Chapter 39 - "You Are Forgiven"

176 0 1
                                    

A/N: I already made a side story of the vacation of Christine here. Hindi ko po kasi masyado na elaborate ang bakasyon niya eh. Haha!

Please click nalang the external link ----->

---------------------------------------------------------------

-JESS'S POV-

Sinamahan ko lang naman si Troy para naman at least makalimutan niya ang mga problema niya pati na din mabawas-bawasan ang stress niya. Tapos pag-uwi ko kagabi, tinawagan ko siya kaso hindi niya sinagot. Paulit-ulit ko nang ginawa pero wala pa ding sumasagot hanggang sa isang boses ng babae ang narinig ko mula sa kabilang line.

*FLASHBACK*

 "Hello?"

Ba't babae ang sumagot? Ano ba ang---baka...oh my gosh. Pero hindi naman siguro diba?

"H-hello? U-uhh andyan ba si I-ivan?"

"Andito pero tulog eh."

Tulog...TULOG?! Ano--ba't ganun? Aish! Nakakainis ka Ivan!

"A-ahh..."

"Teka, si Jess ba'to?"

Ehh? Alam niya ang pangalan ko? WOW. Baka naman dahil hindi ko sinamahan si Ivan, naglasing siya sa isang bar tapos may nakilala siyang babae tapos share ng share 'tong si Ivan hanggang mauwi sa...

OH NO.

"O-oo...?"

"KUYA! GISING KA NA DYAN! SI JESS TUMATAWAG OH!"

Kuya? KUYA?! Di naman kaya si...OH. Si Mina pala 'to. Akala ko naman kung sinu-sinong babae ang kasama niya ngayon.

"Jess? Tulog talaga si Kuya eh. Puntahan mo nalang kaya siya dito bukas?"

"E-ehh? Bakit naman?"

"Kasi pupunta ako sa ice cream parlor bukas."

"Haha! Bakit ko naman siya pupuntahan eh may paa naman siya diba?"

"Hindi pa din ba niya sinabi sa'yo?"

"Ang alin?"

"Jess, Kuya Ivan is sick. Mataas ang lagnat niya kanina tapos siyempre, naaawa ako sa kanya eh. Ang kapal na ng kumot niya tapos hindi siya kumakain."

Ok na-giguilty na ako ngayon.

"Ganun ba? Pupuntahan ko nalang siya ngayon."

It took her 15 seconds to reply.

"Bukas nalang daw. Matulog ka nalang daw diyan kasi hindi pa niya gusto makakita ng mga tao kabilang sa akin."

Oh no. This time, mas nagiguilty na talaga ako. If I know, alibi lang niya yun pero...

galit siya sa akin. Ayokong kulitin siya ngayon baka makakasama ng karamdaman niya. Kaya sige, pagbibigyan ko nalang siya muna ngayon pero magso-sorry na ako sa kanya bukas.

Pagkatapos ni Mina magpaalam kasi daw 'binabawi' na daw ni Ivan ang phone niya, binaba ko na din ang phone ko tapos naghalf-bath then natulog.

*END OF FLASHBACK*

Kaya ngayon, inagahan ko ang paggising ko para naman buong araw ko si Ivan masasamahan. Pagdating ko sa apartment ni Ivan, palabas na ng gate si Mina.

The Jealousy Story (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon