I Dare You (The Puppet)

22 3 2
                                    

Chapter 11

Ken's POV

Bumaba ako para hanapin si Queen dahil sabi niya'y maliligo sya. Biglang kumalam ang tiyan ko at pupunta sana sa kusina. Nagulat na lang ako nang makita ko ang isang babae na pinutol ang paa ni Daniella. Napatingin to sa akin at ngumiti. Napatakbo ako sa kwarto dahil sa takot.
Hindi ako makapaniwala. Sya pala ang killer. Ang galing nyang umarte.
Kailangan 'tong malaman ng iba. Pumunta muna ako sa mga kwarto ko para paghandaan ang plano.
Kailangan ko siyang mahuli. Biglang pumasok sa isip ko si Queen.
Sumilip ako sa labas at wala namang tao, pupunta sana ako sa mga kwarto ng iba pero nakalock ang mga ito. Katok ako nang katok pero walang sumasagot.

"Anong ginagawa mo jan? Naninilip ka no?!", sabi ng tao sa likod ko.
" Ofcourse no! Kailangan nilang malaman ang kawalang hiya mo. Mamamatay tao ka! Galing mong umarte, mamamatay tao ka talaga! Pinagkatiwalaan ka pa naman namin. Hayop ka!"

"Bla! Bla! Bla! Daming satsat! By the way, hindi mo sila magigising, tulog silang lahat. HAHAHA. But this time, kailangan nang matapos ng laro mo. HAHAHA."

Pinaandar na niya ang makina ng Chainsaw na hawak niya. Lumapit sya sa akin kaya napatakbo ako.
Hindi ko namalayang may nakaharang sa harap at yun ay katawan ni Anton, hiwalay ang top part nito sa baba kaya nadapa ako.

Sakto namang nasa likod ko na sya at bigla na lang humiwalay ang paa ko sa katawan ko.

Hindi na ako makatayo. Narinig ko na lang na pinatay niya ang makina ng chainsaw at hinila ang buhok ko. Kinaladkad nya ako pababa sa hagdan.

"Sabi ko naman kasi sayo! Wag mo akong kakalabanin. Ano? Pano ba yan, wala ka nang paa tuloy! HAHAHA.", sabi niya.

" Hayop ka tala- ", naputol ang sasabihin ko nang tadyakan niya ang bibig ko. Pumutok ang bandang baba nito kaya napaiyak ako.

"Maawa ka sa amin, ano bang ginawa namin at bakit mo ginagawa 'to?", nagmamakawaang tanong ko.

" HAHAHA. Maawa? No way! All of you deserved it !", madiin nyang sabi.

"Wait, gusto mo ba makita si Queen!?", tanong nya sa akin.

" Bakit? Anong ginagawa mo kay Queen! Gusto ko syang makita!", naiiyak na sabi ko.

"I just do what she said! Gusto niya maligo then wish granted! Pinaliguan ko lang naman."

" Nasan sya?! Ipakita mo sya! Walang hiya ka!"

"Okay, wait for me!", sabi niya sabay alis.
Ilang segundo pa'y bumalik din to kaagad dala dala si Queen. Halos kalbo na to at di na makilala ang mukha.

" Here it is! Infareness, gumanda pa sya lalo! HAHAHA."

"Queen, sorry. Queen. Hayop ka talaga -", naputol na naman ang pagsasalita ko nang tadyakan niya ulit ang bibig ko.
Naiiyak ako sa sinapit ni Queen, wala akong kwenta. Hindi ko man lang sya nabantayan. Nagsisisi ako.
" Mahal na mahal kita Queen. Im so sorry. Sorry Queen.", umiiyak na sabi ko.

"Ah, nakakatouch. Hayaan mo, susundan mo na rin naman siya e. HAHAHA."

Kinaladkad na naman nya ako papunta sa bodega. Napakadilim. Binuksan niya ang ilaw.

Kinuha niya ulit yung chainsaw. Hinubaran muna niya ako at pinaandar ulit ang makina nito.

"Grabe, ang hot mo ha. Laki pa nito.", sabay hawak sa ari ko.

Binitawan niya na at chinainsaw na ang dibdib ko. Halos magsitalsikan ang mga bituka ko. Hindi ko na alam ang mga sunod na nangyare dahil tuluyan na akong nawalan ng malay.

Killer's POV

" Syempre, dapat magawa mo ang dare. Sasayaw ka pa din. HAHAHA. "

Tinanggal ko na ang mga lamang loob nya at tinahi ito ulit. Sinunod ko pa ang ibang parts at tinahi din ito. Para na syang papel ba walang kalaman laman.

Tinali ko naman ang katawan, ulo, kamay at paa nito.
Now, you're under my control.

Kinaladkad ko ulit ang puppet kong si Ken and the show begin.

Rose's POV

Nagising ako sa napakalalim na hukay. Tumayo ako sa pagkakahiga at sinubukan kong akyatin ang ibabaw ng hukay pero hindi ko maabot.

5'6 lang ang height ko at sa tingin ko'y 8 feet ang lalim ng hukay.

Lovi' s POV

Nagising ako sa isang lalagyan na napakasikip. Medyo malansa ang kinahihigaan ko. Nakita ko na lang sa tabi ko ang duguang katawan ni Daniella na walang paa. Nakita ko naman sa kabila ang magkahiwalay na ulo ni Daniella. Hindi ako makagalaw at makapagsalita.

Geraldine's POV

Nagising ako na nakahiga sa isang papag sa sigaw ni Angelica. Nakatali ito sa upuan at nakatape ang bunganga. Tatayo na sana ako nang biglang sumakit ang likod ko.
Nakita kong sumisenyas si Angelica. Paulit ulit ginagalaw ang ulo niya pakaliwa pakanan na ang pagkakaalam ko'y wag ang ibig sabihin.
Kinapa ko ang bandang likod ko at napansing nakadikit ito sa papag.

Mira's POV

Naalimpungatan ako sa baho ng naaamoy ko. Sobrang lansa at baho.
Napansin kong nakatali ang mga kamay at paa ko sa nakatayong kama.
Nakita ko sa harap ko ang mga nakasabit na katawan ng mga kasama ko. Tumutulo ang mga dugo nito sa isang mini pool. Halos masuka ko na lahat ng pagkaing kinain ko kanina.

Georgina's POV

Nagising ako na nakatali ang mga kamay at paa ko.
Nagulat ako nang may pumasok sa kwarto ko na dala ang isang laptop.

Gusto kong magsalita. Napansin niya yun at pinakawalan niya lang ako nang isang nakakaasar na ngiti.
"Shh. Wag ka maingay. May papanoorin lang naman tayo."

I Dare YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon