Chapter Four: Full House

598 17 1
                                    

Rem’s POV

11:37 AM.

Tae naman. Ang aga kong umuwi ngayon. Tss. Nagdodota kase yung dalawa. E apat na pala sila. Nagpakita bigla yung dalawang gunggong. E di naman ako marunong niyang dota. Ilang beses na akong niyaya nung mga yon na maglaro raw ako. Pero, ayaw ko talaga. Si Theo nga, sabi ay tuturuan daw ako. I refuse to. Baka maadik lamang ako ‘no

Pagkadating, tumambad sa akin ang regular sight sa bahay namin.

Si Mama, nagluluto.

“Rem, ‘toy, ba’t ang aga mo? Kala ko may lakad kayo?”

“Anla, tinamad na ako.”

“Sabi na nga ba eh.” At tumawa pa ang lukaret kong nanay. Alam rin niyang nasa buto ko na ang pagiging tamad.

“’Ge lang, ma. Tawanan mo pa ako. Ganyan ka naman. Huhuhu.” Nag-inarte na ako. Haha.

“Iyak lang at ang tagal nang di kita nakikita umiyak.” Waw. Sabi sa inyo luka yan ay.

“Ma naman eh!”

“Joke lang, joke lang. I-hug na lamang kita.”

Si Mama, parang kapatid ko na ‘yan. Ang pangalan niya ay Antoinette Gonzales. Kilala yang pangalan na yan kase may mejo mataas na posisyon yan sa public highschool nila. Math major sya kaso minalas ata ako at hindi ko namana ang galing niya sa hinayupak na subject na iyon.

“Nasayang lang ang pamasahe mo.” Sabi ni Dad.

“Hindi naman ah. Kumain naman kame.”

“May pagkain naman dito ah. Bakit gumastos ka pa sa fastfood?”

“Yaan mo na Dade. Nagawa ko na.”

“Rem naman. Sa susunod, magtipid ka.”

Ugh. Si Dade naman. Minsan nakakainis talaga, pero love ko yan. Old-fashioned lang kasi siya kaya di niya maappreciate ang mga pasyal-pasyal ko. At least nga, I am socializing.

Ang tatay kong iyan ay si Juan Nicifero Gonzales. Ang taray ng name, ano? Matanda na kasi siya. Retired college prof siya sa Heatherfield University, ang college na pinapasukan ko ngayon.

Sa totoo lang, mejo di kami close ni Dad. Ewan. We don’t show affection and care to each other anymore like we do when I was younger. Halos bawat maliit na bagay ay napag-aawayan na namin. Dati naman eh ang bait nya. I don’t know what happened.

Looking on the positive side, may magandang love story ang mga magulang ko. Mala-destiny nga eh. It’s a bit long kaya naman ay sasabihin ko na lang ang short version nito.

Nagmeet sina Mama at Dad sa Heatherfield U. College student si Mama at si Dade naman ay prof na dun for I think ay fifteen years? Ayun. Mom took one of Dad’s subjects.

 Sabi ni Ma ay si Dad daw ang pinakagwapong prof na nakita niya sa HU. Si Dad naman, may gf noon kaya he never noticed Mom. Pero, the universe kind of made a big move at nagbreak sila ng gf niya. Biglang nanligaw raw si Dad after.

Tas yun, sinagot-engaged-kinasal. I’ll give the details later on.

“Rembong, kunin mo nga yung ice cream sa ref. Uubusin ko na.” sigaw ni Ate. Matakaw rin ang ate kong iyan.

“Kunin mo, ikaw naman kakain ah.”

“Ang ganda ng pwesto ko dine sa sofa, tapos pagagalawin mo pa ako? Bili na…” Kadadating ko lang inuutusan na ako. At dahil mabait nga ako, edi susunod naman ako.

Ang ate kong iyan ay si Jane Elondra Gonzales. Jane ang tawag ng marami sa kanya pero sakin ay siya si Dragona. Niloloko ko kaseng mabaho ang hininga kaya yan ang tawag ko kay Ate.

Si Ate Jane, boyish yan. Ewan ko nga, baka tomboy na. Wala talaga kaseng lovelife sa tinala ng 19 years ng pagiging tao ng babaeng yan. Namana ko ata dito ang katakawan, pero ang naiba lang ay di siya nataba.

Actually, tatlo kaming magkakapatid. Si ate Jane lang andito sa Pinas. May isa pa kaming kuya, si Kuya Erron. But we are not allowed to talk about him in the house.

Moving forward, aba. May mantsa ng slurpee ang damit ko. Most probably, si Miss Sungit ang may kagagawan nito. WTH yung babaeng yon. Tatae-tae baga. Inofferan na nga ng tulong, tinanggihan. Tas ngayon, mantsa sa napakaganda kong damit? WTH talaga, ano?

Maganda pa ang adjective na ginamit nung dalawa kanina dun sa mataray. Well, for me, it’s snobby-ish. Sorry. Pardon me for being rude. Di naman talaga ako ganto eh. Maybe her leaving me changed it all. She left me hurting like hell. That's why I've put a shield around my heart. Some people would say ang arte ko. But there is no way in hell that I'm letting anyone shatter it. 

AHH! Bakit ko pa ba binabalik yon? Tae ka Rem. Tigil na! 

Argh. Nakakainis yung babaeng napakasungit kanina. Luka talaga eh.

Hala.

Bakit ganun?

It seems like…

…hindi ko maiwasang isipin ang lukang iyon.

---

Authors' Note:

Hi readers! Sorry po kase short lang yung update namin.

Siguro pag dumami kayo, lalo kaming gaganahan magsulat. HAHA. ^_^v Joke!

Sana po eh wag kayong tumigil sa pagsuporta sa amin.

Please vote, comment, and read on!

If I Find YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon