Chapter 6 - "The Dare"

284 2 0
                                    

Two days after encounter namin ni Ivan…

Hindi na namin nakakasama si Troy kagaya noon. 

Naninibago pa rin ako. Hindi lang ako, pati na yung mga kaibigan ko.

Nakatitig lang ako sa kanila sa cafeteria. Nag su-summer classes kasi ang girl and si bumibisita lang si Troy.

Ang saya nila…

“Ooi? Okay ka lang?” - Meg 

"Paano ba naman siya magiging okay?" - April

"Oo nga naman. Paano ba magiging okay itong si Jessica? Inagaw sa kanya si Troy eh." - Josh

"Ano ba naman kayo oh. May girlfriend na siya. Natural lang iyon." - Me

"Charge to experience ika'nga." - April

Parang sinipa siya nina Meg at Josh. Akala nila hindi ko namalayan.

"We have a plan Jess." - Meg

"Kailangan mo itong gawin hindi lang para sa'yo kundi para sa amin." - April

"Huh? Anong ibig sabihin niyo?" -Me

"Kailangan mong pagselosin sina Troy at girlfriend niya para babalik si Troy dito sa atin." - Meg

"WHAT?!? Bakit kailangan pa natin gawin iyon? Masaya na siya. At...at sino naman ang gagamitn natin?" - Me

"Answer to first question: inagaw niya si Troy sa atin. Nawala na iyong  oras niya sa atin. An--" - Meg

"At ayokong mag mukhang bakla sa iba. At AYOKO maging bakla. Matu-turn off ang mga babae." - Josh

"Oo, isa pa iyon. Answer to second question: si--hmm...sino nga ba?" -Meg

"Ai alam ko na! Si IVAN!" - April

***

Ang mga kaibigan ko naman, after humiwalay si Troy sa amin dito na school tumatambay. Kahit patapos ang trabaho ko para mag bakasyon na, binibisita pa rin nila ako. 

"Teka lang guys. Kukunin ko muna ang mga naiwan kong gamit sa locker ko tapos alis na tayo." - Me

Ang tahimik ng hall. Pwede na akong makapag-isip ng malalim...

Ano ba naman ang pumasok sa isip nila? Hindi ko kaya…bestfriend ko ang pinag-uusapan namin dito. Nung kami pa nga ni Ivan, wala siyang ginawa kundi maging masaya para sa amin dalawa. 

Maybe he’s not reciprocating my feelings…

Baka best friend lang talaga ang turing niya sa akin…

I take a deep breath before ko binuksan ang locker ko.

Pero ang unang bumungad sa akin ay isang picture namin dalawa during sa school festival. Naka-maskara pa kaming dalawa.

Ganito pala talaga kami ka-close.

 Binalewala ko lang at nagsimula na sa pag-aayos ng gamit ko. Nung matapos ko ng malagay sa box ang mga books, notebooks, binder, folders kinuha ko na rin ang picture. Ang problema ko ngayon ay kung saan ko ito ilalagay.

Binuhat ko na ang box…aish, ang bigat pala.

No no no no! Wag ka mahulog!

Nooooo! Ai shoot…nabitawan ko.

The Jealousy Story (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon