Chapter 11 - "Cebu, Here We Come!"

234 2 0
                                    

Two days left nalang at aalis na kami…ni Ivan.

Oo, Wednesday pa ngayon pero sa Saturday na ang alis namin. Kami lang dalawa actually kasi yun ang bilin ng magagalit sa kanya.

At alam niyo kung sino ang tinutukoy niya kanina?

*FLASHBACK*

After namin hinatid si April sa bahay niya, of course ako na naman ang hinatid ni Ivan.

“Thanks.” – Me

“Hindi mo ba ako papasukin?” ­ - Ivan

“Ehh?”

“Gusto mo malaman kung sino ang magagalit?”

“Aba oo! E park mo na yan dito! Pagkatapos, pumasok ka na agad!”

Nagmamadali ako pagpasok ng bahay. While nag park si Ivan sa front yard ko na pwede maging garage, nagbihis na ako kaagad.

Okay na ‘to. T-shirt na Winnie the Pooh at pajama.

Ay? Ang tagal. Haha! Nakalimutan ko, mahirap ipasok ang isang malaking sasakyan sa garage ko. Naghanda na ako ng snacks at in-on ko na ang TV.

Pumasok na siya pero tumingin lang sa akin.

Pero…

Bakit ang pula ng mukha niya?

“Naka-testing ka na mag park diyan sa—sa garage mo?” – Ivan

“Ahh…hehe. Wala pa.”

“Si Troy?”

“Hindi rin. Kahit umuulan, sa labas pa rin niya pina-park.”

“Si Josh?”

“Hindi rin.”

“TSK. Sa susunod, e extend mo ang garage mo ha?”

“Ma-maliit pala?”

Sumilip ako sa labas at nakita ko ang kotse niya pero wala sa garage ko.

Tinitigan lang niya ako with raising eyebrows, at umupo katabi ko.

“So…sasabihin mo na ba kung sino ang…magagalit?” – Me

Hindi niya ako sinagot pero busy siya sa phone niya.

“Hello? Opo…opo…gusto po nga niya malaman kung sino kayo…sige po…katabi ko nga siya ngayon…eto na po siya.” – Ivan na pinapasa ang BlackBerry niya.

“H-hello?...MAMA!” – Me

*END OF FLASHBACK*

After my emotional conversation with Mama, dun ko lang na-realize na siya pala ang ibig sabihin ni Ivan na ‘magagalit’.

“Talaga? Pagkatapos?” – April

Nandito nga pala ngayon si April sa apartment ko kasi magpapatulong ako mag-impake.

“Tapos kinuha na niya ang phone niya tapos sinabi na niya ang tungkol sa vacation natin kay Mama.”

“Pumayag si Tita?”

“Sa kasawiang palad…oo. Pero April wag na wag kang mabigla sa mga sasabihin ko ha?”

“Ano yun?”

“Ikinwento ni Ivan sa’kin na nag meet sila ni Mama sa isang grocery store. At nung malaman ni Mama na uuwi na si Ivan…”

“Ipinagbilin ka kay Ivan?”

The Jealousy Story (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon