Chapter Ten: Field Impressions

374 20 3
                                    

Bay’s POV

“I’m Bay. Bay Astrid Villanueva”

Aish. Bwiset. Di ko naman talaga gustong sabihin sa kanya yon e. Pero talo nanaman ako sa kanya e. Bat ba kailangan lagi siyang may point pag nagsasalita?

Sinabi ko lang naman yung fake name nay un para layuan na niya ako. Marami kasing mga lalaki ang natu-turn of pag panget ang pangalan ng babae. Isa pa, I don’t want anything to do with him. Pero, wth?

Napaalis tuloy ako ng di oras. Wala naman po kasing nakapagsabi sakin na lalaki pala yung tutulong sakin sa paggawa ng Ad. Hindi lang pala basta lalake, yung lalakeng pinagpanggap kong boyfriend ko. -_- Mamaya kung ano pa isipin nun, pero hindi naman siya clingy e. Di nga niya binabanggit yung nangyare nun. Baka naman wala lang talaga siyang pakielam, sana  nga ganun nalang.

“Hi Bay!”

“Hello Ate Ganda!”

“Ms. President! Kamusta ka?”

Ganan lang mga bati nila sakin sa corridor. Di naman ako suplada, kaya nginingitian ko sila. Snob lang talaga ako sa lalake. Akala mo kasi kung sino silang magagaling. Oo nga pala. Isang linggo na rin ako dito napasok, mejo marami na akong kakilala. Pero kakilala lang, wala ako masyadong kaibigan.

“Mukang nageenjoy ka na a? Iba na talaga. Hahaha. Pano ba Ms. Pede ba makipagkilala sayo?”

Uupakan ko na sana e. Pero pag tingin ko…

“Whoa whoa. CHILL. Ako lang toh. HAHAHA Di ka pa rin nagbabago Astrid!” Si Lois lang pala. Haaay. Para naman kaseng tenge nagboses lalaki pa. Isa si Lois sa napakaunting bestfriends ko. Ay hinde, siya lang pala ang bestfriend ko. Kababata ko si Lois. Business partners kasi mga magulang namin. Parker-Villanueva merger, kaya matagal na kaming magkakilala. Haha.

“At baliw ka pa ren.”

“Magandang baliw naman ako. Nga pala, ang bilis mo sumikat ha.”

“Sinong bestfriend mo ang di sikat Lois?”

Napatawa naman siya. “Anyway. Mabuti naman at nakakacope ka na dito. Ano, may friends ka na ba? Wag mo sabihing ako pa lang din? Come on Astrid .”

“Well, actually ikaw at may isa pa. Muka siyang mabait. Allison ang pangalan. Yung kasama sa welcoming committee?”

Yes. Mabilis napalapit yung loob ko kay Ali. I have just known her for more than two weeks ata. But it seems like kilala ko na siya noon pa. Siya ay si Allison Hernandez. Communication student nga ba? Ayun. Tapos eh napaka-active niya sa mga organizations dito sa H.U.. Hobby niya ang manood ng movies, kaya siguro kami nag-click.

“AH. Oo! Si Ali! Mabait nga yun! Tarang maghangout minsan. Tayong tatlo!”

“O sige, I’ll try kapag may oras ako.”

“Tarang magsama pa ng iba?”

“Uh siguro next time na lang pala.”

“Nako. Alam ko na yang ganan mong pananalita. Sige. Tayong tatlo na lang!”

I have many acquaintances. Di ako nahihirapan maki-belong. But I have a very few friends. Sobrang unti. Ewan ko, Hirap kasi akong magtiwala.  Kaya kahit mejo kilala man ako, at mayaman, I can’t help but feel alone sometimes. Scratch that, I feel alone all the time. Lalo na nung iniwan niya ako.

”Nga pala Lois, sinong marerecommend mo sakin?”

“WOW! Magmomove on ka na Astrid!? Good, good. Kung ako sayo, yung captain ng basketball team, gwapo yun saka single-"

If I Find YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon