Chapter 8.1: Roses are Red

463 21 4
                                    

Rem’s POV

“ILOOOOOG! Ditoooo!”

Yan ang una kong narinig pagpasok ko ng classroom. Pagtingin ko, si Hans. Aba aba at magkakatabi na silang apat. Kaway pa sila sakin. Oo nga pala, Lit 4 ngayon. Last subject namin. Pero wala pa ring swerte.

“Ang aga niyo ah.”

“Excited lang.”  Sabay peace sign ni James.

“Excited san??”

Bigla silang nagtinginan sa isa’t-isa. Well, except si Theo. May binabasa siya e. NERD ALERT. Pero teka, may mali e. (lol, parang Mirabella lang?)

“Excited lang yang mga yan na magsama-sama uli.” Sabi ni theo nang di inaalis yung tingin niya si libro. Ang hangin bigla, dre?!

Out of nowhere, may babaeng sumigaw. “GOOOOD AFTERNOOOON Lit 4 CLASSMAAAAAATES!”

Akala ko naman e yung teacher na, yung baliwag na si Lois lang pala.

“Oy oy. Maria Clarang hilaw, bat ang taas ata ng energy mo?” –Mon

“Of course!  This is Lit 4, Eng ang subject toh. Baka nakakalimutan mo, English subjects are my forte (pronounced as for-tey).” sabay belat niya.

“Ay. Oo nga pala, palibhasa baluktot yang dila mo e” Sabi ni Mon. Tapos nagtawanan sila nina James.

“Excuse me, I have a normal tongue, you jerks. Palibhasa di kayo fluent mag-english. Street people. Hmff” Pagkatapos non umupo na siya sa row na nasa unahan mismo namin.

Pero sa totoo lang wala na akong pake. Kase nakatingin pa rin ako sa pinto. Saktong pagtingin ko may pumasok.

“Good Afternoon Class.”  Duh. Yung prof yun.

Pero, ay. Bigo.

“I am-“ di na nakatapos ang prof naming sa sentence niya.

*KNOCK KNOCK KNOCK. . . ..KNOCK KNOCK KNOCK KNOCK KNOCK!!*

oo. andami talagang katok. Yung parang nagmamadali. Atat pumasok. At nung binuksan yung pinto. .

“Ma’am *hinga hinga* I’m sorry po, late. *hinga* Pasensya na po talaga”

Bumugad samin ang isang hingal na hingal na Allison. Kala ko naman si ano naaaa…AH! WALA.

“Ms. Bakit kayo late?”

“Ahh. Ma’am, kase po may sinundo lang ako sa office, bago lang daw siya kaya di pa sanay. Sorry po talaga.”

Oo nga pala. Member ng welcoming committee itong si Ali. Sa sobrang friendly naman kasi niya.

“Yun naman pala e, bat di mo agad sinabi! Come in come in!” Ayos na teacher din e.

Tapos ngumiti ng pagkalaki laki nitong si Ali sabay “Tara na! Di galit si Ma’am.” Huh? May kasama pala siya. Sa labas siya nagsabi eh.

Kaya ayun, pumasok siya kasama yung bagong—TEKA. Si Pepi?! Pumasok siya kasama si SUNGET! Tunay ba to??  Pero di ako pede magkamali. Si Pepi Sungit tohhh. Siya talaga toh. Hindi ko alam kung pano magreact, kaya tumungo na lang ako. I pretended to be busy kasi parang pag natingnan ko uli sya, it feels like I am gonna do something embarrassing to myself. Pero tumingin ako sa mga nakaupo, lahat sila nakatitig kay Sunget. Diyosa raw eh, sabi nina James. Ewan.

“Oy tunaw na.” Sabi ni Hans sabay kiliti sa tagiliran ko.

“Tunawin kita jan e. Magtigil ka. Nag-aaral ako.” Tumawa lang siya. Hinampas ko tuloy.

“ALI! Dito na kayo umupo!”- Lois

Tapos nung umupo na sila, SA HARAPAN NAMIN, tas nagsalita na ulit si Ma’am.

If I Find YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon