PLaRo- Chapter 30 "Evidence"

47 0 0
                                    

Patrick POV
      
             Si Colby ililipat na talaga ng ibang school? Sapat na siguro yung narinig ko mula sa loob ng office. I need to do something for Jero. I get my phone from my pocket and dial Dolly's digit. " Dolly I need to tell you something. Ililipat na ng St. Peter si Colby. Wag mo muna sabihin kay Jero baka mabigla lalo. We can't stop his father to do everything pero ang una nating gawin ay mapanagot kung sino nagkalat talaga ng article." Pakiusap ko kay Dolly. "Yes, gumagawa na rin ako ng paraan. Tinetrace ko na yung papaano yung pag process nila ng article. Sabihin ko sa iyo mamaya lahat ng nalaman ko. Kita tayo mamaya dun sa coffee shop sa Bagong Katipunan.7pm sharp." Sagot naman ni Dolly.

          Bumalik na ako sa loob ng college dept. Namin at kinuha na ang mga gamit ko at gumanyak papunta sa lugar kung saan kami magkikita ni Dolly for sure kasama niya si Carla. Sina Jero at ang iba pa ay nakauwi na kanina pa. Halata pa rin talaga sa bestfriend ko ang pagkabalisa sa mga nangyayari.

          Pagpasok ko pa lang ng coffee shop ay kita ko na silang maggirlfriend sa sulok at dun sila nagtable. " Dark Mocha Grande please." Order ko sa cashier ng coffee shop. After ko makuha yung order ko ay pumunta na ako sa gawi nilang dalawa. "Alam ko na Patrick kung sino may pakana ng lahat ng ito. " sambit ni Dolly na kala mo nakahuli ng isang mailap na leon. " Sino?" Usisa ko. " Yung Conrad ng same club kasama si Jero. Ano ba kasalanan ni Jero para gaguhin nung Conrad? May hindi ka ba sinasabi Patrick? I saw him already crying in front of us at sabi mo usapang magkaibigan lang yung dalawa. Kaibigan lang ba talaga?" Tanong ni Dolly sa akin. Dapat si Jero sumasagot nito eh pero kailangan ko talaga sabihin. " Ex siya ni Jero. Nakipag break si Jero sa kanya two days before ninyo siya makitang umiiyak." Sagot ko. "Bakit nakipagbreak si Jero?" Usisa ni Dolly ulit. " kulit ah hahhaha...... nahuli ni Jero si Conrad na may kahalikang iba kaya ayun yung reason kung bakit sila naghiwalay." Paliwanag ko. " I smell ampalaya sa ex ni Jero hahaha" sabat naman ni Carla. Isiniwalat sa akin lahat ni Dolly ang mga nalaman niya. Lahat ng ebidensya siya talaga ang tinuturo. "I invited some people para lalo siya hulog sa sarili niyang kasalanan. Di worth nila Colby and Jero masaktan ng ganito. After natin maayos ang bagay na ito. Sina Colby at Jero naman ang tulungan nating maayos. Okay" sabi ni Dolly.  Pinagusapan namin kung papaano namin pagtatagpitagpiin lahat ng ebidesya pa mas maging matibay laban kay Conrad.

          " Toot tooot toooooot" ring tone ni Dolly na mabantot. "Nagtext si Jero, ang sabi. Tinext daw siya ng secretary ng director para daw pagusapan ang issue. 3pm daw bukas. Mapapaaga ang aksyon nito Patrick haha" tuwang tuwa nanaman si Dolly. Sana maging okay na kahit papaano si Jero bukas. Sana......

JERO POV

          "Wag kang magalala Jero :) malulutas na rin yung una mong problema. After nito eh yung sa inyo naman ni Colby ang aasikasuhin natin. After class natin sa Marketing magusap usap tayo bago pumunta sa Office. Siya nga pala may iaabot ako bukas galing kay Colby. Nakuha ko kahapon noong pumunta sila ng papa niya sa office ni director kanina.See you bespren bukas. Bye!" Text ng bestfriend ko. Bakit kaya pumunta si Dams sa office ni Director eh bukas pa paguusapan ang issue. Di talaga ako makatulog ng maayos. Kinakabahan ako para bukas. "Tok tok tok" may kumakatok sa pinto. "Nak ang nanay to. Pagbuksan mo ako ng pinto alam kong gising ka pa." Ang nanay. "Sandali lang nay" agad akong tumayo mula sa pagkakahiga at pinagbuksan ng pinto ang nanay. "Nak eto may dala akong gatas. Para makatulog ka" gumawad sa akin ang ngiti ni nanay. Nilapag niya ang baso ng gatas sa isang maliit na lamesa sa tabi ng aking kama. "Anak may gusto ka bang sabihin sa akin?nandito lang ako para damayan ka." Tanong sa akin ni Nanay. Hindi na lamang ako nakasagot. Yumakap na lang ako kay nanay at iniyak ang lahat. Nilabas ko lahat kay nanay ang problema ko. Lahat ng sakit, lungkot. Lalo na ang tungkol sa amin ni Dams. Habang tumatagal ang bawat araw na hindi kami nagkikita ay siyang parang may nawawala sa akin piraso sa puso ko. "Nak kahit magbasa man ang aking daster at maguhog ka man diyan. Mahal ka ng nanay tandaan mo yan. Nandyan din ang tatay at pati ate mo. Mga kaibigan mo ay nandyan din para dumamay sa inyo. Sasaan pa't may balak ang Diyos para inyo. Sabi nila ay kasalanan daw ang pagiging bakla at magmahal ng kapwa lalake. Pero ang pagibig ng Diyos ay para sa lahat. Yun lang naman ang kasalanan na ginawa ninyo na kung saan wala kayong naapakang ibang tao. Ang pagibig ninyo ay tama hanggat walang nasasaktang ibang tao. Walang nayuyurakan na buhay ng nino man. Bastat masaya ka doon supportahan ka ng nanay ha. Tahan na anak, kay gwapo  mong iyakin. Hahahha" natawa na lamang ako sa sinabi ng nanay na siyang kinaginhawa naman ng aking damdamin. Napagpasyahan ko nang ubusin ang gatas na dala ng nanay upang matulog at makapagpahinga para bukas.

PLaRO [boyxboy]COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon