Chapter 9.5 : Sorry (Part 2)

125 2 0
                                    

Chapter 9.5 : Sorry (Part 2)

Dan's POV

Time Check.

7 : 30 AM.

*Tok*tok*tok.

"Hmm..." tugon ko.

"Young Master, malalate na po kayo." sabi nung isang maid namin.

"Babangon na.." pagsisinungaling ko. Haha.

After Few minutes..

*tok*tok*tok..

"Hmm.." tugon ko ulit pero hindi pa ako namulat.

"Dan!! Bumangon ka na diyan!!" rinig kong sigaw ni Dana sa labas ng pinto.

Bahala siya, basta ako inaantok pa.

Maya maya may nagbukas ng pinto.

Teka? nakalock naman lagi ang pinto ko.

*Boogshhh..

"Aray!!!" shet.. Ang sakit ng dibdib ko.

Napamulat agad ako.

Nakita ko ang aking mahal na mahal na kakambal na si Dana na bihis na at ready ng pumasok.

"Tama lang yan sayo! Ayaw mong bumangon eh!"

Binato niya lang naman ako ng alarm clock.

Napatingin naman ako sa alarm clock.

Time Check.

7 : 40 AM.

Putapete naman oh!! Malelate na nga kami.

Bumangon naman agad ako at dumiretsyo na sa banyo.

Narinig ko naman ang mga paa ni Dana na nagdadabog na palabas ng kwarto ko.

Mabilis akong naligo at nag ayos ayos na din ng buhok tapos bumaba na ako para kumain.

"Ang tagal mo naman!" sigaw sa akin ni Dana habang nakaupo sa salas.

"Hindi na nga ako kakain eh, kukuha lang ako ng sandwich." pumunta na ako ng kusina at kumuha ng sandwich.

Pagbalik ko sa salas, wala na dun si Dana. T___T baka iniwan na ako nun.

Dali dali akong lumabas ng bahay, buti na lang at nandito pa ang sasakyan.

Sumakay na agad ako sa driver seat at umalis din kaagad.

FASTFORWARD

~~~RUBIX University~~~

Time Check.

8 : 00 AM.

Wala ni isa sa aming nagsalita dahil mainit ang ulo ng kambal ko. Baka mamaya kainin niya ako ng buhay. T___T

Sakto lang ang aming punta dito.

Hayss.. Buti na lang..

Pagkapark ko bumaba na agad kami.

"Oy! Ano yun?" tanong ko habang tinuturo ang madaming tao sa Bulletin Board.

"Ewan. Basta late na tayo!" hinila niya agad ako.

Mamaya ko na lang siguro titingnan.

Pagdating namin sa classroom wala pa ang prof namin.

Umupo naman ka agad kami ni Dana sa aming proper seat.

Love Life? Ano yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon