Chapter Eleven: Coldhearted and Eighteen

299 18 7
                                    

Rem's POV

~Dear Kim, Kamustang bakasyon mo

Ako heto pa rin nababato

Bad trip talaga tong Meralco

Bakit brownout pa rin dito?~

Ughh. Yung cellphone ko. Sinong matino ang tatawag ng ganito kaaga? Pagtingin ko sa orasan, wala pang 6 ng umaga. Puyat ako kagabe, nag-marathon ako ng panonood sa isang season ng tv series.

Pagtingin ko sa cellphone ko…

Kalbo calling…

Pag ito walang kwenta, mapapatay kita James.

“HELLO?!” sinigaw ko.

“Oh. Goodmorning din sayo boy.”

“Anong kelangan mo sa umagang ito at inistorbo mo ko ang napakamagandang pagtulog ko?”

“Tumayo ka na jan! Tanghali na!!!”

“Tanghali?! Almost 6 am palang, putek ka. Patulugin mo nga muna ako. Sabado naman ih.”

“Bumangon ka, kundi lagot ka saken.”

“Eh? Talagaaa?” Tatakutin pa ko nitong baliw.

“Oo. Wag mo kong pilitin na gawin to.”

“Gawin ang ano nemen?”

At grabe, napabangon nga naman ako. Aba, buhusan ka ba naman kase sa mukha ng napakalamig na tubig? Magtaka na lang ako kung hindi ka magigising.

“PARA SAN NAMAN YON?!”

“E ikaw naman kasi e. Ayaw pang bumangon. Binalaan kita.” Tinawanan pa ako bago binaba yung cellphone niya.

“Sira ka din pala e, noh? Tatawag pa, nandito naman pala sa kwarto ko. TEKA, Bakit ka nasa kwarto ko?!” Naka-boxers pa kase ako non eh. Tinakluban ko tuloy sarili ko ng basang kumot.

“Minamanyak kita.” Sinamaan ko tuloy ng tingin tas sinuntok ko tuloy sa braso niya. “HAHAHA. Biro lang. Asa ka naman. May ibibigay kasi ako sayo. Actually nasa baba e. Maligo ka na tas bumaba ka. Ang baho mo shet.” Sinuntok ko uli, sa kabilang braso naman. Maguutos naman kase, mapanlait pa. Ayos din e.

Pero, himala. May ibibigay si Kalbo sa akin? Eh mahilig nga tong mangutang. Ano'ng meron?

Edi nagbihis ako, tas bumaba na.

“Waw anong ginawa mo? Natulog na naman? Boy ang kupad mo ah.” – James

Tiningnan ko yung orasan. 7 na pala. “Eh ano baga?” Nakatulog kase uli ako. 

At HUWAW. Nakain pa sila ni Mon doon sa harap ng tv. Ako nga, di pa nakaen.

“Oh eto yung ibibigay ko.” Sabi ni James, na may nakasaksak pang tinapay sa bibig.

“Ano naman to? Ha?”  Sabi ko nung nakita ko yung nakalagay sa table na may card na nakalagay ay

TO: REM

“Biodata yan.”

“Alam kong biodata 'to. May label oh. Pero kanino? Saka anong gagawin ko sa sandamakmak na papel na toh? Di naman ako mag-iinterview ng nag-aapply.”

Tunay namang makapal yung pile ng papers e. Dinaig pa yung kapal ng muka ni Hansen. Oo, ganun kakapal. -___-

“Nalimutan mo na ba kung anong araw ngayoooon?!”

“Uhmm, yung araw na magpapahinga ako at manonood lang ng Sherlock? Patapos ko na yung latest season eh.” 

“HINDE BOY. BIRTHDAY MO! BIRTHDAY MO NGAYON TANGA!”

If I Find YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon