'nakakainis, nakakainis, nakakainis aaaaaah.' isip ni kai. hindi parin kasi nya makalimutan ang mukha ni samantha habang ngumunguso. 'ano kayang feeling kapag hinalikan ko sya?' napasapo ang binata sa ulo nya, kahit na idol sya, ngayon pa lang sya nagkakaganito. oo nga pala hindi pa nasasabi ng binata na artista sya, pero wala syang balak na sabihin ito. wala rin namang pakialam ang dalaga sa kanya.
kasalukuyang nakahiga sa kama si jongin, at iniisip nya si samantha ng biglang may kumatok
[samantha]
hindi ko na kaya, aakyat na ako! kanina pa si tusta hindi bumababa, ano ba kasing ginawa ko? umakyat na ako at kumatok sa pintuan nya pero walang nagbukas, kumatok ulit ako.
"HOY TUSTA!" kumatok ako ng kumatok hanggang sa bumungad su tusta na..
WALANG T-SHIRT?! infairness may abs sya, ngayong lang ako nakakita ng abs, hahawakan ko ba? hindi! ano ba samantha magtino ka nga, babae ka at dapat ikaw ang hinahabol.
naputol ang pagiisip ko ng pinitik ni tusta ang noo ko,
"like what you see?" sabi nya habang nakangisi.
namula ako sa sinabi nya, feeling ko mas pula pa ako sa kamatis. yumuko ako.
"uuuhm, sorry ha." sabi ko ng nakayuko.
hindi sya nagsalita, itinaas ko ang ulo ko at nakita kong nakatingin lang sya sakin.
nagtitigan lang kami hanggang sa sya naman ang yumuko. bababa na sana ako pero hinawakan nya ako sa braso at hinila dahilan para masubsob ako sa chest nya. OMG. ngayon lang nagsisink ang lahat sa utak ko, niyayakap nya ko.
NIYAYAKAP NYA AKO.
kumalas ako sa yakap pero hinila nya ako at yinakap ulit.
"K-kai." sabi ko, ngayon ko lang sinabi ang pangalan nya, naramdaman ko syang ngumiti.
"Jongin nalang, Jongin." tumango ako at pinulupot ang dalawang braso ko sakanya.
"I like your scent." sabi nya, tumawa ako at kumalas na sya sa yakap, inayos nya ang buhok ko at ngumiti. Ang gwapo nya pala talaga.
kala ko isasarado nya yung pinto at papapuntahin sa kwarto ko pero hindi, hinila nya ulit ako at pumasok kami sa kwarto nya. ang linis. white ang color ng walls, ang mga furniture brown at black ang mat. humiga sya sa kama at tinapik ito, pinapahiga nya ba ako? tumawa sya at lumapit ako sa kanya, humiga ako ng tuwid, hindi ako makagalaw, kasi syempre lalaki ang katabi ko, baka anytime may mangyari.
"Samantha." tawag nya sakin.
"Oh?" hindi parin ako tumitingin sakanya.
"look at me." hindi ko sya pinakinggan, may aircon pero pinagpapawisan ako.
"look at me, please."narinig ko ang lungkot sa boses nya, kaya tumingin ako sakanya, hindi lang ang mukha pati ang katawan ko, nakaharap sa kanya.
tumingin sya sakin at lumapit, lumapit sya ng lumapit at yinakap ako. bumilis ang tibok ng puso ko. gusto ko mang kumalas sa yakap at umalis, may nagsasabing dito muna ako, kay jongin.
"stay with me." sabi nya, naramdaman kong dumampi ang labi nya sa noo ko, I feel safe. yinakap ko sya at pinikit ang mata ko.
dito muna ako, kay jongin.