Nagising ako sa sikat ng araw na nakabalandra sa mukha ko, nakabukas pala yung bintana. Umupo ako at umunat. Tiningnan ko ang orasan na nakapatong sa drawer, 7:38 palang? Ang aga ko namang magising. Inayos ko ang higaan ko at dumeretso sa cr, as usual, I did my morning routine at lumabas, nagbihis lang ako ng pajama na may bunny prints at t-shirt na may bunny, ahihi siguro ang cute cute ko tignan. Humarap ako sa salamin, admiring the beauty infront of me. Tama nga ang sabi nila, maganda talaga ako. Ahihihi. May naalala ako, yung kagabi! Si tusta, hinalikan ako sa labi. Nagulat sya kasi nakita nyang nakabukas ang mata ko, lumayo sya at tumayo sabay nun ang pagkasara ng pinto namin. Napahawak ako sa labi ko, baka pagbaba ko andun sya? anong gagawin ko? huhuhu
AH! Hindi muna ako bababa, pero pano na lang pagkakain ako? Huhu. Kumukulo na ang tyan ko.
"Inhale, Exhale. Bat naman magiging awkward? Hahaha. Bahala sya. Kasalanan din naman nya diba?" Binuksan ko ang pinto at dahan dahang bumaba, sumilip muna ako ng kaunti, *lingon lingon* Walang tao? Baka umalis si tusta.
Bumaba na ako at nagtungo sa kusina, nagluto ako ng scrambled eggs at ininit ko ang tinapay, pagtapos kong kumain, hinugasan ko ang pinagkainan ko, Naalala ko si tusta. San na kaya yun? Kumain na kaya sya? Bahagya akong napailing, bat ko ba sya iniisip? Natapos na ako sa paghuhugas, Boring nanaman. Aakyat na sana ako pero bumukas ang pintuan, sino yun?
SI TUSTA?!!!
Mukhang nagulat sya kasi nakatayo ako, umubo sya at tuluyang pumasok. Tss, wala bang good morning dyan?
"San ka galing?" Tanong ko habang sinusundan sya papuntang kusina, napansin ko kasing may dala syang 2 plastic at sa tingin ko, pagkain lahat yun.
"Sa mall. Sabi kasi ng daddy mo bilhan ka ng pagkain." Sabi nya habang nilalagay sa ref ang mga pinamili nya.
"Aah. Pero bakit marami?" Tanong ko ulit.
Tumingin sya sakin na medyo naiinis, "Wag ka ng magtanong." He said coldly. Grabe naman to, napanguso ako, nagulat nga ako kasi nagsalita sya.
"Wag mo ngang gawin yan." Sabi nya tas umiling sya
"Ang alin?" Tanong ko, anong hindi gawin? ngumuso ulit ako.
Napakamot na lang sya at padabog na umakyat sa taas, Anong ginawa ko?