Chapter 1 : Meet Sam

383 8 0
                                    

Chapter 1 : Meet Sam

Sam's POV.

May nakikita akong batang Babae na naglalakad sa isang park na madaming puno at madaming bulaklak na kulay Pink at Red.

Papunta sya sa isang puno na may nakasandal na batang Lalaking nakaupo at nakayuko. Parang umiiyak yung batang Lalaki. Hindi ko makita masyado mukha nila eh.

Nilapitan nung batang Babae yung batang Lalaking naka-upong nakasandal sa puno. Kinausap nya yung batang Lalaki pero kunti lang naririnig ko,mahinang boses lang pero di ko maintindihan ang pinaguusapan nilang dalawa.

Biglang may naririnig akong nagkakalampag na ewan? pero ang ingay, ang sakit sa tenga. Nakakabingi.

Sino ba kasing bwisit na yan ang nang iistorbo ng panaginip ko.

-____- :mulat

o____~ :mulat

~____o :mulat

o____O :mulat

Pagkamulat ko ng mata ko.

>_____<

Nakita ko lang naman ang estfriend kong hawak ang kaldero at sandok.

"Hoy! Babae! Gising na! Late na tayo!" sabi nya habang pinapalo nya ng sandok yung kaldero.

"Oo na! Gising na ako, Grabe naman to. Yan tuloy di ko naituloy panaginip ko." sabi ko habang tinitignan ko sya ng masama.

"Hoy! Bruha! Mamaya ka na dumakdak jan. Malalate na tayo eh." sabi nya na halatang halata sa mukha na iritang irita na.

Paano kaya to nakapasok dito? Eh samantalang nakalock naman ang pinto ko lagi tuwing matutulog? Maitanong nga.

"Paano ka nga pala nakapasok dito? Eh nilock ko naman kagabi ang kwarto ko eh." sabi ko habang nagdududa.

"Mamaya na tayo magkwentuhan sa kotse. Maligo ka na. Bilisan mo hah? Kapag nagtagal ka, talagang iiwanan ka namin." sabi nya habang binigyan nya ako ng death glare.

"Eto na nga oh. Papunta na ng banyo." sarcastic kong sabi.

Pagkatapos kong sabihin yun sa kanya umalis na sya at sinarado ang pinto. Ano kayang oras na. Baka niloloko lang ako nung Babaeng yun. Asan nga ba cellphone ko?

Hanap

Hanap

Hanap

Hanap

Ayun nakita ko na. Nasa ilalim lang pala ng unan ko. Dali dali ko itong binuksan para tingnan kung anong oras na.

O____O

7 : 45

Pagtingin ko sa orasan. Nanglaki ang mata ko. 15 Minutes na lang pala bago magtime. Patay kami neto T___T nakakatakot pa naman ang Teacher namin ngayon.

Dali dali akong pumunta sa banyo para maligo.

Hindi niyo pa nga pala ako kilala.

Ako nga pala si Sam Yuri L. Starr. 15 years old na ako. 3rd Year Highschool pa lang. At nag-aaral sa RUBIX University. At ang birthday ko ay September 24

 Yung Babae kanina na nang-gising sakin ay ang nag-iisang childhood bestfriend ko na si Princess Sofia R. Franzes. Simula 6 years old pa lang ako, magkakilala na kaming dalawa. Lagi syang pumupunta sa bahay namin kasama Mommy nya. Magbestfriend kasi ang Mommy ko at Mommy nya. Sabi nila parang magkapatid kaming dalawa. Siya yung laging tumutulong sakin sa school. Siya ay maganda, maputi, mayaman, mabait, mapagmahal, maalagain at madami pang iba. Baka kapag sinabi ko lahat abutin tayo ng 5 days.

Love Life? Ano yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon