Chapter 17 : With HIM. <3

66 2 0
                                    

Chapter 17 : With HIM. <3

 

 

Sofia's POV

 

 

After a week.

 

 

As usual wala pa din kaming pansinan, ang tanging kasama ko lang lagi ay si Jasper. Buti pa siya, hindi siya nawawala sa tabi ko. :( Medyo iniiwasan na din kasi ako nung kambal, hindi ko nga alam kung bakit ganun sila sa akin eh, may nagawa ba akong mali sa kanila?

 

 

May napansin ako kay Sam bakit lagi niyang kasama si Kia? At bakit lumipat si Sam sa kabilang star section? Gusto niya ba talaga akong iwasan?

 

 

Ang daming mga tanong ang nabuo sa isip ko.

 

 

"Princess, nakikinig ka ba?" hindi ko pala naririnig ang mga sinasabi ni Jasper kanina pa. Nandito nga pala kami ngayon sa kwarto ko. Saturday ngayon kaya wala kaming pasok.

 

 

"You're spacing out again." napatungo nanaman ako sa sinabi niya. Siya lang kasi yung laging kumakausap sa akin pero ang utak ko lumilipad. :/

 

 

"S-Sorry." inangat niya ang ulo ko.

 

 

Naka upo nga pala kami sa big sofa at magkatabi kami. Anong bago ? Lagi naman kaming ganito.

 

 

"Nandito ako para pasayahin ka." binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti.

 

 

*Dug*Dug*Dug*

 

 

Eto nanaman ang heart ko nagwawala. >\\\< Pliith stop! Huwag kang ganyan JR, baka mahulog ako sayo.

 

 

Hinawakan niya ang kamay ko at tumayo siya. Saan ba niya ako dadalhin at bigla bigla na lang siya manghihila? (?___?)

 

 

Hinila niya ako papuntang parking lot. Ano namang gagawin namin dito sa parking lot. Binigyan ko lang siya ng nagtatakang mukha. Kumunot naman ang noo niya. Haay nako. -____- Ang slow mo dre!

 

 

"Anong gagawin natin dito?" napaface palm naman siya. Ang gulo niya po. =____=

 

 

"Pumili ka ng sasakyan mo." tumingin siya sa mga sasakyan na nakaparada. Bakit naman ako pipili ng sasakyan? Kahit ano naman jan ang ginagamit ko eh. Tsk tsk.

Love Life? Ano yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon