I Dare You (The Driver and the Singer)

22 3 0
                                    

Chapter 7

Bumalik paitaas si Mira at pumunta sa Room #8 kung saan kinandado si Leonard.

Leonard's POV

Naiinis ako sa kanila. Hindi ako mapakali. Di ko alam kung ano ang mga nangyayare. Narinig ko na lang na may sumigaw.

"Tulong!"
Mas kinabahan ako. Nabigla na lang ako nang biglang bumukas ang pinto.
"Oh, ikaw pala?", sabi ko.
" Yes, its me.", flirty voice.
Nagulat ako nang bigla nyang hubarin ang blouse nya. Nakabra pa ito. Lumapit sya sa akin.
"Oh what are you doing?", kinakabahang sabi ko.
" I know, gusto mo din. Tanggalin mo na yang damit mo baby.", flirty voice pa ding sabi niya.
"Baka may makakita sa atin dito."
"No, dont worry."

Tinanggal ko na nga ang damit ko. Nakaramdam ako nang pagkahilo nang parang may tumusok sa bandang tagiliran ko.
Biglang nagdilim ang paligid at nawalan na nga ako ng malay.

Killer's POV

Pagkatapos kong butasin ang gulong ng van ay pumunta ako sa kwarto ni Leonard.

"Oh, ikaw pala?", sabi niya.

" Sorry Leonard, hindi pa naman talaga dapat ikaw e. Pero baka makaalis kayo nang hindi kayo nauubos e.", sabi ko sa sarili ko habang tinatanggal ang blouse ko.

Lumapit ako sa at pinahubad ang damit nyang makapal at ininject tong pangpatulog na dala ko.
Pagkatapos ay binalik ko ang damit nya. Binuksan ang bintana. At hinulog sa labas.
"Gusto mo matulog? Wag dito sa loob, jan ka sa labas.", sabi ko sa isip ko.
Nakita ko pa ang pagkadurog ng ulo nya sa lupa.
" HAHAHA. 4 down, 10 left.", sabi ko at nilock nga ulit ang kwarto ni Leonard.

Pumunta na ako sa Room nila Anton. At saktong tinapon ni Geraldine ang note na iniwan ko.

"HAHAHA. Dahil wala na kayong takas. Lets ROCK and ROLL.", sabi ko naman sa sarili ko.

"Si Mae ang killer!"
Tahimik ang lahat.
"Sabi niya dito, hindi na daw nya kaya ang mga nangyari. Kaya naisipan nyang magbig- "
"Hindi yan totoo!"
"Pero Geraldine, sya na ang nagsabi."
"Stop this non sense war!", kailangan na nating umalis dito!"
"No, hindi ako aalis hanggat di ko kasama si Chris!"
"Georgina, Patay na si Chris!"
" Patay na si Chris! At hindi na maibabalik yung dating Chris, kung ayaw mong sumama, then wag! Hindi ka namin pipilitin."
Bumaba na kami at pumunta sa bodega. Nilagay ang mga gamit namin.
"Oh my God! Where's Leonard? Sya lang ang marunong magdrive sa atin."

Mira's POV

Umakyat ako sa 2nd floor, Room #8 kung saan kinandado si Leonard. Laking gulat ko nang wala sya sa loob.
Napansin kong nakabukas ang bintana.
"Hindi kaya dito sya dumaan? ", sabi ko sabay tingin sa bintana.

Halos maluha ako sa aking nakita. Si Leonard, basag ang noo at naliligo sa sariling dugo."

Nagsisisigaw akong bumaba nang masalubong ko si Lovi.
"What happened?", tanong nya nang may pagtataka.
" Si Leonard, patay na!"
Nagsuka ako sa kinatatayuan ko. Tinawag naman ni Lovi ang iba pa naming kasama.

"Ngayon naiintindihan ko na! Ang bawat pagpatay ay nakadepende kung ano ang dare sa kanila. Sa case ni Mitch, ang dare sa kanya ay libutin ang resort at kuhaan ng video. But hindi niya nagawa dahil dun sa killer, pinagputol putol yung katawan para malibot nga ang resort. Ibig sabihin, ginawa yun ng killer para masabi nyang nilibot nga niya ang resort but in different way. Pinaghiwa- hiwalay nya ang katawan nito."

Killer's POV
Magaling! Ituloy mo pa.

Mira's POV
Pinlano ng killer ang lahat pati na ang pagpapatulog kay Leonard sa labas para sya ang mapagbintangang killer.
Sa case naman ni Chris, ang dare sa kanya is to kiss Mira 5 times but iba ang ginawa ng killer. Siguro ay nagpakita pa muna ang killer sa kanya kung nagawa nya yung dare. And sa tingin ko din ay walang balak gawin ni Chris yun. Yung kutsilyo ang pinahalik nya kay Chris.

Killer's POV
Bravo !

Rose's POV
Nagets ko na din. Sa case naman ni Mae, ang dare sa kanya ay hindi nya kasama si Geraldine for three days. Ang gustong palabasin ng killer ay isipin nating hindi niya kayang wala si Geraldine sa tabi nya. Kaya yun ginawa ng killer sa kanya. At sa tingin ko ang paglalagay ng note sa paanan ni Mae ay isa lang trick para mahilo tayo kung sino sya.

And lastly, sa case naman ni Leonard. Ang dare sa kanya is matulog sa labas. Ginawa nya naman yung dare but alam ng killer na sya lang ang marunong magdrive sa atin. Kaya pinatay nya pa din ito. Siguro ay hinulog nya to sa bintana at Gusto niyang palabasing tatakas to.

"So ibig sabihin? Dito lang tayo? No way!", sabi ni Queen.
" Oo, wala na tayong ibang pwedeng gawin kundi ang manatili dito.", sabi ni Mira.
" Manatili ? Hanggang kailan? , hanggang mamamatay tayong lahat?!", sabi naman ni Geraldine.
"Ah Queen, may number ka ba ng tita mo?", tanong ni Angelica.
" Oo, but kung tatawagan natin sila, matatagalan pa bago sila makarating dito.", sagot naman ni Queen.
"Nasan ba sila?", sabi naman ni Lovi.
" Nag- out of town sila."

"Bullsh*t! Tadhana nga naman.", sabi ni Ken.
" Sa tingin ko, mas maganda kung wala munang lalabas at manatili sa mga kwarto natin.", sabi ni Angelica.
"Wait, ibig sabihin?, isa sa atin ang killer!", kinakabahang sabi ni Daniella.

"Yes! Kaya magdoble ingat tayo. Baka isa sa mga kasama nyo yung killer."

Kanya- kanya na ngang pasok sa mga kwarto ang lahat. Mag- isa lang sina Neth, Anton at Georgina na pumasok sa kanilang kwarto.

Hanggang sa sumapit na ang gabi ay nasa kani kanilang kwarto pa din sila.

Neth's POV

Mag- isa lang ako sa kwarto dahil wala na si Mitch. Matagal din kaming naging magka- ibigan. Hindi ako mapakali.
Napatingin ako sa pintuan nang bumukas ito. Nakalimutan ko pa lang ilock to.
"Ikaw pala, upo ka. Bakit pala nandito ka?", tanong ko sa kanya.
"Tulog yung kasama ko e. Naboboring ako sa kwarto kaya pumunta muna ako dito. Okay ka lang ba?", tanong naman niya.
" Ito, bored din. Wala ring kausap."
"Ah, patugtog ka."
"Ah sige, gusto ko yan."

Comin' over my direction
So thankful
It such a blessing
Turn every situation into heaven, yeah.

"Despacito!", birit ko sabay biglang saksak sa dalawang mata ko ng kutsilyo.
Biglang nagdilim ang paningin ko. Wala na akong makita. Hinawakan ko ang dalawang kutsilyo na nakabaon sa mga mata ko.
" Kanta! At vivideohan kita, bilis!"
" Despacito", birit ko pa na naiiyak sa sobrang sakit.
"HAHAHA. Kanta pa!", utos nya ulit.
Hindi ako kumibo.
"Ayaw mong kumanta ha!", sabi nya sabay baon pa ng dalawang kutsilyo sa mata ko.
" Im sorry Neth but your game is over."

Killer's POV
" Pag sinabi ko kasing kanta, kumanta ka. HAHAHA.. Yan tuloy, gigil mo si ako."

Buti na lang at umipekto nga ang nilagay kong pampatulog sa gatas ng kasama ko.
"Magready kana, ikaw na ang susunod! HAHAHA."

I Dare YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon