Chapter 8 : Picture

116 3 0
                                    

Chapter 8 : Picture

Dana's POV

Hello~! Ako nga pala si Dana Amber at ang kambal ko naman ay si Dan Amber. Haha. Kulit mats?

May pagkamakulit ako pero minsan lang. Haha. Gaano kaya kadalas ang minsan? Haha. XD

About my family? Hindi ko alam. Haha. Joke lang syempre. Taga Canada kami. Kilala namin si Jasper dahil magkaklase kami simula elementary hanggang highschool pero ngayon hindi kami magkaklase. Mas gusto ko kasi dito sa 2nd star section dahil nandito si Crush. Hihi. Kilig matss.

Oo, totoo.. Kaya lang kami lumipat dito dahil ng crush ko. Ngayon lang kasi ako pinayagan na lumipat sa Pilipinas ang dahilan ko naman ay gusto kong maging kaklase si Princess Sofia. Si Sophie ay pinsan namin. Anak siya ng kapatid ng Mommy ko. Hihi.

Tinatanong niyo ba ang crush ko?

Haha, sa ngayon SECRET muna. Ayaw ko muna banggitin baka agawan niyo pa ako. Haha Joke lang.

Story na ulit tayo tapos na ang makulit kong intro. Haha.

Ang dami kong tawa hindi ko mabilang. Haha

Nandito nga pala kami ngayon sa kwarto ko.

"Dana, sige na please? Lipat na tayo ng classroom." pangungulit ni Dan.

"At bakit?" mataray na sagot ko sa kanya.

"Nandun kasi si Sophie. Miss ko na si Pinsan Sophie eh." sabay iwas ng tingin.

"Ayaw ko nga, ako masusunod." pagtataray ko sa kanya.

"Eh bakit ba ayaw na ayaw mong lumipat?" seryosong tanong niya.

This time ako naman ang umiwas ng tingin.

"Wala lang, gusto ko lang dun." pagsisinungaling ko sa kanya.

"Dana please? Lumipat ka na?" pagmamakaawa niya.

"No!," pagmamatigas ko.

"Umalis ka na nga dito!" pagtataboy ko sa kanya.

Umalis naman siya.

Bakit ba kasi gusto niya lumipat? Hmp!

Kapag lumipat ako baka hindi ko na masulyapan si Crush. Haaay.

Makatulog na nga lang.

FASTFORWARD

~~~Next Day~~~

"Good Morning!!" nagising ako ng ma biglang sumigaw sa tabi ng kama ko.

-_____- Nakita ko lang naman ang aking mahal na kambal na si Dan.

"Inaantok pa ako." sabay pikit ko ulit.

"Aww, sayang naman yung ginawa kong Breakfast in Bed." napamulat naman ako sa sinabi niya.

Nakss, may dala nga siyang tray na may pagkain.

Sumandal naman ako sa board ng kama ko. Tapos ipinatong naman niya ang tray sa lap ko.

"Bakit ang bait mo ngayon?" nagtataka lang ako. Ngayon lang niya ako dinalhan ng Breakfast sa bed.

"Wala lang.." naku! Nanglalambing lang to, hula na may kailangan.

"Anong kailangan mo?" seryosong tanong ko sa kanya.

Love Life? Ano yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon