Chapter One: Gentleman's Failure

917 28 5
                                    

Rem’s POV

“Akala ko di ka na dadating"

“HAHA. Ikaw kaya nagyaya sakin, impossibleng di ako pumunta. Alam mo namang di kita matitiis.” Sabay yakap ko sa kanya.

Tumingin siya sakin tapos, “Uy mangako ka saken. Di mo ako iiwan ha?”

“ I promise you, iiwan lang kita pag sinabi mong saking iwanan kita…” Tapos ngumiti siya, ngumiti rin ako.

“River, I lo­--“

“HOY! Gising na!!!!!!!!”

A’ ah. Sino naman ‘tong babae na nagising sa akin? Ayun na e! I love you na dapat!!

“Ano baga? Shh nga,” Ang ganda ganda ng panaginip ko eh.

“Ah nagpagising ka kay mama ng 8 o’ clock. 8:45 na pero di ka pa rin nabangon. Naabala mo pa ko eh.”

Nako. Alam ko na kung sino. Bumangon tuloy ako kahit di ko pa feel.

“Dragona, ang epal mo naman eh.”  Nakita ko na ulit siya e, kahit sa panaginip lang.

“Kadiri ka Rem! Ambaho ng hininga mo. Anlayo mo na nga sa akin, amoy ko pa rin. Yuck ha, magtoothbrush kang kumag ka.”

Arte nito ah. Nahiya naman ako sa itsura niya pag nagigising. Mukhang sabukot.

“Mabaho baga talaga? Oh.” Sinugod ko si ate at binugahan ng hinga ko. “Mana kasi ako sa iyo.” Tumakbo siya dahil nandiri daw ang luka-luka.

Napaupo naman ako sa kama ko. Siya nanaman. Bakit ba hanggang ngayon? Siya parin. Siya ang umiwan, hindi ako. Kaya dapat lang na kalimutan ko na ang lahat ng nangyari noon, pero bakit? Bakit di ko mapigilang umasa na babalik pa siya? Bakit di ko mapigilang maging masaya tuwing nakikita at naaalala ko siya, kahit sa panaginip lang?

TAMA NA. PANAGINIP LANG ANG LAHAT. ISANG MASAMANG PANAGINIP.

Ginawa ko ang aking tradisyon sa umaga. Nagtoothbrush tapos nagbuhay ng wifi tapos nagbukas ng iPad at nagcheck ng cellphone.

Two new messages.

From: Tandang Hansen

-       rivy mamaya ha, kakain tayo. 9 sharp, dude. xD

From: Theo Fartface

-       oy rem baka malimutan mo na naman. Sa 7-11 ha.

Wala siya sa mga nagtext. Ay oo nga pala, dalawang taon na.

ANYWAY, alam ko naman na magkikita kami ngayon. Kala naman ng mga kaibigan ko eh ulyanin na ako. Excuse me, pinakabata ako sa kanila.

Ay, ako nga pala si River Emmet Gonzales. Rem ang tawag sakin ng mga kaibigan ko, dati River kasoooo--- 17 years old ako (lol, anong connect?). Isang Advertising Arts student. Struggling na gwapo. Joke. Hala, di pa ko nagpapaalam ke mama. Baka nga ulyanin na ko. Haha.

“Ma!!! May pupuntahan ako mamaya.” Sinigaw ko. Take note, nasa kwarto ako sa taas at sya ay nasa baba siya.

“Alam ko! Kumain ka na para di ka malate.” Nice. Nanigaw rin siya. Lukaret din yang nanay ko eh. Pero nasabi ko na pala. Tsk. Ulyanin na nga ata ako.

Di na ko kumain kase alam kong malelate ako sa lakad namin. Ang alam ni mama eh gagawa akong project, pero ang totoo gagala lang naman kami. Lahat naman tayo nagsinungaling na ng ganito, diba? So naligo agad ako.

After maligo, nagmadali akong magbihis. 9:10 na. Pero bago ako umalis, sinermonan muna ako ng aking ina.

“Aba, Rem! Di ka na natuto. Sumubo ka man lang ng kahit lima at baka magkasakit ka.”

“Ma, malelate na kase ako!”

“Lagi ka kaseng makupad. Kumain ka nga!”

Di ko na ginawa tas pinayagan naman ako. Tamo, anggulo ni ma. Tapos nun eh umalis na ko.

***

Sa 7-11, akala ko andun na silang apat. Waley pa naman pala at si Mon pa lang andito.

“yo reber! Nauna ako sayo.” At may belat pa ang baliw.

“Oo na. hmp,” nagpaunahan kase kame and clearly, natalo ako. “Asan na yung iba? Kala ko baga eh 9 sharp.”

“Hala. Di dadating si bading. May review raw. Tas si James eh di pinayagan. Si Hansen naman eh wala pa, nanchichix siguro.”

Tae naman. Kala ko’y kumpleto na kame ngayon. Tapos, bigla naman akong nagutom  Dapat kumain na nga ako samin. Naisipan kong bumili ng Big Bite.

“oy kain lang ako.”

“libre naman jan.”

“mukha mo.”

Lumapit ako sa station nung foods. Wew, sumisigaw na tiyan ko. It wants to be filled.

Hmm…anong flavor kaya?

Takam na takam ako sa mga pagkain dito eh. Tas biglang may dumanggil sakin. Aba, anlakas ah. Halos tumumba ako eh. Anong topak nito at di man lamang nagsorry? Tiningnan ko ng masama.

“Eto na nga ah! Dami mo naman kaseng pinabibili.”

Wapakels siya. May kausap sa phone yung babae. And yes, babae pala siya. Ang daming dala ni Miss Sungit. Halos bawat chichiryang alam niyo, nakapasan sa braso niya. She gets a slurpee cup and I knew she can’t handle doing that, sa dami ba naman ng dala niya?

“Miss, tulungan na kita.”

I offered help dahil well, ambait ko. LOL.

“Ugh, ano ba? Mind your own food.”

WOW LANG HA. Eto na nga siyang tinutulungan, e siya pa ang nagtataray. Pede namang sabihin na ‘No Thanks’ ah. I was in a good mood naman that day kaya I did not bother starting up a brawl. At babae ‘to, malay ko ba baka na-PMS lang.

“Okay.”

Binayaran ko na lang yung big bite ko at nilapa yun dahil grabe na talaga ang gutom ko.

“pakagat.” At nakabantay na pala si Mon sa pagkain. Matakaw yan. Ang payat pero napakamamaw kumain. Edi siya na, ako mataba at matakaw.  Ugh world, why do I have to be like this. Ang payat ko naman dati eh.

Pinagbigyan ko na ang paghingi ni Ramon ng pagkain.

“Mon, may masungit na babae dun kanina. Tutulungan ko baga sa slurpee machine kase sandamukal ang dalang pagkain tapos sinungitan lang ako. May tama ata eh.” Tinawanan lang ako. Inexpect kong gagawin niya yun. -___-

“Ang weak mo. Maganda baga?”

Aba. Nalimutan kong tingnan yung mukha. I couldn’t care less sa mukha niya lalo na’t ganon ang ugali.

“Di ko nakita.” Hinampas niya ako. Sayang daw. “Anjan pa siguro, hanapin mo kung gusto mo. Oh, ayan pala siya e. Nagbabayad sa counter.” Sabay turo ko dun sa babaeng ubod ng sungit.

“Sht boy. Ang ganda.” Sabi ni Mon, sabay kuha ng kanyang cellphone at pipicturan ata si Miss Sungit. Lakas ng trip nito ah.

Tiningnan kong mabuti yung Miss Sungit. Di naman masyadong kagandahan, or di ko lang type yung ganda niya. Choosy kase ako.

“TSS. Di naman ah"

---

Authors' Note:

Hello po uli!

If you reached it to this point, thank you. Sana po naeenjoy niyo yung story. 

Vote, Comment and Read on!

If I Find YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon