PlaRO- Chapter 16 " The day"

363 7 2
                                    

Colby POV

Tapos na akong mananghalian at nagtext na si coach na magsipunta na kami sa gymnasium. Ininform na raw kasi siya na parating na ang mga taga St.Peter. Kaya umalis na ako at nagtungo na sa campus. Pagkarating ko ng gate ay dumating na ang bus ng mga taga St. Peter at isa isa silang lumabas. Ako naman ay nagpacheck na lamang ng gamit sa guard at tumuloy na papuntang gymnasium. "Ahm bata! pwede bang magtanong?." tanong nung parang coach nila. "Nagtanong ka na nga eh." Pagmamaldita ko sa utak ko. "Ano po iyon?" magalang kong sagot sa kanya. " Alam mo ba iho ang daan papuntang Gymnasium ng school niyo?" muli niyang tanong sa akin. " Ahm bale diretsuhin ninyo lamang po itong daan na to. Kapag nakita ninyo na po yung flag pole. Tapos liko kayo sa kaliwa." sagot kong muli. "Dun na ba?" paninigurado niya. "Hindi pa po , pagliko ninyo sa kaliwa kapag nakita ninyo na ang rebulto ni St. Lucy ay pasok na po kayo dun sa kulay blue na building." haha ginugulo ko pa si manong. Nagpasalamat siya sa akin at sumunod ang mga basketball players ng St. Peter pero may napansin lang akong may lumingon sa akin. Nakita ko sa kanyang varsity jacket pagtalikod niya ang numero 4 at Montejaro.

Pumunta muna ako sa likod ng gymnasium para magpalit ng damit panlaro. Pagkatapos ko magbihis ay pumasok na ako sa loob ay lumapit ako kina Lisboa at Perona. Sila ang mga kaclose ko dito sa team. Nagusap kami ng mga kung anu ano dahil umalis muna si Coach dahil kukunin lang niya ang board niya at gamit. Umupo kaming tatlo at nagkwekwentuhan tungkol sa mga chika babes nila. Nakikwento lang ako haha taga usisa lang ako dahil secretly Im one of the babes lols. Naguusap kaming tatlo nang may naglahad ng kamay sa harap ko. " Hi!, Jeunne (june) Xavier Montejaro , Jeux ( silent x ) for short and you? " pagpapakilala niya sa akin. Tumingin ako at pormal akong napakilala " Colby Sanchez". "Good luck sa game." pagyakap niya sa akin at bumalik na siya sa grupo niya. Tinanong tuloy ako nila Perona at Lisboa na kung bakit parang FC daw si Montejaro. Pinagkibit balikat ko na lamang at pinatawag na kami para mag warm up.

Nagsimula na ang laro, may ibubuga din pala si Jeux. Aminin ko ay nahirapan din ako ng sobra sa kanya. Kung ang height ko ay 6'2 siya naman ay 6'7. Ngayon ko lang naramdaman yung feeling na manliit. Habang naglalaro kami ay nakita ko si Jero na pumasok sa loob ng gymnasium at pinapanuod ako hahaha.Ganda ko nu? pero magpapakalalake muna ako sa ngayon.haha. Etong kumag naman na kalaro ko. Madungis din maglaro eh kainis pero ngiti lang baka maout of focus pa ako sa laro.

Sa pagtatapos ng laban ng St.Lucy at St.Peter , ang nanalo ay ang mga taga St.Peter. Friendly game lang naman eh atleast may nakuha agad na information yung coach namin sa kalaban kung papaano sila maglaro. Lumapit sa akin si Montejaro at "NICE GAME!!

sa uulitin ha!" sabi niya sa akin sabay tapik sa pwet ko. Sanay na ako dun ganun ang apir minsan. Pagkatingin ko kay Jero ay masamang tingin ang binigay niya kay Montejaro haha mukhang nagseselos ang kumag. Kinawayan ko siya at sinenyasan na hintayin niya lang ako saglit at maglilinis lang ako ng katawan at magpapalit ng damit.

Pagkatapos ay lumapit na ako sa kanya sa kanyang kinauupuan nang hindi niya napapansin. "Ang lalim ng iniisip mo? Ako ba yan?" tanong ko kay Jero nung nasa likod niya ako. "Si Colby ko iniisip ko ,at wag kang umasa ok?" sabi niya habang hindi pa din niya ako nililingon. "Tama nga ako. Ako nga ang iniisip mo. Hinay hinay lang baka madama ako sa harap mo." sagot ko sa kanya. Paglingon niya ay kinindatan ko siya at "AY Puta!" napasigaw siya haha... At natameme pa siya at halatang kabado."Bat ka po nandito Jero." tanong ko sa kanya. "Ah.Kak-ka-in sana kit-kit-ta." pautal utal niyang sabi na ikinakunot ng noo ko dahil sa narinig ko. "Este yayayain kitang kumain sa labas" buti binawi niya sagot niya kung hindi ay kakaltusan ko ulo niya. "OK lang naman.Hehe gutom na rin kasi ako eh." sabi ko. "Saan mo ba gusto kumain?." Tanong niya sa akin. "Kahit saan" sagot ko naman. Hinatak niya na lang ako papalabas ng Gymnasium at naglakad papalabas ng campus.

" Nandito na tayo." sabi niya sa akin . "Wahahaha ....akala ko walang ganito. KAHIT SAAN KARINDERYA. lupet ah." manghang mangha ako dahil sa pangalan ng karinderya na kakainan namin ngayon. . "Tara pasok na" anyaya niya sa akin at pumasok na kami sa loob. Pagkapasok namin sa loob ay nagorder na kami at pumunta sa lamesa namin para kumain.

PLaRO [boyxboy]COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon