Chapter Two: Meet The Gang

769 22 3
                                    

Short Update pa lang po ito. Next time, mejo mahaba na siguro. :D

---

Rem's POV

Mga magteten na ay nasa 7-11 pa rin kami ni Mon. Waw. Antagal ni Hansen. Siya na nga nagtext kaninang agahan ko tas sya pala ang late. Aba matinde.

*Kling Kling* (tunog yan ng windchime, haha.)

“Sa wakas.” Sabi ko.

“Boy, nine pala ha? Magaling ka.” Si Mon yan. Ang buong pangalan nga pala niya ay Jim Ramon Sevilla. Electrical Engineering student. 17 years old pero hindi halata. Babyface kase yan at adik nga pala sya 2Fuse. Swerte yan dahil maitsura sya, madami tuloy nagkakacrush.

“Sorry naman. May dinaanan lang ako.” Sagot ni Hansen. Eto naman ay si Hansen Evangelista. Civil Engineering ang course. 19 years old. Gurang na yan e. Ang pinakasikat sa aming lima. Machix yan pero mabait namang tao (weh?). Suki kase yan ng pageants nung high school, at palagi rin syang nananalo sa mga contest na yun. 

Sinwerte yang dalawa sa itsura at katawan. Ako naman, kabaligtaran. Ang taba-taba ko. Buti na lang 5’9’’ ako, kaya di lagi halata. Tapos yung itsurahin ko naman, mejo patapon na. HAHA. Di ako kapansin-pansin. Di rin naman ako sikat. I'm just one of the crowd (anu raw?).

Nga pala, kulang kami ngayon. Bale lima kami sa barkada yung isa si Theodore Guinto, Theo for short. Pero mas gusto namin tawaging Dory o si Bading. Kase, bading nga siya...joke! Psychology Student at 18 years old. Si Theo naman ang pinagpala ng katalinuhan saming lima. Aba, noong high school ay puro contests yan sa Science. Pero weak rin sa babae tulad ko. ^_^v

Yung isa naman, si Leroy James Domingo. Civil Engineering rin ang course at 18 rin ang age. Ang tawag namin sa kanya ay Kalbo o James, pero ang pronunciation (o pagkakabigkas) ay Dya-mes. Nasanay na kami eh. Si James ang tatanga-tanga sa aming lima, ayon kay Ramon (peace!). Maingay yang si Kalbo pag raw kalaro sa DoTA. Pero pag nagkwekwentuhan kame, ang tahimik. Weird, ano?

“Hansen, tamo yung babae.” Si Mon po nagsabi nyan at di ako.

“Maganda?” Si Hansen naman yan. Kapag nag-iisip eh pareho sila, ano?

“Oo. Nakaaway halos ni Rem kanina. Ayun siya oh, yung paalis nang naka-long sleeves.”

Iling lang ako. Ang hilig nila sa babae. -_-

Di naman ako mahilig ah, so bakit iniwan niya pa rin ako? ARGHH. TAMA NA.

“Oo nga. Rem! Puntahan mo, tanung mo pangalan. Bilis!” Hinila ako ni Hansen sa pagkakaupo. Todo palag naman ako at ayaw ko talaga.

“Ayaw ko nga! Sinungitan na nga ako eh. Ikaw na kaya magtanong.” Ang kulit kase naman. Di naman ako nagagandahan dun sa babaitang yun na napakasungit. Di po ako interesado. Kung siya pa yan. Di ako magdadalawang-isip.

Di kalaunan, umalis na si Miss Sungit at sumuko sina Hansen at Mon sa akin.

“Rivy, sayang. Tsk.” Wow. Nagtampo pa siya.

“Onga.” At nag-agree pa si Mon. Bestfriend ko baga talaga are?

“I don’t see anything interesting in her. Why should I even bother?” Boom paneth! Na-english ko tuloy yung dalawa.

“Cold ka kase.”

“Scared pa.”

Di ko na lang pinansin. “Hayyy...ano nang balak niyo ngayon?”

“Wala na akong pera”- Mon

“Kapal mo din e. Di ka na nga gumastos, kinain mo lang yung binili ko. Hayup.”

Bwiset to, siya pa ang nawalan ng pera ngayon at siya pa ang umubos ng pagkain ko. Tapos tumawa lang? Nays.

“Ikaw Hans, anong balak mo?”

“Hi, Camille? Ano, ano?!! Sorry,si Janille ka ba?! Magkaboses kasi kayo. Hehe. Ano ka ba, binibiro lang kita Cecille.”

Anak ng?! Grabeng babaero din nito e. Wala ba akong makakausap ng matino?

“Oy ilog, sorry. May tumawag lang. Ano yun?”

HAAAAY. “Ano nang gagawen?”

“Bat mo sakin tinatanong?”

“E sino bang nagpapunta samen dito?!”

“Laro nalang tayo”

“Alam mo namang di ako naglalaro”

“Sumama ka na lang! Tuturuan ka namin! Masaya yun.”

“Ayoko nga, uuwi nalang ako.”

“Boring mo reber!”

“Wala naman kasi tayong ginagawa! Baka kelangan pa ako ni mama sa bahay. Di kame big time tulad niyo”

“TSS. Ingat ka nalang Rem. Ano, Mon, 1v1 tayo?

---

Authors' Note:

*Ang 1v1 ay One-versus-One po, fyi sa mga di naglalaro ng DoTA. :))

Ah, hello po! Eto na naman kame. Sana po na-enjoy niyo yung update kahit wala pa masyadong momentum sa lovelife ni Rem. Basta, malapit na yan. HAHA.

Intay lang po kayo. Vote, Comment and Read on!

God bless po!

If I Find YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon