PLaRO - Chapter 15 " Patayin Mo Na Ako Ng Dahan Dahan"

358 7 1
                                    

COLBY POV

Maaga akong pumasok ngayon sa school dahil may training kami. Makalipas ng dalawang oras ay tapos na ang training. Ewan ba kung bakit wala pa din akong abs, baby fats meron. Masarap kasi kumain ng cake. hehehe tama ako di ba? . Pagkatapos ng training namin ay tinipon kami ni coach para sa kanyang anunsyo. Mamayang hapon daw ay may darating na taga ibang school na makikipaglaro sa amin . Mga taga St. Peter daw.

Pagkatapos ng anusyo ay pumunta na ako sa shower room at naligo. Kung iniisip ninyo na nantsing ako sa mga kateam mates ko ..No way. Marunong akong magtimpi at lumugar.

Pagkatapos ko magbihis ng uniform ay pumunta ako agad sa locker ko para kunin ang mga gamit ko para sa subject ba papasukan ko at kunin na rin ang sulat ni Jero para sa akin. Isinilid ko na lamang ang sulat sa bag ko at pumasok na sa loob ng aming classroom.

Nakakainis yung tourism subject namin hirap na nga ako magkabisado ng mga Jargons ay may dagdag nanamang gagawin. Kaya pagkatapos ng aming klase ay pumunta na ako agad sa may karinderyang madalas kong puntahan upang doo'y kumain. Habang hinihintay ko ang order ko ay kinuha ko ang sobre sa akin bag at binuksan iyon. Kinuha ko ang memory card at sinalpak sa cellphone ko. Binukasan ko ang office suite application sa phone ko at binuksan ang liham niya.

Dear Colby ,

Hello!! Colby ko. (Lakas loob angkinin ako agad haha)Yung date natin sa unang simbang gabi ah!!. Aasahan ko ang iyong pagdating. Di ko na lang sasabihin kun anu ang suot ko.hahaha Lalapit na lang ako at kung sinu ang yayakap sayo ng walang pakundangan sa harap ng maraming tao. (Hala!! baka anu pa gawin nito sa akin sa simbahan) Alam mu gusto kitang gawin teddy bear ko at gusto kitang ihug at halik halikan ...awtsu napasobra ata.. (Buti alam niya haha gawin ba molestiyahin ang teddy bear??) Sorry kung ganito mga nasasabi ko . Baka kasi sa personal ay hindi ko masabi..

Basta ah unang simbang gabi ay inaasahan kita.. SARANGHAMNIDA!!

The one who likes and love you forever.

S.A

At siyempre pagkatapos nito ay nilasap ko na ang pagkain ko. Maigsi na nga lang ang breaktime ko ay sasayangin ko pa?

JERO POV

Magkahalong pagkatuwa at pagkainis ang naramdaman ko kahapon noong nasa Q.C Circle kami. Hindi ko alam kung paano gamayin ang salitik sa utak ng Colby ko. Umuwi kaming magkagalit . Nung tumawag ako , ayun sumagot . Ayaw na niya ako makausap pero tumawa sa huli. Baliw na ata siya. Baliw sa pagibig ko sa kanya haha.

Nagkaayos din kami sa bandang huli. Kulit din niya. Pagkatapos ko siyang tawagan ay nagopen agad ako ng computer at sinimulan ko nang magtype ng panibago kong sulat para sa kanya. Natapos na ako sa sulat ko at napagtanto ko na masyado na akong obsess sa kanya .haha.. Pagkatapos ay mahimbing na akong natulog dahil alam kong mahabahabang araw nanaman ang susuungin ko bukas.

Kinabukasan.

Maaga akong nagising pati na sina ate at mama. Si papa naman ay tulog pa. Pagkabukas ko ng bintana ng aking kuwarto ay madilim pa sa labas. Mabilis akong naghanda para pumasok ng school.

Pagdating ko ng school, mga alas singko ng madaling araw ay may dapat akong puntahan agad na lugar at iyon ang puso este ang locker ng Colby ko. Pagkarating ko doon ay hinulog ko agad ang sulat ko at umalis na. Pagkahulog ko ng sulat ay pumunta muna ako sa garden at dun muna ako umupo at gumawa ng mga homework, 9am pa naman ang klase ko eh.hahaha. Ang aga ko ng sobra nu??.

Tapos na din ang klase ko hehe. Pagtingin ko sa may relos ko ay ala una na pala ng tanghali. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext ko ang Colby ko.

PLaRO [boyxboy]COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon