Chapter 5
Mira's POV
Kanina pa ako kinakabahan sa mga nangyayari. Parang Maraming mangyayaring masama.
Nang maikulong na sa loob si Leonard ay lumabas nga kami ng bahay para hanapin si Mitch. Tinuro ni Neth kung saan nya nakita ang kamay at halos masuka nga sila sa nakita. Sinundan pa namin ang mga tulo ng dugo at nakita namin ang kapares na kamay nito. Maraming pumasok sa isip ko nang mga oras na yun.
"Pwedeng kamay yun ni Mitch at -", naputol ang pagkakasabi ko nang magsalita si Angelica.
" Ano ba Mira! Hindi yan si Mitch, pwedeng panakot lang yan ng killer at para umalis tayo at iwan si Mitch.""Ano nang gagawin natin ngayon?", halos maiyak na sabi ni Mae.
Napatingin ako kay Chris. Napunta ang atensyon ko sa bandang paa nito.
"May bakas ng kamay? Hindi kaya siya ang killer? ", sabi ko sa isip ko." Guys! Tignan nyo yung paa ni Chris! May bakas ng kamay.", sabi ko na sinunod naman nila.
"Hindi kaya siya ang killer at nanlaban si Mitch?!", dagdag ko pa.Chris' POV
Nagulat na lang ako sa sinabi ni Mira. Napatingin ako sa bandang paa ko.
"Hindi kaya siya ang killer at nanlaban si Mitch?!", dagdag pa ni Mira.
Lumapit sa akin sina Geraldine at Ken.
" Bitawan nyo sya! Hindi yan magagawa ni Chris. May pruweba ba kayo?, kamay ko yan. Pinisil ko yang paa nya kagabi kasi masakit.""Talaga lang ha!", mataray na sabi nya.
" Di mo nagawa yung dare Georgina!", sabi ni Geraldine.
"Dare?, puro na lang kayo dare, may nawawala na nga dahil sa dare na yan.""Oh guys, kalma! walang matutulong yang mga away na yan.", sabi ni Rose
" Ituloy ang paghahanap kay Mitch.", sabi ni Angelica
Sumang- ayon naman ang lahat.
Naglakad na kami ulit at sinundan ang dugo. Sumunod ang binti nitong putol na din. Nagpatuloy pa ang lakad at nakita na nga ang katawan nito.
Hindi na nga sila nagtaka kung sino man yun, alam nilang damit ni Mitch yun kagabi. Dahil sa kaba ay kanya kanyang balikan sa bahay ang barkada. Napahinto ang lahat ng may bumagsak na isang supot. Binuksan to ni Angelica at niluwa nito ang ulo ni Mitch. Nakadilat at nakanganga, halos bura na ang mukha nito dahil siguro sa pagkaladkad dito.
Walang awa talaga ang pumatay.
Wala nang sabi sabi ay nagsitakbuhan na nga ang mga ito. Nagkulong sa kani kanilang mga kwarto.Killer's POV
"Sige, matakot kayo. The game starts now.Chris' POV
Naiihi na talaga ako kaya naisipan kong lumabas ng kwarto.
" Babe, labas lang ako, naiihi na talaga ako e.", paalam ko kay Georgina
"Bilisan mo ha. Ayaw ko mag- isa.", sabi naman niya.Pagkalabas ko ng kwarto ay pumunta ako sa CR. Binilisan ko na ang pag- jingle nang may sumitsit sa akin. Napalingon ako at hinanap ang pinanggalingan ng pagsitsit.
" Sst! Sst! ", sitsit nito ulit.
" Sino yan, wala namang ganyanan.", sabi ko.Nagulat na lang nang may sumulpot sa harap ko.
"Bulaga!", panggugulat nya sa akin.
"Walang hiya ka! Ikaw lang pala. Ano pa ginagawa mo dito? Baka makita ka nung killer, ikaw isunod non.", pagbibiro ko.
" Oo nga. Tara na. By the way, nagawa mo na ba yung dare sayo?", tanong nya.
"Hindi, bakit ko naman gagawin yun?", sabi ko.
" Pano yung consequence? "
"I dont care about that consequences."
"Kahit ito!", sabay saksak ng kutsilyo sa bibig ko.
" Ito na ang ang halikan mo!", sabay tawa.Hindi ako makapagsalita.
Nagulat ako nang hugutin nya ulit.
" Isa!", sabay saksak at hugot.
" Dalawa," saksak ulit.
" Tatlo, " at muli nyang sinaksak ang bibig ko.
"Oops! Kulang pa pala, 5 pala usapan no!", natatawa nyang sabi.
"Apat!", sabay saksak ulit.
Halos humiwalay at matatanggal na ang panga ko sa bandang taas ng bibig ko.
" Lima! ", at muli nyang sinaksak hanggang sa tumagos hanggang batok ang patulis ng kutsilyo.
" Chris, your game is over. HAHAHA."
BINABASA MO ANG
I Dare You
Mystery / ThrillerSabi nila, lahat nagagawa sa ngalan ng pag- ibig. Kaya mong tawirin ang pitong bundok, abutin ang mga bituin, at pati na rin ialay ang sariling buhay para sa taong mahal natin. Totoo nga. Hindi ko alam, pero wala na akong pakialam sa kanila, mapasaa...