Chapter 15.9 : Party (Part 5)

40 0 0
                                    

Chapter 15.9 : Party (Part 5)

(A/N : Gusto niyo idedicate ko sa inyo to? Magcomment kayo biliss.. ^O^)

Sam's POV

Nandito ako ngayon sa room ko. As usual sa hotel kami matutulog, nakahanda na din naman ang mga damit namin para bukas. Monday na nga pala mamaya. Haaay. Ang bilis ng araw.

Time Check.

12 : 55 AM.

Hindi ako makatulog dahil sa nangyari kanina. Hinding hindi ko talaga akalain na magagawa sa akin yun niya sa akin iyon.

Iniisip ko nanaman ang mga pangyayari kanina parang hindi kayang tanggapin ng utak ko ang mga sinabi niya. Lahat kami nagulat sa sinabi niya.

*Sobs*Sobs*Sobs*

Kanina pa din ako naiyak, hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya. Papansinin ko pa ba siya o iiwasan ko na lang? Ang hirap mag isip. Sa ngayon kasi hindi pa din maprocess ng utak ko ang pangyayari.

FLASHBACK

Nakakatawa talaga itong picture ni James at ni Troy. Haha. Parang bromance XD

Bumaba na ako para pumasok sa Garden ng Hotel nina Sophie. Tinext niya kasi kung saan magkikita. Pagdating ko doon nakita ko silang naglalaro sa pool. Nakabihis na sila ng pang swimming kaya naexcite naman akong maligo.

"GUUUUYS!!" kumawag kaway pa ako sa kanila at napatingin naman silang lahat sa akin. Si James at Troy ay pumunta lang ng cottage. Naguusap ata silang dalawa baka totoo nga na may Bromance eh. Haha.

"SAM!!" sabay sabay nilang sabi at umalis na sila sa pool para lapitan ako. Niyakap ko silang lahat maliban kay Sophie. Mukha kasing stranger na siya sa akin. Feel ko kasi kay alam siya eh.

Naramdaman naman nila ang awkward moment namin ni Sophie pero nakikisakay na lang sila at hindi na nila pinansin. Buti na lang walang nagtanong kung bakit. Haaay.

"Saan ka ba nagpunta?" sabi ni Jasper.

"Naligaw ka ba?" sabi ni Dan.

"Okay ka lang ba?" sabi ni Dana.

"Wait lang, isa isa muna mahina ang kalaban. Nasiraan ang kotse namin---" nagsalita na ako pero may pumutol. Ay epal. =___=

"Kanino ka ba sumabay?" sabi ni Sophie.

"Sariling kotse ko ang dinala ko nagtatalo kasi ang dalawa, kaso yun nga nasiraan ang kotse ko. Huminto muna kami tapos ako ang nagdrive ng kotse ni Troy tapos silang dalawa nasa likod lang." mahabang paliwanag ko.

"NAGDRIVE KA?!" sabay sabay nilang sabi. Ayy bingi lang? Gusto ata ng mga to paulit ulit. =___=

"Oh? Nagdrive lang ako ang O.A. niyo na." grabe kasi sila makareact siguro nagpractice ang mga to kaya sabay sabay.

Naglakad na lang ako papuntang cottage at nadatnan ko ang dalawa na seryoso silang nakatingin sa isa't isa. Minsan naisip ko, isa kaya sa kanila bakla? (?.?)

Sumunod naman yung apat sa akin papuntang cottage. As usual hindi ko pinapansin si Sophie. May nakahanda na pa lang pagkain dito sakto gutom na ulit ako.

Kumuha ako ng plato at nilagyan ko ito ng madaming pagkain. Kung ano ano na pinagkukuha ko at syempre kaya ko namang ubusin lahat yan. Nakatingin lang sila sa akin na may halong pagtataka.

Love Life? Ano yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon