Chapter 15.3 : Party (Part 2)

68 1 0
                                    

Chapter 15.3 : Party (Part 2)

Sam's POV

Pupunta pa ba ako ng Party mamaya?

Haaaay.

Pang ilang beses ko na yang tinatanong sa sarili ko kanina.

Hindi ko ba talaga alam kung pupunta ba ako o hindi. Kasura naman >___<

Alam mo yung feeling na may pumipigil sayong pumunta dun? Kainisss.. Aish!

Nandito nga pala ako ngayon sa kwarto nakahiga at nakatingin lang sa kisame.

Kanina pa akong gising pero hindi pa ako nabangon sa kama. Ang bigat lang kasi ng pakiramdam ko.. Basta ang hirap iexplain ang nararamdaman ko. Haaay.

Parang hindi ko pa kayang harapin sila.

Alam mo yung feeling na...

Paggising mo malalaman mo na lang na may mga hindi ka maalala. At parang hindi mo kilala ang totoong pagkatao mo?

Bakit ganun? Bakit hindi ko maalala? Kailan ko maalala? At bakit naman nagkaron ako ng amnesia?

Kung may amnesa ako? Edi alam yun ni Mommy at Daddy? o di kaya si Manang Clariss?

Feeling ko may alam dito si Sophie.

Naalala ko nanaman yung time na...

FLASHBACK

(A/N : Ito yung time na unang practice nila.)

Ano ba naman yan.. Ang tagal ni Sophie kuhanin ang laptop niya.

"Tawagin ko na kaya si Sophie?" tanong ko. Napatingin naman silang lahat sa akin.

"Oo nga, ang tagal naman niya. Para laptop lang. Atsaka para masimulan na din natin toh." sabi naman 

ni Jasper.

Tumango na lang ako at tumayo sa pagkakaupo. Umalis ako sa Dance room at umakyat sa room ni Sophie.

Pagbukas ko ng pinto...

Nakita ko siyang nakatayo dun sa may study table niya at may hawak na picture?

"Sophie, nandito na si Jasper. Bakit ang tagal mo?" napalingon naman siya sa akin.

Bigla niyang itinago sa drawer ang picture pero nasulyapan ko ito.

Tatlong bata ang nasa picture pero namumukhaan ko ang isang bata sa picture.

Yun ay..

A-Ako.

"Hah? Kasi ano.. ahmm.. kasi--" napansin ko naman ang mata niya. Medyo mapula.

"Umiiyak ka ba?" nag aalala din naman ako sa kanya kahit papano eh.

"Wala to, napuwing lang ako. Tara na sa baba baka hinihintay na nila tayo." kinuha naman niya ang laptop niya sa may study table niya.

Ano bang meron dun sa picture na yun?

Para talagang umiyak siya eh. Weird??

After 1 day...

(A/N : Yung 2nd practice nila sa bahay nina Sophie.)

As usual ganun pa din ang nangyari. Dito pa din kami nagpractice at dito ulit ako tutulog.

Buti na lang walang alam si Sophie na nagmall kaming dalawa ni Kia. Haha.

Nandito na nga pala kami dalawa ni Sophie sa kwarto niya. Nakahiga kaming dalawa habang nanunuod ng TV.

Love Life? Ano yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon