PLaRo - Chapter 20 " The Antagonist"

233 4 7
                                    

COLBY POV

          Yeah! Katol pa.hahaha..sorry guys kung ganito ako. Hyper lang kasi dahil sa dalawang dahilan. Una ay magkikita kami ng Kokey ko ngayon at pupunta ako sa bahay nila ngayon. Miss ko na siya ng sobra. And the next is yung natuklasan ko kahapon wahahaha. Malalaman ninyo mamaya.

          Pumunta kasi ako ng mall kahapon at namili ng mga ingredients ko sa ginawa kong red velvet cake at Brazzo de Mercedes puro ITLOG! haha my favorite. Ngayon ay nagtatanong si mama kung para daw kanino yung cake. Kasi first time ko daw gumawa ng cake na ibibigay sa ibang tao. Usually kasi dati kapag gumawa ako ng cake sa bahay, ako lang at si mama ang kakain. Ngumiti lang ako kay mama at nagpaalam na pupunta lang ako sa isang kaibigan.

          Sumakay ako ng Tricycle at sinabi kay manong kung saan ang bahay nila Kokey ko. Tinext kasi niya dati sa akin yung kanilang address. Nagtext ako kay Kokey ko na malapit na ako. Nagreply naman ang kumag ng "Bilisan mo ah at magingat ka papunta sa puso este dito sa bahay :)" Alam mo yung corny pero pagmahal mo na yung nagtext, daig mo pa yung umihi ng isang drum sa kilig. Pati cellphone ko vibrate ng vibrate. Sa sobrang kilig ko, ayun nalaglag sa kalsada. "SHIIT! Manong pakihinto yung tricycle." sabi ko kay manong at naghuhumirintado akong tumatakbo sa kinaroroonan ng pinaglaglagan ng phone ko. Pinulot ko ito at pinunasan. Buti na lang walang gasgas at barag. May silicon kasi pero kung iisipin ko, ito rin kaya yung silicon sa pekeng dibdib ng mga babae haha! Yung cellphone ko may lahing Nokia 3310. Barag at wasak kasi  yung pinagbagsakan ng phone ko. hahaha joke lang! Sorry kung hyper ako ngayon. Nakakatol kasi ako yung Bao-ma haha.

          Pagkababa ko sa tricycle ay nagbayad na ako kay manong. Kumatok ako sa gate nila at may "JEEERRROOOO! yung panty ko na rainbow nawawala!" sigaw nung babae mula sa loob. Kumatok pa ako ng ilang ulit at may lumabas na isang babae na naglakad patungo sa kinaroroonan ko. " Ikaw ba yung bisita ni Jero?tara pasok ka!" paanyaya sa akin nung babae. Pagpasok namin sa pintuan ay nagtanggal ako ng sapatos. "Thank you po!" pagpapasalamat ko sa babae. "Ako pala ang mama ni Jero, halika at maupo ka na dito sa upuan at saktong luto na ang tanghalian dahil sabi sa akin ni Jero ay may bisita siyang darating, Tawagin mo na lang akong Mama There (Tere)." pagpapakilala niya sa akin at ngumiti. Pumunta siya sa kusina at titignan daw  ni Mama There ang kanyang niluto at nang maihain na. Habang naghihintay ako ay nagtungo ako sa kusina upang  tignan si Mama There at sabihing  ayusin ko na ang hapagkainan. FC na FC ko na nu? haha Feeling Close. Tinanong ko kay Mama There kung ilan ang kakain at siyang bilang naman ng mga Plato, Kubyertos,baso at Placemats na aking inayos. "Nasaan sila Mama There?" tanong ko kay Mama There habang inaayos niya ang kanyang mga niluto sa lamesa. "Yung asawa ko, may binili lang sa labas. Si Clarita naman yung ate ni Jero ay nasa kuwarto. Si Jero naman ay bumalik sa kwarto niya."

          Ayos na ang hapagkainan ay dumating yung papa ni Jero at ang sama ng tingin sa akin at nagbasa ng diyaryo. Sumunod namang dumating ay ang ate ni Jero na si Ate Clarita. Salubong din ang kilay ng tignan ako. At ang huling dumating naman ay si Kokey ko. Ningitian pa ako bago siya umupo sa tabi ko. Pagkaupo niya sa tabi ko ay biglang hinawakan niya sa ilalim ng mesa ang kamay ko at inintertwine niya ang bawat daliri ng kamay niya sa kamay ko. Ang awkward ng moment, tahimik pero ramdam kong sa akin nakatingin ang Papa at Ate ni Jero. Biglang inalis ni Jero ang pagkakahugpong ng aming mga kamay dahil tumayo si Mama There upang sandukan ako ng mga niluto ni Mama There. Pochero, Morcon, Java rice at iba pa. Halos lahat ay may pagkain na sa plato. Naglead ng dasal ang Papa ni Jero. Pagkatapos magdasal ay uneasy pa din ang nararamdaman ko. Si Jero at si Mama There ay masayang kumakain eh...ang Papa ni Jero at Si Ate niya ay nakatingin pa din sa akin ng masama. "Anong pangalan mo?" Seryosong tanong sa akin ng Papa ni Kokey. "Colby Sanchez po" magalang kong tugon. "Saan ka nakatira?" sunod na tanong sa akin ni Ate Clarita. "Taga kabilang Phase lang po ako ng Baranggay." magalang ko pa ding tugon. "Parehas na school lang kayo ni Jero di ba? lagi ba kayong magkasama?" Tanong sa akin ng Papa ni Jero. "Minsan po , magkaibang course po kami sir." sagot ko sa Papa niya. "Kailan mo nakilala si Jero?" tanong sa akin ni Ate Clarita. "Magisang buwang na po." sagot ko kay Ate. "Papa pakainin ninyo muna si Colby bago ninyo tanungin. " Nagpapasalamat ako kay Mama There. Whew! Pinagpapawisan singit ko. Kahi't nahinto ang pagtatanong nila sa akin ay kinakabahan pa din ako. Habang kumakain kami ay biglang nagsalita ang Papa niya. "Alam mo ba Clarita-." putol ba turan ng Papa niya. "Its Clarisse pa!" banat naman ni Ate Clarita. "Ok Clarita, Alam mo ba noong binata ako ay marami na akong bakla na binugbog noong High school ako." Sabi  ni Papa ni Jero. Shit! mukhang maling pamilya ata napasukan kong bahay. Naliligaw ata ako. Si Jero ba talaga ang katabi ko? Oh siyeteng si Marcos ang tatay niya? Nangangatog na ako sa takot at brief ko ay ramdam ko nang basa ng pawis. Laki kong tao sa tatay lang pala ako ni Jero talo. Amazonang bakla ako! tanda ko sa sarili ko. "OO nga pa. Ako nga may sampu na akong bakla na kinaladkad sa daan eh!" pagmamalaki ni Ate Clarita pagkatapos magsalita ng mga magamang galit sa bakla ay tumingin silang dalawa sa akin. "Di ba Colby?" tanong sa akin ni Ate Clarita ng paseryoso. "Ah..eh...o-o-oh-oo Ate Clarita, ayoko din sa bakla!" sabi ko. Sorry taksil ako sa lahi ng pugad lawin at sa reyna ng bahagharian. Si Jero naman ay noong tinignan ko ay nabalisa sa pagkain. Isa pang Shit! baka akalain niyang iiwan ko na siya dahil nalaman ko ang pamilya niya ay galit sa mga tulad ko. Binaba ko ang kamay ko at hinanap ko at kinapa ko ang kanyang kamay pero di ko mahanap ang kamay ni Jero sa tabi ko. Tumaas ang dugo ko sa mukha ng malaman ko kung ano ang hawak ko ngayon. TARUGO NI JERO! ang hawak ko. Ngayon nasa loob pa ito ng boxer shorts niya. Binitawan ko ito agad at kinurot ko ang mga hita niya. Napaaray siya sa sobrang sakit . Tinanong naman siya ng mag-amang galit sa bakla kung napaano siya. Sagot na lamang ng Kokey ko ay umaakting lang daw siya at nagreready para sa play.

PLaRO [boyxboy]COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon