Chapter 13 - "Truth"

237 1 1
                                    

Isang araw na kami dito sa resort pero wala pa rin kaming nagawa. Panis na nga ako dito sa room ko.

Gising.Ligo.Bihis.Breakfast.Nood TV.Kain.Nood TV.Kain ->yan lang ang ginawa ko ngayong umaga.

Mag-aalas 9 na sa umaga pero nag-aantay pa rin ako either kay Ivan or kay Ate Jean kung anong gagawin namin.

*Ding-dong*

Yup yup, may doorbell sa room ko. Haha! Nalaman ko lang kasi kahapon na suite pala ang binigay sa akin. Patakbo akong pumunta sa pinto at pagbukas ko, si Ivan ang nakatayo.

“Tara, labas tayo.”

“Ehh? Saan naman?”

“Diba gusto mo sa beach?”

“Ayoko munang mag-beach kung wala pa sila.”

“Sa city na lang tayo.”

“Shopping kaagad?”

“Ano ba ang gusto mong gawin? Parang boring diyan sa room mo.”

“Hindi naman boring…masyado.”

“Eh pa’no ako? Nabo-bore ako.”

“May board games at cards dito. Laro tayo!” – sabay hila papasok si Ivan

Hindi na sumagot si Ivan at hinayaan na lang akong humila sa kanya. Kawawang bata, bored na talaga.

Inilabas ko na ang mga boards at cards at inilatag sa sahig.

“Anong lalaruin natin?” ­– Me

“Kumuha ka muna ng chocolates mo.”

“Oh…speaking of. Thank you nga pala sa chocolates.”

“Ehh?”

“Yung chocolates sa refrigerator?”

“Hindi na man yan galing sa akin. Compliment yan ng resort.”

“Seryoso ka?”

“Oo.”

“Eh bakit puno ng chocolates ang akin?” (pinakita ko sa kanya ang loob ng ref kung gaano ka-puno at nagkuha na din ako ng dalawang Snickers at dalawang 3 Musketeers)

“Sa akin nga rin eh. Siguro pinalagyan ni Jean ng chocolates ang mga refrigerator ng mga rooms natin.”

Diba Ate niya si Jean? Eldest sister nga sabi niya kahapon diba?

“Flower-flower ang una nating laro. Ang matatalo, may dare.” - Me

“Okay.”

Sampung minuto lang ang laro namin. Guess kung sino ang natalo?

AKO.

“Ano ang dare mo?”

“Ayoko ng dare. Gusto ko truth.”

“Eh wala naman yan sa usapan!”

“O’sige. Eto dare ko sa’yo.”

Ayan na. Ano kaya ang dare niya?

“Gagawin mo ha?”

“Oo nga eh.”

o_O

“Ano ba ang dare mo?”

The Jealousy Story (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon