PLaRo - Chapter 22 "Adjustments "

170 3 0
                                    

Colby POV

          Tapos na ang bakasyon at tapos na rin ang mga araw ng pagsiyesiyesta haha.  Pasukan nanaman at makikita ko nanaman ang team. Kung tutuusin di ko naman sila namiss dahil di ko naman kasi sila kaclose ng masyado. Wala kaming training ngayon dahil simula pa lamang ng araw ng klase. Magreresume lang siguro next week kapag nakapagadjust na ang utak namin mula sa bakasyon. Maybe this day is a typical day pero sa akin ay hindi.  Umagang umaga kasi ay may kumakalabog sa pinto ng kwarto ko . First time may malakas ng loob na nanggambala sa natutulog na higante. Nagiinatinat pa ako at nagpupungas pungas pa. Wala pa ako sa mood para magisip kung sino ang hinayupak na nasa likod ng pintuan.

         Habang papalapit ako ng papalapit sa pintuan ay palakas ng palakas ang pagkatok. Sa sobrang inis ko ay pagkabukas ko ng pinto ay sisigaw na sana ako ng ..." oi magayos  ka na at late na tayo!" turan ng taong nasa  harapan ko ngayon. Natameme lang ako sapagkat ito yung unang araw ay sinundo ako ng Kokey ko. "Nak mukhang araw araw tayo magpapalit ng pinto para magising ka lang hahaha... pagkatapos mo magayos ay kumain ka muna ng maayos." sabi naman ni mama at bumaba na siya. Si Jero naman ay nanatili sa harapan ko at ngumiti, pumasok na lamang siya sa loob ng kuwarto ko.

         Naligo lang ako ng mabilisan at paglabas ko ngbanyo na nakatapis lang ay nakikita ko nanaman ang troso ni Jero. Nakatingin nanaman ang ungas sa akin.."Aga aga tigilan mo ako ah haha. at binato ko na sa kanya ang tuwalya. Pero nanlumo siya noong nakita niya n nakabrief na ako hahaha..AKALA NIYA HAHA...

          Niyaya na siya ni mama kumain ng agahan at di siya makatanggi. Sabay na kaming pumasok ng school. Pagpasok namin sa school ay nandoon na agad ang mga classmates niya. Lumapit siya sa akin at bumulong "Ingat ka Dams ko. Iloveyou."  Napangiti na lamang ako sa narinig ko. "Iloveyoutoo" tugon ko naman at umalis na siya. Ako naman ay dumeretso sa gymnasium para magtraining. Pagpasok ko sa loob ay bakit biglang sobrang ingay yun pala ay birthday ni coach kaya no training day at happy happy muna kami ngayon.

          After ng training ay sumulyap muna ako sa kuwarto ni Jero , pagkatapos ay naglakad na rin papalayo patungo sa klase ko.

JERO POV

          Nakita ko ang Dams ko na sumilip sa pinto ng classroom namin. Di siguro makatiis na di ako makita haha. Mamaya pagkatapos ng klase ay susunduin ko pa siya. Hehe gawain ng mabait na boyfriend haha..Kinuha ko ng palihim yung phone ko sa bulsa ko at tinext ko ang Dams ko ng palihim. Delikado na baka makita ako ng prof namin na busy magkwento ng buhay niya na di ko alam kung ano ang connect niya sa financial Ratio.

         after class ay nagpaalam ako sa grupo na may pupuntahan lamang ako saglit. Pinayagan naman nila ako kaya pumunta na ako sa HM building at hinintay sa lobby ang Dams ko. Nagtext ako sa kanya at tinanong kung anong oras ang lunch break nila. Sabi niya sa text ay mga 12 ng tanghali kaya naghintay ako sa kanya hanggang sa ganoong oras. Sa ilang minutong paghihintay ay nakita ko na siyang bumababa ng hagdan at may babae na nakalingkis sa kanya...The good news is di ako magseselos nu? Dahil alam ko na ang Dams ko ay may allergy sa tahong at mani hahahaha...Mula sa malayo pa lang ay napangiti siya hudyat na gusto niya ang nakikita niya at AKO iyon. Peace. Nagpaalam na siya sa kausap niya at tinanggal niya ang pagkakamighty bond ng kamay ng babae sa braso niya. Pagkalapit niya sa akin ay inakbayan ko siya at lumabas na kami ng school premise para kumain.

          Pagdating namin sa "KAHIT SAAN KARINDERYA" ay nagorder na kami at kumain. Pagkatapos namin kumain ay nagpahinga kami saglit. Hiningi ko nga sa kanya yung kopya ng schedule niya sa school na kahit papaano ay alam ko kung anong oras ko siya susunduin. Hinihingi din niya yung akin pero hindi ko ibinibigay ang akin. "DAYA MO! PEKTUSAN KITA DIYAN EH ..SIGE NA !" pamimilit sa akin ni Dams. Wala akong balak ibigay sa kanya. Unang dahilan ay may mga prof na pasaway na di sumusunod sa sched, "see me at toootoootootooot" ganun. haha. Second is Para ako lang ang susundo sa lovey dovey Dams ko. Pag nalaman niya kasi sched ko baka mamaya ay hindi na pumasok si Dams ko at sundan na lang ako dahil namimiss na niya ako,conceited haha. Di kami masyadong PDA kasi alam kong may image dito sa school na inaalagaan ang Dams ko pero kung ako lang ang masusunod ay lagi ko siyang yayakapin, hahalikan kahit anong oras ko man gustuhin kaso alam kong hindi pwede. Alam ko kase na hindi parepareho ang takbo ng utak ng tao. Sa mata nila, ang pagiibigan ng dalawang taong may parehong kasarian ay MALI. Pero ang masasabi ko lang ay kung alam ba talaga ng tao ang kaibahan ng tama sa mali. Gumagamit o ginagamit nila kasi ang pamantayan ng mundo sa pagklasipika ng pagitan ng tama at mali. Bakit sa ibang lugar ay ok lamang ang tulad natin pero pagdating dito sa Pilipinas ay hindi. Ibig sabihin kultura o kinagisnang buhay lamang ng tao ang pinagbabatayan nila.  Noong new year ay sinabi niya sa akin na sana ay wag kami mag PDA sa labas lalo na sa maraming tao. Mas kumportable siya kung ituturing ko daw siyang tropa sa kahit saan mang lugar na matao. Di ako pumapayag kaso naalala ko ang kapakanan niya kaya sumangayon na ako.

          Everyday ay sabay na kami pumapasok sa school. Mas maaga nga lang ako nagigising para pumunta sa bahay ng Dams ko ay gisingin siya. Dumadalang ang pagtetext namin,MALAMANG HAHA LAGI KAMI MAGKASAMA... Kapag biyernes ng gabi hanggang buong araw ng sabado ay doon siya sa bahay namin natutulog. Legal naman kami sa parents ko eh..kaya ok lang kaso ang alam ng parents ng Dams ko ay magbestfriend lang kami. Halos sa cabinet ko naman sa kuwarto ay may mga mangilanilan siyang gamit. Nagpapaturo na rin ako sa kanya ng ilang subjects tulad ng LOGIC. Logic yung subject na lalong pinapahirapn ang buhay ng tao sa pagiisip at lakas makawala ng COMMON SENSE haha.

          Pag magbobonding naman kami ay puro biglaan. Di kasi natutuloy kapag planado. Minsan megamall kapag may konting pagkatamad, malapit lang kasi haha at kapag ginanahan sa MOA naman kami,Seaside ang paborito niya at dun kami naghihintay na makita ang kahel na kulay ng langit habang papalubog ang araw.

           Mahirap pang gamayin ugali ng Dams ko haha sa lalong tumatagal na magkasama kami lalong lumakas din ang saltik sa ulo. Nahawa na ata sa akin hahaha. Yung tipong sa mall umiihi ako biglang pipitikin ari ko tapos kapag ako naman gumaganti ay di yan mamamansin ng ilang oras . Pero alam ko din ang pangpakalma sa saltik ng Dams ko, ice cream lang sapat na. Minsan bumabanat din siya , kapag badtrip  ako bigla ka na lang matatawa sa mga sinasabi niya na kesyo nalulunod ang isda at napipilay, giraffe na may stiffneck, at ginagaya niya ng patawa yung jejemon na term na "IKAW LANG SAPAT NA !" pero in style bg jejemon na ipropronounce niya by letter ng may pagkaslang at may diin. "1Q4W l4N6 54ptcx NaH!" haha

BASTA ANG DAMS KO LANG ANG KALIGAYAHAN KO.

)...........to be continued......

nahh 3rd year 1st sem done...ung 3 thesis at isang miniature ..taob haha

sembreak na kaya dirediretso ituuu..

:)  thanks you sa lahat ng nagbabasa at sa mga nag vovote :)

trident

PLaRO [boyxboy]COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon