Chapter 7 : This izz it..

101 2 0
                                    

Chapter 7 : This izz it..

Sam's POV

Ang saya ko talaga ngayong araw. Naasar ko lang naman ang pinaka nakakabwiset na tao sa buong mundo. Hahahahha.

Back to story.

Nasa bahay na ako ngayon. 

Kasalukuyang nakatingin sa kisame ng walang dahilan bakit ba hindi mawala yung sinabi sa akin ni Mitch?

Baka naman trick lang yun..

Haaaay...

*Next Day

Haaaaaay... heto nanaman. Babangon araw araw para lang pumasok. Nakakatamad kayang pumasok lalo na kung wala kang gana.. Haaaaay... hindi ko alam kung nakaka ilang buntong hininga na ako. 

Kinakabahan ako sa mangyayari. Naaalala ko nanaman yung sinabi ni Mich.

Nandito na nga pala ako ngayon sa harap ng gate ng school.

Lalo akong kinakabahan.

Teka?? Baka naman niloloko lang ako ni Mich? Haaaay .. sana nga.. Hindi pa ako handa.

Waaaait? Boyfriend agad? pwede namang ligaw ligaw muna di ba?

Bakit ba ang gulo ng utak ko ngayon? Mabuti pang huwag ko na lang isipin.

Haay. Makapasok na nga lang.

Pagpasok ko sa classroom iilan lang ang tao dito.

Umupo na ako sa upuan ko. Napansin ko naman na wala pa si James at Mitch.

Bakit ko ba yun iniisip?

Haaay..

"Good Morning Bruha!!" sabay yakap sa akin ni Sophie.

"Good Morning Sam.." bati naman sa akin ni Jasper.

"Oh? bakit sabay kayo? Anong meron hah?" tanong ko. Nakakapagtaka lang kahapon sabay din sila? Ngayon sabay din sila? 

"Ahh, ehh, dumaan kasi akong cafeteria tapos nakita ko siya kaya sabay na kaming pumasok. Di ba Jasper?" sabay tingin ni Sophie kay Jasper.

"Ahhh,, O-oo.." sabi naman ni Jasper.

Ang awkward lang?

"Okay.." 

Biglang pumasok na ang prof namin at tumabi na sa akin si Sophie at umayos ng upo.

Eto nga pala ang aming seating arrangement.

Window..  Ako   |   Sophie   |    Jasper

Teka? bakit wala pa yung kambal?

"Sophie, asan na yung mga pinsan mo?" tanong ko sa kanya pero mahina lang.

"Nasa kabilang section sila," mahinang sabi ni Sophie.

"Bakit naman sila nandun?"

"Dun daw kasi gusto ni Dana."

Ahh siguro nandun yung crush niya. Haha.

Nalimutan ko nga palang sabihin sa inyo ba dalawa ang star section.

FASTFORWARD

Sa wakas Lunch na.

"Hoy! Bruha baka tumakas ka nanaman sa amin?" sabi ni Sophie.

Love Life? Ano yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon