PLaRO -Chapter 21 "The Bomb"

133 2 2
                                    

THIRD PERSON POV

        Madalas naguusap sina Colby at Jero sa Phone. Bago sila maghiwalay noong nakaraan ay inanyayahan naman ni Colby si Jero sa kanilang bahay sa bagong taon. Nagpaalam na din naman si Jero sa kanyang mga magulang na mananatili siya kina Colby sa araw ng pagsalubong sa bagong taon. Hindi pinalagpas ni Jero ang mga araw na hindi niya binibigyan ng UTI si Colby. Kilig ang ibig sabihin ko hahah ...Sa sobrang kilig ay nakakaihi yun hahah kaya nagcame up sa UTI haha joke. By the way yun na nga araw ng huling araw ng taon ay madaling araw pa lang ay gumising na si Jero at nagayos ng kanyang mga gamit. Halatang hindi siya excited makita ang asawa niya. Biruin mo nakatulog siya ng ala una ng madaling araw pagkatapos ay nagising ng alas singko ng madaling araw!  4 hours lang ang tulog niya. Inlababo lagi si gago eh haha. Lumabas si Jero upang bumili ng pandesal sa kabilang kanto at nagmadaling umuwi ng bahay. Eh ang usapan pa naman nila, mga tanghalian na siya pumunta kina Colby para makasabay na siya sa pananaghalian. Kaso sa pagpunta doon ni Jero ay may kundisyon. Matuto siyang magtimpi hahah dahil kasi hindi alam ng magulang ni Colby ang tungkol sa kanilang dalawa. Bale ipapakilala siya bilang bestfriend pagdating niya sa bahay nila Colby. 

                Hindi maiwasang magisip si Jero kung ano ang mangyaring mangyari sa kanila mamaya. Kung anu anong mga maaring mangyari pagkatapos ng tagpong iyon. Maraming mga konklusyon na nabubuo sa kanyang isipan at hindi niya maiwasang mangamba. Alam niyang huwag siyang dapat mangamba sapagkat ipapakilala lang naman siya bilang bestfried. Kaso alam din niyang darating ang panahon, kung pahihintulutan man ay malalaman at malalaman din ng mga magulang ni Colby kung anong meron silang dalawa. Natatakot siya na baka kung dumating man ang araw na iyon ay maghiwalay sila kung hindi sasangayon ang mga magulang ni Colby. O baka maaring dumating din yung araw na tanggapin din sila ng pamilya ni Colby ng walang pagaalinlangan sa kanilang relasyon. 

         Nagtext na si Jero kay Colby na papunta na siya.  Halong kaba at tuwa ang nararamdaman niya ngayon. Kaba dahil sa mga naiisip niya kanina at tuwa sapagkat magkikita nanaman silang muli ng kanyang iniirog.  Pagdating niya sa bahay nila Colby ay hindi niya maiikailang may kaya din sila Colby. Nasa maayos na bahay at lugar ng tirahan. Nagdoorbell siya at wala pa ring lumalabas. nagdoorbell siyang muli at nakita niyang bumukas ang isang bintana sa second floor. Natanaw niya ang isang tanawin na kung saan ay di siya magsasawang pagmasdan. Ngiti, Maaliwalas na mukha at galak na nakikita niya sa mga mata ng taong nakikita niya ngayon. Ang taong nagpakita sa bintana ay kundi si Colby. Sumenyas sa kanya na maghintay saglit. Naghintay siya ng ilang minuto at nakita na niya si Colby na lumabas ng pinto at naglakad patungo sa kinaroroonan niya. Pinagbuksan siya nito ng gate at pumasok na sila sa loob. 

         Pagkapasok ni Jero ay bumungad sa kanyang harap ang mga magulang ni Colby. Ang papa ni Colby ay nakauwi na ng Pilipinas para ipagdiwang ang Pasko. Napalagok siya ng kaunti, At ngumiti ng pagkatamis tamis. Pinakilala na siya ni Colby bilang bestfriend. Sa batid na ito ni Colby ay napangiti ang mga magulang niya. Pilit hinuhulaan ni Jero kung ano ang mga nasa isipan ng magulang ni Colby. Niyaya na ni Colby si Jero sa Hapagkainan upang masimulan na ang kanilang tanghalian. Magaan naman ang pakikitungo ng mga magulang ni Colby kay Jero. Kaya napadali na kay Jero ang makipagusap sa mga ito. Sa pamamaraan nga nilang magusap  ay di mo mapagkakamalang ngayon lamang sila nagkita kita.  Pagkatapos nilang kumain, ang Ama ni Colby ay umalis lamang daw saglit upang mamimili siya ng mga paputok....haha PAPUTOK..di niya na kailangan bumili kargada na siya eh Loaded na loaded ahah...Si Colby naman ay hindi niya alam kung saan nagpunta. Ang ginawa niya na lamang ay sumama siya sa mama ni Colby at tumulong maghugas ng pinggan. Binawalan pa nga siyang maghugas sapagkat bisita daw siya pero siya na ang nag insist para maghugas. Future manugang naman nila si jero  eh ahha ...tss. Tinanong si Jero ng kung ano ano. Kung paano daw sila nagkakilala ni Colby. Sabi ng magulang ni Colby ay wala pa itong naipapakilalang girlfriend maski kaibigan ay wala pa siyang nadadala sa bahay nila. Si Jero nga daw ang kaunaunahang pinakilala ni Colby sa kanila na kaibigan. Pero ang totoo KA-IBIGAN haha. Pagkatapos ng usapang naganap sa dalawa ay nagpaalam na si Jero na hahanapin niya muna si Colby ang kanyang KA-IBIGAN. Sa paghahanap niya ay di niya ito nakita sa 1st floor kaya tinanong niya sa mama ni Colby kung nasaan ang kwarto ni Colby. Humangos siya sa pagakyat at tinungo niya ang kuwarto kung nasaan si Colby. Kumatok muna siya saglit at narinig niyang may nagpihit ng seradura ng pintuan. Bumukas ito at namangha siya sa nakita niya sa loob ng kuwarto. Di niya inaakala sa itsura at tindig ni Colby ay ganito ang itsura ng kuwarto nito. Ang normal sa mga lalake ay may poster ng NBA, boxing o wrestling stars sa kwarto, mga racing cars o robot pero iba ang laman ng kuwarto niya at lalo siyang namangha at nainlove kay Colby. Puro iba't ibang kulay kasi ng Christmas lights ang nakikita niyang nakasindi sa paligid ng kuwarto na akalain mo ay parang mga bituin dahil itim ang pader ng kuwarto ni Colby, May makikita kang mga cute na stufftoy sa kama niya.  Sina Pikachu, Mokono, Prinplup, Malaking Brown teddy bear na nasa dulo ng kama niya. Mga ibat ibang klase naman ng Libro sa kanyang study table. Yung monitor naman ng computer niya ay puro mga vintage magazine quotes. Sa mga nakikita ko ngayon ay di mo akalaing lalake ang nanunuluyan dito.

PLaRO [boyxboy]COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon