Chapter 15.5 : Party (Part 3)

62 2 0
                                    

Chapter 15.5 : Party (Part 3)

Sofia's POV

Time Check.

1 : 00 PM.

3 hours to go before the party.

"Ano ba naman yan Princess. Hindi ka ba nahihilo kakaikot mo? Kasi ako nahihilo na." nandito nga pala 

si Jasper sa kwarto ko.

Maaga kasi siyang pumunta dito kahit mamaya pa ang party. Gusto niya daw na siya lang ang susundo sa akin.. >\\\<

Nakaupo siya sa kama at ako naman ay paikot ikot at malalim ang iniisip.

"What if hindi dumating si Sam?" tanong ko agad. Nakita ko namang nakakunot ang noo niya.

"Ano ka ba! Dadating yun. Huwag ka na nga diyan mag alala." tumayo siya sa pagkakaupo at hinawakan ako sa magkabalikan na balikat.

"Relax Princess. Just sit down and relax." inalalayan niya akong umupo sa kama. Nakatingin lang ako sa maamong mukha niya. Ang gwapo niya talaga kapag malapitan. *u*

Sheeet! Nagkakasala na ata ako sa Bestfriend ko.. >\\\<

Umupo siya sa tabi ko at dahan dahan niyang hinawakan ang kamay ko. Naramdaman ko naman na may dumaloy na kuryente sa kamay ko. What was that?!

Naramdaman ko ding nag iinit ang mukha ko. >\\\< Bakit kasi ang lapit ng mukha niya!? Ang gwapo talaga.. Sheeet.. *u*

"A-Ah... J-Jasper.." lumingon na lang ako sa ibang direksyon. Matutunaw ako sa titig niya. Grabee talaga ang hot hot niya at lalo na kapag walang siyang nerdy glasses. Ang gwapo.. Jusko!

"S-Sorry.." bigla siyang umiwas ng tingin.

Spell awkward?? K-A-M-I

Ano ba naman yan! Bakit kasi ganyan siya? Ang lapit lapit ng mukha niya tapos yung mga mata niya parang may sinasabi pero hindi ko naman maintindihan kung ano yun.

*Katahimikan*

After 15 Minutes na katahimikan, hindi ko na talaga natiis ang katahimikan kaya nagsalita na ako.

"J-Jasper? Sa tingin mo? Matatanggap pa ako ni Sam kapag sinabi ko lahat sa kanya?" napatingin naman siya kaagad sa akin at nakita kong naniningkit lalo ang mga mata niya. Yiee. Ang cute! *u*

"Think positive Princess. Basta kapag kailangan mo lang ng makakausap nandito ako." kumurba naman ng isang matamis na ngiti ang mga labi niya.

"T-Thank you, Jasper. Hindi ka pa din nagbabago ikaw pa din ang Jasper na nakilala ko." napayakap ako sa kanya at ginantihan niya din ako ng yakap. Naramdaman ko naman na hinalikan niya ang buhok ko.

Ang saya saya ko at nakilala ko siya. Siya yung tipong nandiyan para sayo kahit anong mangyari hindi ka iiwan. Siya din yung iintindi sayo kahit minsan hindi mo sinasabi sa kanya ang problema mo. Siya din yung tipong hindi ka iiwang may luha sa mga mata. Siya din yung tipong handang gawin ang lahat mapasaya ka lang.

Wala akong magawa ngayon kung hindi yakapin na lang siya. Feeling ko safe na safe ako sa mga bisig niya. Feeling ko hinding hindi niya ako sasaktan. Feeling ko sobrang saya ko kapag nandiyan siya.

Ang masasabi ko lang ngayon ay sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. May sakit ba ako sa puso?

Pero ang alam ko naman healthy ang katawan ko at hindi naman mababa ang resistensya ko. Weird feeling?

Love Life? Ano yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon