hindi naman talaga ako naghahangad na mahalin niya rin ako pabalik eh.

Ganun parin ang set up.. palagi ko parin siyang kachat.

Pero pansin ko, bakit nitong mga araw, palaging mahahaba yung mga messages niya sakin?

Nagtataka na ako ha?

Hindi naman dating ganito.

Tsaka mahilig siya sa mga One word replies lang. Pero ngayon WOW! As in WOW! Mahaba na yung isang sentence na message niya sakin.

Pero parang may mali eh.

Hindi siya ganito pag magkachat kami. Tsaka hindi ganun yung  tipo ng pagtatype niya.

Tinanong ko minsan kay Hannah kung may kinalaman ba siya nun, siya yung tinanong ko kasi alam ko na lagi silang magkachat nun.

Pero hindi siya makasagot... Hindi niya magawang iharap sa akin yung mukha niya...

At pakiramdam ko nagsisinungaling siya.

Hindi siya ganito  kung nagsasabi siya ng totoo. Kilala ko ang isang Hannah...

Hindi ako nakuntento at tinanong ko si Pepe, wala rin siyang maisagot.

Ramdam ko ang pag-iwas niya. Ramdam ko yung pagkairita niya tuwing icha chat ko siya. Pero sana naman sabihin nila para hindi ako umaasa. Kahit masakit tatanggapin ko. Magaling akong tao, kaya kung tumanggap ng mga rejections. Hindi ako manhid  kaya kong umintindi ng mga damdamin ng ibang tao. Sinasabi ko sakanila lahat ng bad feelings ko sakanilang dalawa.

Gusto raw makipag ayos ni Pepe sakin, sa tulong ni Mark Alfred, gumawa kami ng group chat, kaming tatlo lang, si Mark Alfred, Ako at si Rhaniel. Akala ko okay na lahat, binalikan ko yung conversations namin at napansin ko, hindi ganung makipag chat si Rhaniel sakin. Nagtaka nanaman ako, naisipan kong si Hannah nanaman to,  kaya I asked Hannah, personally. She just smile, speechless.. na parang nagsasabing 'Oo ako yun, haha! So what?'

Gusto ko nalang umiyak noon, gusto kong magwala. Pero ni isa wala akong nagawa. Dahil WALA akong KARAPATAN para magalit. Isa lang akong LINTIK na nagmamahal kay RHANIEL PERALTA. Hinayaan ko na lang sila. I act like NOTHING happened dahil nakakahiya. Just go with the flow ako kahit na masakit.

Nakikipag usap ako...

Nakiki smile...

Pero sa kaloob looban ko wala na...

DUROG na DUROG na parang paminta...

Isang gabi, nagkainuman kaming magbabarkada...

Dahil sa bugso siguro ng galit at sakit, medyo naparami  ako ng inom...

Tamado ako, SOBRA. Sumagi sa isipan ko ang mga nangyari. Nailabas ko ang mga galit ko sa mga kaibigan ko. At sa gabi din iyon nasabi ko kay Hannah all  the pains in my heart. Pero alam niyo? Hindi ko pinagsisihan ang nagawa ko noon dahil ang gaan gaan ng loob ko nang nasabi ko iyon sakanya. Nagbitaw ako ng mga masasakit na salita sakanya. Kahit na alam ko magagalit at masasaktan din siya. Pero hindi niya ba naisip na mas masakit tong nararamdaman ko ngayon? Kasi naloko ako. Niloko ako ng mga taong akala ko pwede ko ng pagkatiwalaan. Mga taong tinuturing ko ng mga TUNAY na KAIBIGAN. Pero hindi pala. TAKSIL!  >_<

dahil ang tinuturing kong TUNAY NA KAIBIGAN, sa likod, ako palay PINAGTATAWANAN.

________________________________________________________________________________

FORBIDDEN LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon