Chapter Nine: The Bay and The River

408 23 4
                                    

Rem’s POV

“So don’t stop. Because I think about you, too.” Ginaya ule ako. -.-

“HAHAHAHAHA!! Ano ba yang gaysht mo Rem! ”- Hans

Ano baaaa?!! Isang linggo nay un. Ayaw pa rin nila ako tigilan.

“Ano ba, para nga kase yon sa grade. Ginagamit ko din utak ko minsan.”

“Oo nga Rem, pero mahirap magbitaw ng ganung mga salita kung di mo nararamdaman” –Mon

“Wow deep ha. Enebe, kelan niyo ba tatanggapin na magaling lang talaga ako?”

“Kung magaling ka talaga, di mo yan hahayaang makawala.”- theo

“WATDA?????”

“RIVEEEEER EMMEEEETTT!!!!”

Yung ingay na yon. Isa lang ang nakakagawa, kaya alam na. -_-

“Anong kailangan mo, hilaw?”-Mon

“Is your name River Emmett? Rem, tawag ka daw sa office.”

“Sinong may sabi?”

“Aba malay ko. Papuntahin ka daw dun e sabi ni James”

“Patay ka boy. Expelled ka na daw.”

“Gago.  Ge, una nako.”

---

Sa office, andun si James:

“James anong meron?”

“Ah, kelangan kasi ng advertisement nung isang department. Tinanong ako ni grandma kung may kakilala daw ako na magaling sa Business Ad. Kaya yun, sinabi kong ikaw.”

“Tsk, ganan ba ko kagaling? Joke pero ANOOO?! Bat mo naman sinabi yon?”

“Kasi po kung sino man ang tutulong sa paggawa ng Ad nung department na yon bibigyan ni Grandama ng discount sa tuition this sem.”

“ADIK? DISCOUNT AGAD?! PERO TALAGA?! HULOG KA NG LANGIT JAMESSS!”Hinug ko si James. I know, gaaay. Pero malaking tulong na ito samin noh. Grabe. Hahaha. Matutuwa sina mama neto. Ewan ko lang kung maaayos ito.

“Alam ko. Kaya maging mabait ka sakin ha." Hinampas ko tuloy.

“Aba, pag-iisipan ko. Teka, kelan pala ako magsisimula?”

“Darating na daw yung head nung president maya-maya. Tapos pede rin kayong magconsult sa mga adviser. Ge, alis na ko. May klase pa eh.” At umalis nga si James.

Antagal kong nag-intay doon. Mag-iisang oras na nga eh. Kaya napagpasyahan kong umalis na muna.

Inaantok na ako. Aba eh napakatagal ko dineng nakaupo sa office, tas wala naman yung dadating na kakausapin ko raw. Parang nag-iintay ako sa wala e.

So I decided to go na. Pero saktong nung tatayo ako, may dumating.

And guess who?

Opo. Si Pepi nga.

“Oh, you again.” Wow. What a greeting.

“Is that how you greet a friend?”

“Eh? Friends na pala tayo?” PMS uli?

“Oo, diba?”

“Bakit ka nandito?” Iniba usapan. -____-

“Shouldn’t I ask you that? Nauna ako rito eh.”

“Hinahanap ko yung gagawa ng ad namin para sa quiz bee ng org namin.”

“I’m that guy you’re looking for.”

Tiningnan nya ko head to toe. “Reeeeeeally?” ANG THICK MO, TEH!

“Onga! Advertising Arts student ako oh.” Pinakita ko yung I.D. ko sa kanya.

“Eh okay. Here’s the ideas for the ad. Just submit your design by tomorrow.”

“Ha? Bukas? Grabe naman. Tawad naman oh.”

“Okay, okay. Day after tomorrow. Deal?”

“Deal.”

“Sige, alis na ko. I have to go to class.”

Pero bago siya umalis, hinila ko yung braso niya.

“Bakit ba ayaw mo sakin sabihin ang pangalan mo?” Bitaw siya agad eh.

“You of all people should know why.” I try to look at her in the eyes, pero todo iwas sya.

“Di nanaman kita magets.”

“Because we’re the same, you and I.”

“In what way?”

“You have a shield around your heart and I have an armour around mine.”

Kung ganon, takot din siyang masaktan. Kaya ba ganun nalang niya ma-seclude yung sarili niya? Pero the less siya na magsalita, the more na gusto ko siyang makausap. Normal pa ba toh? Well, ganto naman ako pag curious. Maadik.

“E yun naman pala. So walang problema.”

Tumingin din sya sa wakas. “Ha?”

“Kase, you and I are the same, diba? So napaka impossible na may mangyaring kung anuman. Kasi parehas tayong nag-iingat. Impossibleng ma-fall ako sayo o kaya ma-fall ka sakin, kase yun na yun nga ang pinakaiiwasan natin e. At higit sa lahat, ayaw na nating masaktan. So ano pang problema, ano pang inaalala mo?”

Mukang nagulat naman siya sa sinabi ko. I escalated the conversation too quickly. Pero totoo naman, deba?

Mga 5 minutes na, pero di pa rin siya nagsasalita. Haay. May naiisip ako, pero...bahala na. Kumuha ako ng papel at may isinulat ako.

“Roses are Red, Violets are Blue

I’m sorry for everything, Let’s start this new?”

Tapos pinasa ko sa kanya. Nung una wala siyang reaksyon, pero maya maya mejo ngumiti na siya. Yan, tama yan. Mas bagay sayo.

“HAHA. Di mo naman kelangan gawin yon. Nakakatawa.”

“Ikaw e, ayaw mo magsalita.”

“So ako pa ngayon?”

“Haha. Hinde. Ano, payag ka na ba?”

Di na siya nagsalita. Aish. Di na kita hahayaang mag-isip.

“Hi. My name is River. River Emmett.” Tapos naglahad uli ako ng kamay sa kanya.

Déjà vu na to ah. Ano, wag mo sabihing madededma na naman ako nito? Tinitingnan ko lang siya, tinitingnan niya lang rin ako. In short, nagtititigan kame. Di ko na alam kung gano katagal, nangangawit na nga rin ako e.

Tapos hinawakan na niya yung kamay ko.

I’m Bay. Bay Astrid Villanueva.” Then, she walked away.

Maiintindihan niyo naman diba, pag sinabi kong sobrang nagulat ako? Kasi totoo. GULAT NA GULAT.

---

Authors' Note:

Hello po readers!

Sorry po gawa nabitin kayo nung last update namin. Sorry poooooo! Sana wag kayong bumitaw sa amin!

Oo nga pala. Kami pong authors nito ay lalake at babae. :))

At yan. Sa wakas, kilala na natin si Pepi. Este Bay pala. Hahaa.

Vote, Comment, and Read On!

If I Find YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon