PLaRO - Chapter 27 " Orange Mother This"

129 2 0
                                    

Mamaya magegets ninyo kung bakit ganito yung title...

JERO POV

            Walking  going to school.. haha taglakad ako ngayon. Walang masakyan papuntang school dahil ang traffic at isa pa late ako nagising for sure badtrip ang Dams ko dahil siya ang unang nagigising sa amin. Nakailang tawag na siya pero di ko nasagot dahil nakahilata at taglaway sa mga oras na iyon. Tinext ko na ang Dams ko na nandito na ako sa school. Excited din ako for this day dahil today ilalabas yung newslette ng lundayan na inedit namin ng napakahabang panahon.

          After class ay tinext ko pa din ang Dams ko pero wala pa rin akong reply na natatanggap. Sinubukan ko siyang tawagan pero  nakapatay ang phone niya dahil out of coverage area. Pumunta ako sa lobby ng college nila para I check kung nakalog in na siya pero sabi ng sa information di pa daw pumapasok ang Colby ko sa college nila. Kinakabahan ako kung saan siya nagpunta. Sinubukan ko siyang puntahan sa Gymnasium pero wala din siya doon dahil sabi ng janitor ay kanina pang 8am sila natapos. Di ko na alam kung saan hahagilapin ang Dams ko. Baka nagtatampo yun sa pagdiko pag gising at pagsagot sa tawag niya. Kinakabahan ako..poootaaa! Umupo muna ako saglit at napansin kong ang tahimik ng mga estudyante at minsan yung iba ay tumitingintingin sa akin. Habang nagiisip isip ako ng mga bagay bagay ay may lumapit sa akin "Nice bro! Di ko alam iba na pala trip mo ngayon ah!." sabi ng lalaking FC (Feeling Close) pero natandaan ko siya na siya yung nainterview ko dati. Nalilito ako sa mga sinabi niya. Nagiisip pa din ako tungkol sa sinabi ng lalaki nang umalis na siya.  Tumayo na ako at naglakad papunta sa Lundayan room para kunin yung kopya ko ng newslette.

            Yung naglalakad ako sa corridor. Para kang artista na tinitignan Lol. Nakita ko yung adviser namin sa Lundayan at si Conrad. Oo si Conrad, kasama ko siya sa org. Tumayo siya at may kinuha sa drawer. Pagkasarado ng drawer ay lumapit siya sa akin at inabot ang kopya ko ng newsletter. "Kopya mo oh! Enjoy reading " ngiti niya sa akin at bumalik sa kinauupuan niya. Nakasaksi ako ng ngiti bg Demonyo. Paglabas ko ng room ng Org. ay maraming tao ang nasababa at may tinitignan sa gymnasium. Pagkadungaw ko pa ng maigi ay nakita ko ang ingay ng mga tao at si ko Colby na tumatakbo ng napakabilis papalabas ng gate ng school. Hindi ko gusto nakikita ko ngayon....

COLBY POV
            Umuwi muna ako ng bahay. Hindi ko halos makayanan ang mga nangyari sa akin kaninang umaga sa campus. Parang may ginawa akong isang bagay na hindi ginusto ng lahat o isang bagay na ikinadisgusto ko... Hindi ko ginustong matanggap ang lahat ng mga lait na iyon. Hindi ko lalalong gustong mapahamak ang mahal ko dahil sa isyu na alam kong lalabas. Alam naman namin ni Kokey na lalabas ang isyu tungkol sa amin pero hindi ako handa sa panahong ito at sadyang napakaaga. HIndi manlang hinintay ng panahon na maging handa kami.

        Bago ang lahat, maaga akong nagising at tinawagan ko ng tinawagan si Jero para magpaalam na papasok na ako at mauuna na ako sa school at huwag na siyang magabala na sunduin pa ako sa bahay para sabay kaming pumasok. Wala pang masyadong tao sa school. Tanging ilaw at ang guard house pa lamang ang may ilaw. Sigurado akong wala pa sina coach sa loob ng gyumnasium. Naglakad ako patungo sa gymnasium at nakita ko nang bukas ang ilaw tanaw mula dito sa labas. Pagpasok ko ng Gymnasium ay nakatumpok ang lahat at badyang nagsiwatakwatak ng dumating ako. Nagbihis muna ako at bumalik sa loob ng court. Nag good morning ako kay coach pero parang hangin lang ako na dumaan at walang sagot na nagmula sa kanya. Pumunta na ako sa gitna para sumama sa palagian naming paguunat.  I bro bro fist ko sana si Lisboa sa pagbati kaso nga lang ay bigla siyang umalis at lumipat sa tabi ng isa pa naming kateam mate pati ang ilan ay ilag sa akin bukod lang kay Vernon na kinakausap pa din naman ako kahit papaano. Nkakapanibago lang silang lahat. Ni pati pagpasa nga sa akin ng bola ay hindi nila ginagawa na kahit libre na ang spot ko ay hindi nila ipapasa. Nakakahawak lang ako ng bola kung si Vernon ang kasama kong sasalaksak sa loob ng ring.  Natapos ang lahat lahat ng program ng training pero di ko alam kung ano na ang ikikilos ko sa loob ng gymnasium. "Pare, magusap nga tayo?" lapit sa akin ni Lisboa. "Bakit?" tanong ko naman. Hindi na niya ako hinintay pang umimik at hinatak na niya ako papalabas ng gymnasium. Paglabas namin ng Gymnasium ay binato niya sa akin ang isang itsurang magazine. Pagkapulot ko nito ay kopya ito ng isa school newslette. "Oh! Anong mayroon dito?" tanong ko dahil isa lamang naman itong newsletter. "ETO! BAKLA!" duro ni Lisboa na halos ikalukot ng newsletter. Nakita ko na nasa part siya ng frontpage.

       "Isang Varsity Basketball Player ng school ay isang BAKLA?"  Ito ang nakasulat na nabasa ko. Binuklat ko ang mga pahina kung saan nakasulat ang artikulo ng balita. Tangina! sa loob loob ko gusto ko nang magmura. Kung sino man ang gumawa nito...ANONG KASALANAN KO? Anong kasalanan namin ni Jero. Hindi ko talaga alam kung ano ang isasagot ko sa dalawa. Kung tutuusin ay sila lamang dalawa ang close ko at itinuturing kong kaibigan sa team. Ako at si Jero ang nasa Litrato at saktong kiniss niya ako sa senaryong iyon.        Kung titignan ko ang larawan ay picture namin noong Christmas Vacation. "ANOOO!! Magsalita ka! Totoo ba yang nasa balita?" galit na tuon sa akin ni Lisboa. Hindi ko talaga kayang sumagot at tanging titig nalamang sa larawan ang nagagawa ko. Sumisikip na ang dibdib ko, di ako makahinga ng maayos..dag dag pa ang presyon ng pagdagsa ng mga tao sa tapat ng Gymnasium. "AYAW MO SUMAGOOOT? BAKLA KA TALAGA ANO?" pangbuburyo pa sa akin ni Lisboa nang biglang sinuntok ni Vernon si Lisboa sa panga na ikinatumba niya. "Kaibigan pa rin natin yan si Colby pre...wag ka naman ganyan. Kung may ganito mang issue na dapat pagusapan ay sa pribadong lugar natin gawin at hindi sa harap ng maraming tao na ikinapapahiya pa ng kaibigan natin." usal ni Vernon. Tumayo si Lisboa at tumindig , tinitigan na lamang niya ako ng pagkasama-sama at pumasok na sa loob ng Gymnasium. Sa sama ng loob ko at wala talaga akong maihaharap sa mga tao ay kinuha ko na lamang ang gamit ko sa loob at dirediretsong tumakbo ng Gymnasium patungo sa gate papalabas ng impyerno.

"Ang laking tao, Bakla pala? hhahah"....

"Pamintaaaa!"...

"Ang lansa Bro! Pasok na tayo hahah.."

"Crush ko pa naman...Sirena din naman pala!"... 

................................. To be Continued...........................................

Sorry for late update guys...hahaha 

May tinapos lang kase na dalawang libro sa buhay ko.

1. Feasibility Study (School)

at ang sariling libro ng LOVE LIFE ko ahhaah ..

Thank you 

---Trident

PLaRO [boyxboy]COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon