I Dare You (The Resort)

34 3 0
                                    

Chapter 4
November 2, 2017

Neth's POV

Ang aga ko nagising dahil dun sa dare ni Ken.
Nasa ground floor ang room namin at aakyat pa ako sa rooftop. Aakyat na sana ako nang parang may dumaan sa likod ko.
Nagsitayuan ang mga balahibo dahil sa kabang nararamdaman.

Kahit natatakot ay umakyat pa rin ako sa 2nd floor. Maririnig mo ang bawat pagyapak ng aking mga paa sa lupa. May mga ilang beses pang nag- eecho to.
Nakarating ako sa rooftop nang biglang lumakas ang hangin.

Nilabas ko cellphone ko. At ireready na ang video mode ng camera.
Magsisimula na akong kumanta nang may humampas sa ulo ko. Bigla na lang nawala ang malay ko.

Mitch's POV

Nagising ako ng mga 2:45am na wala na sa tabi ko si Neth. Siguro nga'y ginawa na nito yung dare sa kanya.

Nagbihis na ako at nagjacket. Lumabas na ako ng room at nakita kong tulog pa din si Angelica.
Paglabas ko sa bahay ay nakita ko na ang konting liwanag galing sa buwan.
Nilabas ko na ang cellphone ko at nagsimula nang magvideo.
"Hi, nandito na ako sa labas! Ang ganda ng buwan oh.", sabay tutok ng camera sa buwan.

Malayo layo na ako sa bahay at may nakita akong tao. Nakatalikod siya. Hininto ko muna yung video at lumapit sa kanya.
"Oh aga mo atang nagising.", sabi ko sa kanya.
"Oo nga e, hindi rin naman ako makatulog kaya naglakad lakad muna ako.", sabi niya.
"Ah, gusto mo sumabay?", yaya ko sa kanya.
"Sure!", agad niyang sambit.

Naglakad lakad pa nga kami at konting saglit pa'y parang may sumirit sa bandang leeg ko.
Hindi na ako makapagsalita.
Hinawakan ko ang leeg ko para pigilan sana ang pagsirit pero tinaga nya ang kamay ko. Natumba ako sa pagkakatayo at ang huling nakita ko na lang ay ang pagtaga nya sa mga paa ko.

Angelica's POV

Nagising ako sa isang malakas na sigaw.
Napatayo ako sa kaba at takot na nangibabaw sa buong katawan ko.
Pumunta ako sa mga room ng bawat isa.
Tulog ang lahat maliban sa dalawang nawawala. Si Neth at Mitch. Pumasok sa isip ko ang mga dare na gagawin nila ngayong umaga.

Killer's POV

Hindi ako makatulog ng gabing iyon. Nang marinig kong may lumabas sa isang room ay lumabas din ako.
Si Neth pala. Sinundan ko sya dahil pupunta sya sa rooftop dahil yun ang dare sa kanya. Kailangang tulog to para magawa ko ang unang plano. Nabigla ako nang lumingon si Neth. Bigla akong nagtago. Parang walang nangyare at nagpatuloy syang lumakad. Sinundan ko sya sa taas. Kinuha ko yung kahoy na nakalagay sa gilid ng pintuan. Inilabas na niya yung cellphone nya kaya hinampas ko na sya sa ulo na nagpatulog sa kanya. "Ngayon, magagawa ko na ang unang plano. HAHAHA. Humanda ka na Mitch, tignan natin kung saan ang kaya ng kalandian mo."

Naglakad lakad na ako.
Kinuha ko yung itak sa kusina. Hanggang sa ilang minuto pa'y nakita ko na si Mitch. Tumalikod muna ako.
"Oh, aga mo naman ata nagising.

"Oo nga e, hindi rin naman ako makatulog kaya naglakad lakad muna ako.", sabi ko sa kanya.
"Ah, gusto mo sumabay?", yaya nya sa akin.
"Sure!", agad ko namang sambit.

Naglakad lakad pa kami at hinintay ang pagkakataon. Pinauna ko sya nang kaunti at tinaga ko na nga ang leeg nya. Hinawakan nya yung leeg nya pero di ko to pinagbigyan. Tinaga ko na din ang kamay nya. Natumba sya at dun ko na nga tinaga ang mga paa nya.

Naghugas ako ng kamay at katawan pati na din yung itak ay hinugasan ko. Bumalik ako sa bahay at nagtulug- tulugan.

Angelica's POV

Umakyat ako sa rooftop at nakita ko ang nakahigang Neth.

"Neth! Gising Neth!", nag- aalalang sabi ko.
Nagising naman to at tila nakatulog lang.
"Anong nangyare? Ansakit ng ulo ko.", tanong nito.
"Ewan ko, may narinig kasi akong sigaw kaya nagising ako. Pumunta ako sa mga rooms at wala kayong dalawa ni Mitch."
"Baka ginawa na niya yung dare."
"Siguro, but i want to ensure na safe kayo!"
"Gisingin mo na lang muna yung iba at hahanapin ko sya.", utos nya
"Sige.", pagtatapos ko sa usapan.

Bumaba na nga kami at ginising ko yung iba.
Sya naman ay nagtungo sa labas para hanapin si Mitch.

Ginising ko nga ang lahat at sinabi ang nangyare.
"Baka naman kasi dahil yan sa mga pinapanood mong mga horror movies at baka mga hallucinations mo lang yun.", sabi ni Rose.
"No, narinig ko nga. She is calling us."
"HAHAHA. Nababaliw kana yata.", sabi ni Mae na para bang nang- aasar.
"Ayaw nyong maniwala?, di wag!"

"By the way, where is Mitch?", tanong ni Anton.
"Hinahanap ni Neth.", sabi ko naman.

Neth's POV

Pagkababa namin ni Angelica ay agad nga akong lumabas.
Nakakailang hakbang palang ako ay may nakita akong parang kamay.
"Oh my God!", kinakabahang sabi ko sa sarili ko.
Lumapit pa ako at napasigaw nang mapatunayang kamay nga.
Tumakbo ako pabalik sa bahay.

"Guys! Kailangan nyong makita to!", sabi ko nang natataranta.
"Ano na naman bang kapokpokan yan! ", sabi ni Rose.
"Seryoso ako! ", pasigaw kong pagkakasabi.

Nabigla ang lahat sa pagkakasigaw ni Neth.
Halos magbago ang mukha nito sa pagkakasabi.

Leonard's POV

Nagising ako sa isang sigaw. Papasok na ako sa bahay nang may sumigaw ulit.
" Seryoso ako!"

Dahil sa kaba ay nagmadali na nga akong pumasok.

"Anong nangyayare?", tanong ko.

" Oh my God! Wag kang lalapit sa amin.", sabi ni Neth.

"Bakit ? What's happening ba? Di ko maintindihan.", sabi ko
" Mamamatay tao ka! Nasan si Mitch!", sabi ni Lovi.
"Huh? Ano bang pinagsasabi nyo?", nagtatakang tanong ko.

"Tanong namin ang sagutin mo! Nasan si Mitch.", pagalit na sabi ni Neth.
" Wala akong alam sa sinasabi nyo!", halos mapaos kong sabi.

Lumapit ang mga lalaki sakin at hinwakan ang mga kamay ko palikod.
Dinala nila ako sa kwarto ko at kinandado.

Killer's POV

" Gusto ko tong mga nangyayari ha. 1 down, 13 left. Humanda ka, ikaw na ang sunod, masyado ka nang mayabang."

I Dare YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon