PlaRO - Chapter 19 " Parted Holiday"

309 4 3
                                    

COLBY POV

          Kada madaling araw ay lagi kong kasama ang Kokey ko sa pagsisimba. Gusto ko kasing kumpletuhin ang simbang gabi. Yung first gift na gusto ko from God ay nakuha ko na at si Kokey ko yun.  At ang susunod kong hiling nawa'y magkatotoo at mabigyan naming patunay ang salitang FOREVER, na ang iilan ay nahihirapan gawin itong makatotohanan. Kasi naman yung iba, mata ang tumitibok na pati ang ari nila ay tumitibok din. Kaya ayun ay nagagawa nilang manloko.

          Nagtataka kayo siguro kung bakit Kokey ang tawag ko sa mahal kong iyon. Actually di naman siya panget, Pogi naman ang Kokey ko. Hindi ko lang sa kanya sinasabi dahil baka lumaki ang ulo niya. Lagi kong pinagmumukha sa kanya na mas gwapo ako sa kanya pero deep inside gusto kong sabihin na maganda ako...wahahaha.. joke lang

          Nandito kami ngayon sa Parke , sa may tapat ng simbahan. Nagkwekwentuhan kami ng kung anu ano. Yung mga kalokohan niya ang puro kinukwento niya. Ako naman ay nakikinig lang at tango lang ako ng tango sa kanya. Pinakyaw namin yung paninda ni manong. Bale 40 pcs. na chicken balls at 20 pcs. na kikiam. "Tae ! naman Dams oh...nagkwekwento lang ako dito, naubos mo na yung chicken balls. Alam mo namang favorite ko yan." pagmamaktol ng katabi ko. Hahahaha patulan ko muna kaya siya saglit. "Eh sino ba nagsabi sa iyo na bumili ka ng kikiam eh alam mo ding paborito ko din itong chicken balls" banat ko sa kanya. Tumalikod siya at nagdrawing ng  kung anu ano sa lupa. Umalis lang ako saglit at bumili ulit kay manong ng chicken balls at bumalik akong muli sa kinauupuan namin. "Kokey ! harap dito." utos ko kay Jero. "Ayaw ko !"pagmamatigas ni kumag. Tumusok ako ng chicken balls at nilapit sa mukha niya at agad naman niyang sinungaban na siyang bawi ko naman ng kamay ko at sumimangot muli si Kokey. Sinubuan ko siyang muli at pinisil ko ang kanyang mukha. Binatukan ko naman siya para sa tingin ng tao ay bromance lamang ang nagaganap sa aming dalawa. "Hindi man lang kita makiss." malungkot niyang turan. "Kailan kaya iyon? gusto ko din namang mahalikan ka eh." sabi ko sa kanya. "Dams, may itatanong ako. Pwede ba sa 26 pumunta ka sa amin?" tanong sa akin nh Kokey ko. "Ano gagawin ko dun Kokey?" tanong ko habang kinakain ko yung kikiam, kahit ayaw ko. "Ahm ...papakilala na kita kila mama, papa at ate bilang bestfriend ko pls. Di pa kasi ako handang sabihin kina mama at papa tungkol sa totoong relasyon natin." paanyaya niya sa akin. "Sige, yun lang naman pala eh. Magpapaalam na lang ako kina mama at papa para sa 26." sabi ko sa Kokey ko. Inenjoy namin yung oras namin ngayon.Sinabi ko kasi kay Kokey na baka hindi niya ako makasama sa 24 at 25. Dec 24 ay ugali na ng pamilya namin ang walang aalis sa bahay. Dapat ay kumpleto kami ng kapatid ko na si Leonard, mama at papa at kung may sasama sa mga pinsan ko upang makisalo. Nalungkot siya sa mga sinabi ko, maski ako din naman. Basta pagdating ng araw ng pasko ay siya ang una kong tatawagan at babatiin ng "Merry Christmas". Sa Dec 26 ay may regalo ako sa kanya. Isang regalong NAPAKA LUPET!

JERO POV

          "JEROOOO! bumangon ka na! Alas diyes na ng tanghali. Tumulong ka na sa akin dito sa baba para magluto." pagtawag sa akin ni nanay mula sa baba. "Opo nay!" sigaw ko upang narinig sa baba. Nagunat lang ako ng aking katawan mula sa aking pagkakahiga. Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan kong tawagan ang pinakamamahal kong Dams. Nakailang miss calls na ako pero hindi pa rin niya sinasagot ang mga tawag ko.  Tulog pa siya siguro.

Tinago ko na ang phone ko sa bulsa , nagayos ng kama at bumaba na ako ng hagdan patungo sa banyo para ayusin ang itsura ko.

          Pagbaba ko ng hagdan " Ano ba yan Jero, nung natulog ka, saan ka ba nangaling? Nirape at ginangbang ka ba ng mga engkanto kagabi? At saka paskong pasko mukha mo dinaig mo pa ang ampalaya. Ayusin mo nga sarili mo! I LOVE YOU BUNSO! wahahaha." simula nanaman ang mapagpanggap na anghel kong ate hahaha. "Wag mo na asarin Clarita ang kapatid mo, paskong pasko busangot ang mukha niyan." tanggol sa akin ni nanay. "Mama it's Clarisse" sagot naman ni ate. "Maghiwa ka na lang ng patatas diyan kaysa tumalak ka pa  diyan." turan ni nanay kay ate. Di na sumagot pa si ate dahil alam niyang talo siya kay nanay pagdating sa asaran.

PLaRO [boyxboy]COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon