PLaRO- Chapter 13 " REPLY "

438 7 5
                                    

JERO POV

                   Paglingon ko sa likod ko habang nilalasap pa ng katawan ko ang lamig ng sahig  ng koridor ay ..."NAKNAM!"...."Pusa lang pala!" at tumayo ako ng dahan dahan at pinagpag ang sarili ko pero napagisipisip ko sino yung sumigaw ng pangalan ko?. Nagtatakbo ako ng nagtatakbo sa koridor para tignan kung sino ang sumigaw pero wala akong makitang tao. Ok lang na maglagalag ako dito haha nakatakip naman ang mukha ko. Kailangan ko nang umalis at may klase pa ako..Sana guni guni ko na lamang yung narinig ko kanina. Tumakbo ako papunta sa banyo sa 1st floor. Sinigurado kong walang tao bago pumasok sa isa sa mga cubicle. Tinanggal ko na ang takip sa aking mukha at nakahinga na rin ako sa wakas. Binuksan ko ang pinto ng cubicle at tinitignan ko kung may tao sa loob ng C.R , "Ayos, walang tao" at lumabas ako ng cubicle . Paglabas ko ay "Hoy! bes anong ginagawa mo diyan? Bakit di ka pumasok sa first subject natin?" yan ang bungad niya sa akin ..halos magulat na lamang ako dahil nasa likuran ko lamang siya. Humarap ako dahan dahan at ngumiti sa kanya."Anong ginawa mo at na late ka bes? Wahahaha " kutyang tanong niya sa akin. Ano ba pwede kong irason sa bestfriend ko para tigilan na niya ang kakatanong sa akin. Mabilis akong nakaisip ng irarason at ito ang sinabi ko. "Nanlalake ako bes." pabulong kong sabi sa kanya. "ANO? ANO SABI MO? NAN..." tinakpan ko kaagad ang bibig niya baka gumawa pa ng skandalo at gumawa pa ng issue dito sa school. "Joke lang ,eto naman bes di ka na mabiro. Nasira kasi yung tricycle na sinasakyan ko. ganun ...ayun po yung dahilan.. gets?" yun ang sinagot ko sa kanya. "Ganun ba? tara bilisan mo na maghugas ng kamay best at pumasok na tayo sa second subject.". Binilisan ko nang maghugas ng kamay para kunwari ay umihi talaga ako sa banyo ahah. Sa totoo lang nahihiya na ako sa bestfriend ko na nililihiman ko siya, ewan ko kung bakit hindi ko sa kanya masabi. Basta sasabihin ko naman sa kanya ito sa tamang oras at panahon. Siguro ay maiintindihan naman niya ako bilang kanyang bestfriend. Sabay na kami pumasok ng bestfriend ko sa second subject namin. Siyempre puro lecture at seatworks ang ginagawa ng mga mabubuting estudyante na tulad ko kung isasama ko pa dito sa kwento ko ang pinaglecturan namin wag na baka tamarin ka pa ahha..kadugo sa ilong!. Basta't magaral lang naman ng maigi maiintindihan mo yung lesson.

               Pagkatapos ng klase namin ay sabay sabay kami ng aking barkada na naglunch. Inilabas ko ang phone ko at nakita kong nagreply siya. Kagabi pa pala siya nagreply kaya habang naglalakad kami ay dahandahan kong binagalan hanggang sa naging nasa likod na nila ako. "Ok lang po ako, Good night Jero." eto ang text niya sa akin. Siyempre inlababo ako sa kanya siyempre reply naman ako agad , "Magandang tanghali Colby!! I'm glad na ok ka ehhe...may gagawin ka ba mamaya? Yayayain sana kita lumabas if ever na wala kang gagawin mamaya" heheh niyaya ko na siya wala naman kasi akong gagawin mamaya at saka gusto ko siya makita ulit at makausap ng personal yung walang nakikiusyoso. "Bes? Ano nanaman yan ? bagal mo maglakad gutom na kami oh..kung sino man yan makapaghihintay naman yan sa reply mo!" tawag sa akin ni Patrick. "Opo,eheh inis agad?" Akbay ko sa kanya at "Wag ka na inis Best ko please...." sabay sundot ko sa tagiliran niya at binawian din niya ako sa aking tagiliran. "OI, tama na nga yang bromance ninyo at nagugutom na ako. Kapag ako nagutom ililibre ninyo akong dalawa." saway sa amin ni Sahara." Tara na bes ..wala sa part ng allowance ko panlibre natin kay Sahara ..BWAHAHAHAH" bulong sa akin ni Patrick. "HOY! PATRICK BUBULONG KAPA ? NARINIG KO YON! ..WAAAAAAAHHHH" sigaw ni Sahara at hinabol si Patrick. Daig pa ni Sahara ang Babaeng amasona sa bilis tumakbo. "WAAAHAHAHHHHH! Pagnahabol talaga kita Patrick mata mo lang ang walang latay! Swerte ko ngayon at nandito na tayo sa labas ng school at pwede na kitang bugbugin!" sigaw ni Sahara habang hinahabol si Patrick. Lahat ng tao napapatingin kay Sahara dahil sa ginagawa niya. "GO! ate kaya mo yan!" kantyaw ng iba. "MEN! dapat ganyan ang girlfriend mo konting mali mo lang bugbog ka na haha!!!" sabi naman nung mga lalaki na nakatambay sa labas ng computer shop.Nakapasok na si Patrick sa loob ng kainan.Tumakbo din kaming mga naiwan at pumunta na sa aming suking karinderya. Pagpasok namin sa karinderya ay nakita ko ang bestfriend ko na sinasapo niya ang kanyang ulo gamit ang kanyang mga kamay. "Yan kasi eh, alam mo naman ang ugali ni Sahara EH. Sa lahat ng panahon na pwede mo siyang biruin wag lang sa panahong gutom yang babaeng iyan." sermon ni Dolly sa bestfriend ko. "Si Sahara?" tanong ko sa bestfriend ko habang siya ay iniinda pa din ang sakit ng kanyang bukol sa ulo. "Ayun!" sigaw ni Dolly at tinuro sa akin ang kinaroroonan ni Sahara at siya'y pinuntahan namin sa kanyang table. Kumakain na pala siya at hindi man lang kami hinintay. Hindi ko na biniro si Sahara baka matulad pa ako sa masalimuot na dinanas ng bestfriend ko sa kanya. ahhaha..Umorder na kami ng lunch namin at bumalik sa table ni Sahara. Naawa ako sa bestfriend ko dahil hawak pa rin niya ang ulo niya, Nasobrahan ata si Sahara. Kumain na ang barkada at si Sahara naman ay kumalma na dahil nabusog na siya sa kanyang kinain. Nagsorry na siya kay bestfriend at ganoon din ang bestfriend ko sa kanya.

PLaRO [boyxboy]COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon