Chapter 9 : Sorry (Part 1)

94 1 0
                                    

Chapter 9 : Sorry (Part 1)

Dana's POV

"Sophie, nagawan na namin ng sayaw kelangan na lang sumunod kayo sa ibang steps para mas maganda." sabi ko kay Sophie.

Nandito nga pala kami ngayon sa may salas at nakain. Kakatapos lang namin magpractice.

Time Check.

7 : 30 PM.

"Gabi na pala." sabi ni Dan habang nakatingin sa kanyang relo.

"Dito na lang ako matutulog Sophie, may mga damit naman ako dito eh. Namiss ko din mag sleep over dito." sabi naman ni Sam.

"Sige lang. Ikaw Jasper?" tanong naman ni Sophie kay Jasper.

"Hmm, uuwi na din ako mamaya." tumingin ito kay Sophie pero umiwas din ng tingin.

Napatingin naman ako sa katabi ko which is Dan.

Nakatingin ito kay Sam, hindi lang tingin parang pinagmamasdan niya si Sam na nainom ng juice.

"Baka matunaw." bulong ko sa kanya.

"H-hah?" lumingon naman siya sa akin.

"Wala sabi ko bingi ka."

"Tss," 

Parang may napapansin na ako sa aking mahal na kakambal ahh? Haha I smell something fishy.. Haha.

"Sophie, uuwi na ako para maaga ako makapagpahinga at mag aaral pa ako." sabay tayo ni Jasper sabay tingin kay Sophie.

"Si-sige, hatid na kita sa parking lot." sabay tayo din naman ni Sophie.

"Kami din aalis na." sabi ko naman at tumayo na din.

"H-hah?" sabi naman ni Dan.

Busy siguro sa pagtitig kay Sam. Haha.

"Sabi ko uuwi na tayo." hinila ko naman sya patayo.

Hinatid naman kami nina Sam at Sophie.

"Bye! Ingat kayo sa pag uwi." sabi naman ni Sam habang kumakaway kaway.

Napatingin naman ako sa katabi ko na nakaupo sa driver seat. Aba nga naman? Nakangiti ang loko. Haha.

"Bukas may practice ulit hah?" sabi naman ni Sophie.

Tumango tango naman si Dan pero nakatingin kay Sam.

Naku! natamaan na ang aking kapatid. Haha. Ako din naman ah? Haha.

"Aalis na ako.." sabi naman ni Jasper at sumakay na sa kanyang sasakyan.

Maya maya umandar na din ang sasakyan niya at sumunod naman kami sa kanya.

"Hmm, Ang ganda ni Sam noh~" bigla kong tanong kay Dan.

Napatingin naman agad sa akin si Dan. Abat? Nakangiti pa? Ikaw na ang inlababo. Haha.

"Oo naman," sagot naman ni Dan.

"Ang bait niya noh~" busy naman sa pag da drive si Dan.

"Oo naman," sagot ulit ni Dan.

"Ang cute niya noh~"

"Oo naman," nakita ko naman na nakangiti siya.

Love Life? Ano yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon