PLaRo - Chapter 26 "Loving wild and free"

196 4 0
                                    

COLBY POV

        Masaya ako ngayong araw. Sobrang saya. Napakabilis ng panahon kung tutuusin biruin mo dati ay sa PLaRO lang kami magkakilala pero ngayon ay kami na. Tungkol naman noong mga nakaraang araw ...Baliw talaga si Kokey ko nalasing kaya ako. Ang dami kong nainom... OO na! Alam ko magrereact kayo at 2 shot lang ako ..kainis lang ..

             Yeah masaya ako ng sobra at nakahinga ako lalo ng maluwag noong nalaman na ng barkada ni Kokey ko ang tungkol sa amin. Nangamba nga ako dun sa Dolly na un eh. Eh... Ang pagkakakilala ko pa naman dun ay galit sa bakla yun. Eh siya pala ay Tiboli haha ..(Tibo)

            Pagbaba ko pa lang ng jeep ay nakita ko agad ang napakagwapong nilalang na nakita ko at iyun ang kokey ko. " Ngiting aso ah! nakahithit ka ba ng katol?" asar ko agad sa kanya. Sumimangot ang mukha ng kokey ko at umayos siya ng tindig mula sa pagkakahilig nila sa poste. Nilapit niya dahan dahan ang sarili niya sa akin at ewan ko kung bakit parang bumibilis nanaman yung tibok ng puso ko. Lagi naman niya akong ginaganito pero bakit parang bago lang lahat sa akin. "OO nakahithit ako...nahithit ko yung amoy mo na nagstay na sa pangamoy ko at sa sistema ko. At kung magaadik man ako, ok lang kahit araw arawin ko. Dahil ikaw lang naman kaadikan ko araw araw , oras oras minuminuto ....Sapat na yun!" sabi niya sa akin habang titig na titig siya sa akin. Napangiti na lamang ako na parang nakadrugs na rin ako sa mga sinabi niya. Yeah sanay na akong akbayan niya kapag papasok kami ng school, hindi na ako naasiwa pero inaalala ko lang siya dahil may katangkaran ako sa kanya ng kakaunti. Haha hinatid niya muna ako sa building namin at umalis na siya. Yung ibang mga tao nakatingin sa amin ..Si Kokey kasi kung makatitig kala mo mangrarape. Haha ganun talaga kung paano ko siya idescribe. Nagpaalam siya kasi pupunta muna siya sa Lundayan "school publisher" para ipasa yung article niya for new issue ng news magazine at mageedit for the layouts.

Pagpasok ko sa room ay nakatingin yung iba sa akin. Parang naninibago yung tingin nila sa akin. Binalewala ko na lamang at sinimulan ko nang umupo at magayos ng gamit para sa oras ng pagaaral. " Nakangiti ka ngayon boy ah! dati para kang meme na pokerface pag papasok. " sabi sa akin ng klasmate ko na hindi ko naman ka close. Ganun talaga ako pagpumapasok haha..IBA TALAGA ANG INLOVE HAHA. "Tss.." imik na ngiti ko na lamang at kinuha ko na lang yung phone ko at tinext ang Kokey ko.

"Kokey..Ingat ka diyan ah.Good luck at galingan mo po. Iloveyou :D mwaaahhh:D." text ko sa kanya. Makalipas ng ilang minuto habang nagrereview ako ng mga notes. "Iloveyoutoo Dams ko. mwaaahhh Mamaya lunch sunduin kita sa lobby ng building ninyo sabay tayo maglunch ng tropa. Galingan mo dyan . ;) " reply niya. "Haaayyy pede na ako mamatay haha...mamatay si kilig LOL. " reply ko naman sa kanya. "Mamatay agad? yaw ko nun.. la na ako kasama :'( mahihirapan ako mabuhay ng wala ka." reply niya. Napangiti na lamang ako ng kusa sa nabasa ko. Sino ba naman kase amg hindi kikiligin dun haha.

Dumating na prof namin.  "Joke lang Kokey ko. Dito prof. namin ..mamaya itetext kita mwaaahhh." reply ko at isinilid ko na sa bag ko ang phone. Pagtago ko ng phone ay katabi ko na pala si Perona. "Sino yan? lakas makapagpangiti niyang katext mo sa iyo ah!" biro niya at ngumiti. "Baliw hahaha." tawa ko. Sa pagtawa kong iyon ay " Guys ! Tao din pala si Sanchez ..marunong din pala tumawa. Kala namin lagi kang seryoso. " sabi nung prof namin. Huminto ako sa pagtawa noong sinabi yun ng prof ko at nagsimula na ang aralin.

......

Sinundo ako ni Jero sa lobby ng building at dumeretso na kami sa cafeteria. Kasama namin kumain ang tropa. Si Kokey ko naman sumisimple siya yung tipong kukunin niya ulam kong manok tapos tatanggalan niya ng balat. Sabi niya kasi ay mataba yung chicken skin. Ako naman bilang abang mapagmahal sa Boyfriend ako nagrerefill ng water tumbler niya sa drinking fountain. Masaya kaming kumain yung wala kaming itinatago dahil alam ng ilang mga taong pinagkakatiwalaan namin ang pinakakatagong sikreto. Sina Dolly at Carla din ay naging sweet sa isat isa.  Nagkakantyawan na ang lahat buti na lang ay kakaunti na ang tao sa cafeteria. Paano ba naman kase si Jero halos maging sweet  habang kumakain kami kaya ako naman ang babawi. Kinalabit ko si Dolly at alam ngumiti ako ng pagkalokoloko. Bale magkatabi kami ni Kokey at si Dolly, sa tapat naman ni Dolly ay si Carla na katabi naman si Patrick at Sahara. Nagets naman ni Dolly ang balak ko. Hinawakan ko ng pagkahigpithigpit yung hita ni Jero. Yung malapit sa crotch area at minasahe ko yun haha...Tago naman kung ginawa ko dahil bandang nasa gilid kami. Habang ginagawa ko yun ay natigil sa pagtawa ang loko at napatingin sa akin at sa kamay kong humahagod sa hita niya. Namula ang loko haha. Si Dolly, Carla at Patrick di makapagpigil ng tawa.

Eh si Patrick walang kaalam alam kaya tumayo siya at nakita ni Patrick kung saan nakapwesto ang kamay ko. At natawa din siya sa nakita niya. Si Jero lang tapaga ang epic ang mukha. "May gift ako sa iyo Jero kapag nasolo mo ako. " sambit ko na lalong ikinahiya ng loko. Malibog kapag kami lang magkasama pero pag may tao na nahihiya haha.... Sa biruan naming iyon ay parang napatingin siya sa isang lugar at parang may hinahanap siya. Hindi siya mapakali na parang ewan. "Huy di ka mapakali diyan?" tanong ko na paglingon ko din sa lugar ng kanyang minamasdan. "Ah wala Dams kumain na lang tayo. " pagsasawalang bahala niya sa tanong ko na marahil maski siya ay di niya alam ang sagot.

            Pagkatapos kumain ng grupo ay nagkanya kanya na kaming landas. Siyempre kasama ko pa din ang Kokey ko. Kaso nga lang si Jero parang kiti kiti na di mapakali. Panay tingin kahit saan. "Naka drugs ka ba? O nakasinghot ng sunog na goma, para ka ding bulate na binudbiran ng asin. haha" biro ko sa kanya. Kahit biniro ko na siya ay seryoso pa din ang mukha. Gumawa ako ng paraan para maiba ang mood niya.  Tumayo ako sa harap niya at sinayaw yung sa Miracle cell no. 7 bago magbyebye tatay ni yesung. Nagawa ko siyang mapangiti at hinatid na niya ako sa basketball court para sa training.

Di pa rin mawala sa isip ko kung ano o sino ang tinitignan o hinahanap niya.

...    

Trident

PLaRO [boyxboy]COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon