Chapter 15.7 : Party (Part 4)

68 1 0
                                    

Chapter 15.7 : Party (Part 4)

(A/N : Dedicate po ito kay FeptzamG. Super bait niya po, at otaku din katulad ko. ^___^)

Third Person's POV

Sa Party...

Lahat handa na, lahat ayos na, lahat nandito na pero wala pa rin ang tatlo. Sina Sam, James at Troy. Ang mga kaibigan niya ngayon ay nag aalala na lalo na si Sophie.

'Dumating sana siya.' bulong sa sarili ni Sophie. At narinig naman iyon ni Jasper na katabi niya. Parang home party lang to, sila lang ang magcecelebrate kaya nasa may garden lang sila na malapit sa pool. Nasa cottage silang lahat at walang ni isa ang balak magsalita.

"Huwag ka na nga diyang mag alala. Dadating sila, tiwala lang." bulong ni Jasper kay Sophie.

"A-Asan na ba mga yun?" tinutukoy ni Dana ang tatlo. 'Hindi ko na talaga matiis ang katahimikan grabee. Mapapanis laway ko teh!' sabi ni Dana sa isip niya.

"Tinitext ko na nga si Sam kaso hindi naman nagrereply. Natawagan ko na din pero wala namang sumasagot." sagot naman ni Sophie. Napatingin si Dan sa relo niya.

Time Check.

4 : 30 PM.

Kanina pa dapat nagsimula ang party kaso wala pa ang tatlo. 'Ano ba naman yan! Asan ka na ba kasi Sam?' nasa isip ni Dan.

"Baka natraffic lang yung tatlo. Dadating din yan, kain muna tayo habang wala sila." nagprisinta na si Jasper para naman hindi sila mainip kakaintay sa tatlo. Tumayo naman si Sophie para pumunta sa may intercom. Nagpadala siya ng pagkain sa cottage nila.

Maya maya lang ay dumating na ang kanilang inorder na pagkain at nagsimula na silang kumain habang inaantay ang tatlo na sina Sam, James at Troy.

MEANWHILE...

"Nako Ma'am, mukhang nasiraan po tayo. Ipapark ko po muna sa tabi." sabi ng driver ni Sam. Kaya nagpark muna sila. 'Ano ba yan?! Malayo pa ang hotel dito nina Sophie. TSK.' bulong ni Sam sa sarili saka siya bumaba at ang driver niya din ay bumaba. Nakita naman niyang nagpark din sa hindi kalayuan ang dalawang binata na si James at Troy.

Pagkababa ng driver ng dalaga ay binuksan niya ang hood ng kotse para tiningnan kung anong sira. Naramdaman niyang palapit ang dalawang binata sa kinaroroonan niya. 'Sana naman maayos agad tong kotse.' bulong ng dalaga sa sarili.

"Ma'am, pasensya na po pero bukas pa po ito maayos." magalang na sabi ng driver sa dalaga. 'Ang malas naman. Late na nga kami lalo pang malelate.' sabi ni Sam sa isip niya. Hindi niya na alam ang gagawin niya, nang biglang magsalita ang isang binata sa kanan niya na si Troy.

"Sakin ka na lang sumabay." hinawakan pa ng binata ang kanang kamay ng dalaga. Bago pa makapagsalita si Sam ay hihilahin na sana siya ng binata pero may humawak sa kaliwang kamay niya.

"Sakin siya sasabay." cold na sabi ng nasa kaliwang binata na si James. Kumunot naman ang noo ni Troy sa narinig niya. Hindi naman alam ni Sam kung saan siya sasakay. Kay James ba na crush niya o kay Troy na mahal niya? Umigting ang hawak ng dalawang binata sa kamay ng dalaga kaya nagbalik katinuan ang dalaga.

"Ano ba!? Hindi niyo ba alam na nasasaktan na ako." hinila niya ang dalawang kamay niya na hawak ng dalawang binata. Lalo siya naiinis ng wala ni isa sa dalawa ang pumansin sa kanya. Nagtititigan lang silang dalawa at parang nag uusap sa mga mata nila. 'Ah ganun? Ayaw niyo akong pansinin.' sabi ng dalaga sa isip niya.

Love Life? Ano yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon