EPILOGUE

112 1 0
                                    

"Bye Jess. We will miss you! Sana tama ang naging desisyon mo." - Meg

Nakayakap si Meg sa akin ng mahigpit.

Sa amin dito, ako lang siguro ang hindi umiiyak. Bakit? Tanggap ko na eh. Ako ang gumawa ng desisyong ito para sa ikabubuti ng lahat. Susundan ko na ang mga magulang ko sa Canada at dun na titira habang buhay. Ganito kasi kapag buhay only-child na anak ng businessmen. Kailangan mong sundin ang gusto nila for the sake of your company. Pero maswerte na ako sa parents ko kasi hindi sila 'pushy', kumbaga alam din nila na may right akong pumili ng sarili kong desisyon.

Kung tinatanong niyo kung kamusta na si Meg, eto nabura na ang kanyang title bilang NBSB. Naging sila ni Josh nung kasal ni Troy. Ang panget nga kasi magkasing-anniversary sila. -_____-

Sabi niya, a week after graduation ay bibisita daw muna siya sa grandparents niya sa Italy bago siya tuluyang maging independent. Meaning magkabahay...na isang condominium unit, magka-kotse at AH BASTA! Settled na si Meg sa kanyang future. ANG SWERTE NG LOLA NIYO. ^_^

"WAAAAAAH JESSICA!" - April

Tumakbo si April palapit sa akin at  yumakap habang umiiyak.

"HAHAHA! Mami-miss kita April. Mami-miss ko ang pinakamaingay sa grupo natin." - Me

Si April naman, di ko pa alam kung sila na ni Drew. Basta ang alam ko ay HINDI SILA NI TRISTAN. Magkaibigan lang daw talaga ang turing nila sa isa't-isa kahit manligaw pa ang isa sa kanila.

Plano niya sa buhay? Aba'y ewan ko. Di pa raw niya alam eh. Pagpipilian pa niya ang 'maghanap na kaagad ng trabaho' o 'magtrabaho sa sarili nilang business'. Yun lang yun. KAWAWA NAMAN. -___-

"Jess." - napatigil naman saglit si April at lumayo ng konti

"Aww Josh. Ingatan mo ang sarili mo at si Meg ah?" - Me

I extended my arm. Shake nalang dapat ngayon kasi may girlfriend na po siya. Pero ikinabigla ko ay hinila niya ito at niyakap ako sabay halik sa ulo. :)

"OO NAMAN!" :D

Si Josh naman, siya na ang magte-take over sa branch nila somewhere dito sa Philippines. Settled na din siya kagaya ni Meg kaya pwedeng-pwede na talaga silang magpakasal. JOKE! :D

Pagbitiw naman niya, dun ko pa na-realize na naiiyak na pala ako.

"Oi. Reserve your tears later." - lumingon naman ako kung saan nanggaling ang boses which is sa likuran

"KYAAAAAH Troy nakaabot ka! How's your---" - halos patalon ko itong sinabi

"PSH. Halika nga dito." - sabi niya then niyakap niya ako ng mahigpit

Dun na nagsimula ang grabeng pagiyak ko. Sa lahat kasi ng mga taong iiwan ko dito, si Troy talaga ang pinakamami-miss ko. Oo may mga downs kami pero parang mga ewan lang na maso-solve kaagad kahit wala kaming ginawa.

Okay so all in all nagyakapan kaming lahat. Haaaays nakakaiyak ang mga moments na ito nu? Ma malala pa ito sa mga graduations. At least ang graduations, may chance pang magkita-kita pero ito, nasa airport kami and maaaring di na ako babalik pa.

Pero kailangan kong umalis...

"Guys. I need to go now. Baka hindi na ako makapag-check in nito! Haha!" - Me

Nakapagpaalam na ako sa lahat ng mga taong malapit sa akin. Unang-una kay Nina...oh via Skype kami. Then kay Yannie na graduating na in the next two years, kay Kerwin at sa barkada niya at lalong-lalo na kay Tiff na dun lang na-realize ang lahat. Pinilit kong i-convince siya na di niya kasalanan and napaiyak ko pa siya. I explained everything to her but she said nothing instead, giving me a big hug.

The Jealousy Story (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon