Chapter 10 - "I Was Here First"

263 2 0
                                    

A/N: Masyadong matagal akong hindi nakapag-online dito sa Wattpad; pa’no kasi, nagbakasyon ang Internet namin. HAHA! Pero while wala kaming internet, nag encode ako ng chapters and eto na nga sila.

-------------------------------------------------

Lumipas ang isang araw at nasimulan na nga namin ang dare. Palagi kaming pumupunta sa school para mag-meet kay Ivan. May isang araw na ako lang ang pumunta kasi nagpa-enroll ako and natural, nagkita kami ni Ivan.

O'nga pala, Sunday ngayon. Since wala kaming mga parents kasi nasa ibang bansa, mga kaibigan ko ang kasama ko sa pag simba. This time, after two years kasama na namin si Ivan.

[Asan ka na Jess?] - text ni Meg

Hindi ko na nireplyan. Isu-surprise ko kasi sila. Kung sasabihin ko kasi na kasama si Ivan,  eh parang hindi sila papayag.

Susunduin ako ni Ivan sa apartment ko. Nag-alok si Josh na kami daw ang magsasama papuntang church pero...Haha! Pa'no na yan, mas nauna si Ivan nag-invite.

*Honk.Honk.Honk*

Baka si Ivan na yan. Check muna sa mirror kung okay ang tingin ko.

"Wag na nga lang." - Me

Ini-lock ko na ang front door at sumakay na sa kotse ni Ivan.

"Good morning." - Ivan

"Good morning din."

***

Na-late kami ng konti pagdating namin sa Church. Pina-una na ako ni Ivan sa loob kasi maghahanap pa siya ng parking space. Swerteng nakapwesto ang mga kaibigan ko sa huli.

o_O

Kita mo nga naman kung sino ang nakaupo sa huli.

"Ang tagal mo Jess."

"Haha! Oo Troy. Traffic eh."

"Traffic? Nag-drive ka?"

Lagot. Magkatabi kami ni Troy. Paano nalang pagdarating si-----

"Good morning Troy, Meg, Josh, April."

O_O   -  silang lahat

***

Usually ang ginagawa namin after Mass ay kumain ng breakfast at kotse ni Troy ang sinasakyan namin. Pero pa'no ngayon? Tatlong sasakyang available...

"Ooh! Andaming sasakyan ngayon!" - April

Kabuuang number namin ngayon = 6

So that means dala-dalawa sa isang kotse.

"Sa Mall nalang tayo kumain. Kay Josh ako sasakay." - Meg

"Sigurado namang si Jess kay Ivan sasakay. Eh di kay Troy na lang ako!" - April

Tumango lang si Troy pero mukhang malalim ang iniisip actually kanina pa'to after niyang ma-realize na kasama ko si Ivan.

Bakit ba? May girlfriend na siya.

"Trooooy!"

Speaking of.

"Si Nina." - Me

"H-ha? Ah oo. " - Troy

 Awkward silence

"Ay, oo nga pala. Nina, si April, Josh, Meg, Jess at si...Ivan." - Troy

"Nice to meet you all friends ni Troy."

The Jealousy Story (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon