Chapter 37 - "Come Back"

134 0 0
                                    

-JESS'S POV-

8 AM na nang magising ako. Mga 11 PM lang kami ni April nakatulog habang ang iba naman, hindi ko na alam. Nandun ang mga boys natulog sa guest room namin. Pagsilip ko sa kanila, tulog na tulog pa din si Christine, Meg...

Teka. Nasaan si April? Nakaayos na ang kanyang sleeping mat. Siguro naliligo lang siya. Pero wala namang ingay galing sa banyo? Hindi naman yun lalayo. Magpapahangin nalang muna ako sa balcony ko.

Paglabas ko sa balcony, nakita ko si April na nakatunganga sa kung-saan-man-yan.

"Good morning."

"Gising ka na pala."

"Anong ginagawa mo dito?"

"Wala lang. Nagpapahangin lang."

"Parang may problema ka."

"Huh? W-wala naman."

"Sigurado ka?"

"Oo."

"Welly well then, tara na sa baba. Magluluto tayo ng breakfast."

Hindi na niya ako sinagot pero tumayo siya at sinundan na akong maglakad papunta sa kitchen namin. Pagdating namin, nakahanda na pala ang breakfast namin sa table at kumakain na sina Mama and Daddy.

"Good morning Ma. Good morning Dad." - sabi ko sabay mano

"Good morning Tita. Good morning Tito."

"Good morning din sa inyo. Kain na kayo." - Daddy

Pumwesto na kami at nagsimula nang kumain nang tumayo na ang parents ko.

"Jeth, alis muna kami ah? Bibili lang kami ng pasalubong para sa mga friends namin at para na din sa family ni Christine." - Mama

"Okay po."

Mamayang 3 PM ang flight nina Daddy, Mama and Christine. Sobrang dali lang talaga ng panahon!

"Jess?"

Naudlot ang pag-iisip ko at tinignan si April.

"Yeaaah?"

"Will she be coming back?"

"Hindi ko alam sa kanya eh. Bakit mo naman natanong yan?"

"Wala lang."

I just nodded tapos bumalik na din sa pagkain. Napakatahimik namin this time.

"Siya nga pala!" - Me

"Oh?" - April

"Dapat maghanda na tayo! Darating na si Troy at Nina mamaya. Sabi niya mga 9:30 daw sila darating."

Since puno ang schedule nina Troy at Nina, ngayon nalang daw sila sasama sa amin. Most available time lang nila today kaya sinasamantala na nila.

Pagkatapos naming kumain at nanghugas ng pinagkainan, ginising ko na silang lahat. Medyo natawa ako sa mga mukha nila kasi napaka-haggard nilang tingnan. Sino ba naman ang nag-utos na matulog na ng umaga? Haha! Habang kumakain sila, naghanda na kami ni April.

-END OF JESS'S POV-

-IVAN'S POV-

Today is the day na aalis na ang family ni Faith. Alam ko namang nalulungkot siya pero bilib pa din ako kung paano niya natatago ang kalungkutan niya. Siya kasi yung type ng babae na mahilig magtago ng emotions niya. Sabi niya sa akin one time na ayaw niyang mag worry kami sa kanya.

The Jealousy Story (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon